Chapter 18. Jealous & Danger

284 8 3
                                    

TRIDA’s POV

Woah! I was speechless. Hindi ako makapaniwala sa ipinabasa sa akin ni Ivy na text sa kaniya ni Haze. Aba't marunong pala s'yang lumandi? I wasn’t informed!

"Pero ‘wag kang mag-alala. Wala akong balak i-entertain si Haze,” she said reassuringly nang ibalik ko na ang cell phone niya.

"Ano ka ba, Ivy? Wala sa ‘kin, ‘yon! Kung gusto mo s’ya, ayos lang. Break naman na kami.” Hindi ko alam kung saan nanggaling ang sinabi ko. Kung sa puso ba o sa ilong lang.

"Hindi ko s’ya gusto. Alam mo naman na si Matthew ang bet ko. Pero alam mo, feeling ko? Baka pinagseselos ka lang n’yang si Haze kaya bigla s’yang naging ganito sa ‘kin.” Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya kaya nag-angat muli ako ng tingin rito. Pinagseselos? "Kasi napapansin ko, palagi pa rin s’yang concern sa’yo. So, naisip ko lang na baka gusto ka lang n’yang magselos. Tapos kapag nalaman n’yang may feelings ka pa— ‘tsaka s’ya makikipagbalikan."

Natawa ako nang bahagya sa konklusyon niya. "Malabo ‘yon, Ivy! At saka hindi na ako umaasa. Naka-move-on na si ate mo girl!" sabay hair flipped.

***

Monday. 5:30 AM. Sabay lamang kaming nagising ni Ivy ngunit nauna siyang maligo. Habang naisipan ko namang bumaba muna sa kusina para magtimpla ng gatas.

Naabutan ko roon si Matthew na nagpiprito ng isda. May hawak siyang malaking takip ng kaserola sa kaliwang kamay at sandok naman sa kanan. Ginagawa niyang panangga ang takip sa tumatalsik na mantika.

"Araay! Ouchuuu!" reklamo nito. Halatang natalsikan.

"Ikaw ba ang schedule ngayon?" tanong ko habang nagsasalin ng mainit na tubig sa mug.

"Oo." Hindi man lang niya ako tiningnan dahil abala siya sa pagbiling ng isda.

Nang matapos akong magtimpla ng gatas ay humila ako ng upuan sa mesa para daldalin siya. Tutal naman ay naliligo pa si Ivy. Maya-maya na ako aakyat. "Ano’ng oras kayong nakauwi kagabi?"

"Sabay kami ni Zee kagabi, 9:00pm. Si Kayden 9:30 na dumating. Si Haze at Kierzyuwi, hindi ko na namalayan. Baka tulog na kami no’ng dumating sila." Hindi na rin kasi namin sila namalayang dumating dahil maaga kaming nakatulog ni Ivy. Parang 8:30pm pa lang yata noong nahiga kami, nagkuwentuhan hanggang sa makatulog.

"Wala man lang pasalubong?" biro ko sa kaniya.

Lumingon naman ito sa akin. "Mayro’n. Nasa ref."

"Talaga?" Agad akong tumayo para tingnan iyon. May nakita akong dalawang box ng special cassava kaya inilabas ko ang isa. Kumuha rin ako ng platito at nag-slice ng para sa akin.

"Bakit ganito? Dumikit na!" Nilingon ko si Matthew nang marinig ko siyang nagreklamo. Binabaligtad kasi niya ang isda sa kawali.

"Bakit?" Lumapit ako sa kaniya para tingnan ang ginagawa niya. At nanlumo ako sa sinapit ng isda sa mga kamay niya. "Ano’ng ginawa mo? Bakit na-massacre mo ‘yung isda? Kawawa naman." Natawa pa ako nang bahagya. Lusak-lusak na kasi ito dahil dumikit sa kawali at humiwalay na ang ibang laman.

"Bahala na! Pagtyagaan n’yo na lang ‘to!" Hindi rin niya naiwasang matawa sa sarili niyang gawa.

Pagkaubos ko sa cassava at gatas ay agad na akong bumalik sa kwarto para maligo. Pero pansin kong hindi pa rin lumalabas ng banyo si Ivy.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon