Chapter 31. Finding Supremo

220 12 9
                                    

IVY POV

Pagdating ko sa dorm, hindi ko inabutan si Trida sa kwarto. Nasaan kaya siya? Inilapag ko ang bag ko, pati na rin ang binili kong pagkain sa nadaanan naming restaurant kanina.

Kinuha ko ang cell phone ko at naisipan ko siyang tawagan. Ilang ring lang 'yon bago siya sumagot.

"Nasaan ka?" bungad ko sa kaniya.

"Pauwi na."

"Sa'n ka galing?"

"Kinuha ko 'yung damit natin sa laundry shop. Hiyang-hiya naman ako sa'yo, wala ka ng isusuot bukas, e!"

Nanumbat pa talaga. "Sana kasi hinintay mo na lang ako. Sino kasama mo? Mag-isa ka lang ba?"

"Kasama ko si Yuwi."

"Mabuti kung gano'n. Delikado kung mag-isa ka. Baka kuhanin ka na naman ng naka-van. Anyways, dalian mo. May pag-uusapan tayong impotanteng mahalaga."

"Ano?"

"Basta. Mamaya. 'Wag kang excited!" I ended the call and threw my phone on the bed.

Dumiretso na rin muna ako sa banyo para mag-shower saglit. Ngayon ko sasabihin kay Trida na pumapayag na akong hanapin namin si Supremo. Na makikipagtulungan na ako sa kaniya.

Kung nangyayari kasi ang killings dahil sa nakatagong mga ginto rito sa dorm, naisip ko lang na baka may alam ang Supremo na 'yon. Baka related siya sa magiging fiancé ko. Baka kilala niya. Kaya kailangan ko siyang makita.

Nagbihis agad ako pagkatapos kong mag-shower. Habang nagsusuklay, may narinig akong kumatok sa pinto. Ni-lock ko kasi 'yon kanina.

Lumapit ako para buksan dahil alam kong si Trida na 'yon. Pero pagbukas ko, nakita ko siyang nakapasan kay Kierzyuwi.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ko. Binukas ko nang todo ang pinto para makapasok sila at iniupo naman siya ni Kierzyuwi sa bed niya.

"Thanks." Nagpasalamat muna siya rito bago ito tuluyang lumabas sa kwarto.

"Bakit pasan ka no'n?" taka kong tanong nang kami na lang dalawa ang magkaharap. Isinara ko na rin muli ang pinto.

"Masakit ang paa ko. May natapakan akong bato kanina habang tumatakbo. Tapos na-out balance ako at nalaglag," she explained.

"Ah. Eh, kumusta 'yung bato?" Nagbibiro lang naman ako pero bigla niya akong tiningnan nang masama.

"Mas inisip mo pa talaga 'yung bato kaysa sa 'kin?"

"Kawawa kasi. Bakit mo naman inapakan? Inaano ka ba ng bato?" Naupo ako sa gilid ng kama ko habang patuloy siyang inaasar.

"Alam mo? Hintay ako nang hintay sa pag-uwi mo, pero feeling ko naghintay lang ako sa wala! Wala akong mapapala!" Inirapan niya pa ako.

"Mayro'n. Sino nagsabing wala?" Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya ngumisi ako.

"Ano?" she asked.

"Una, itong pagkain." Sabay turo ko sa paper bag na may logo ng isang sikat na restaurant. "Pangalawa, payag na 'ko na hanapin si Supremo."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon