Chapter 37. What's in the case?

234 11 13
                                    

IVY POV

Kinuha agad ni daddy sa kamay ko ang cell phone at saka niya 'yon tiningnan. Nang makita niyang restricted number ang nasa screen ay agad niya 'yon ibinalibag. Tumama 'yon sa pader at nagkahiwa-hiwalay.

"Dad...b-bakit..." Pareho kaming nagulat ni mommy sa ginawa niya.

"Get a new one. Kinuha ng lalaki kanina ang number mo sa phone ko. And it's very easy to hack a cell phone, even if all they have is the phone number. They can also find your location," seryoso niyang sabi. Bigla naman akong natakot. Ibig sabihin, gusto talaga nila akong mahanap dahil sa kwintas? "Simula ngayon, don't let anyone touch your phone and don't let others have your phone number. You have to be careful."

***

Pagkatapos ng naging pag-uusap namin nila mommy at daddy ay sinabihan na agad nila akong umalis at baka raw may pumunta ulit sa bahay para hanapin ako.

Pinipilit din nila ako na hanapin ang kwintas na iniwan sa akin ni lolo para ibigay sa kanila. Wala na rin daw silang pakialam sa kasal at kayamanang makukuha namin kung mapapahamak naman daw kami.

"Dad, are you sure na hindi attorney ni Mr. David ang nagpunta rito at nagbanta sa inyo?" tanong ko habang palabas kami sa kwarto nila.

"Oo. Sigurado ako. Kilala ko ang boses ng attorney ni Mr. David at pamilyar sa 'kin ang katawan n'ya kaya alam kong hindi s'ya ang narito kanina," sagot ni daddy.

Tumango naman ako at nagpaalam saglit upang pumunta sa kwarto ko. Sinabi kong may kukuhanin lang akong ilang gamit bago umalis.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong ini-lock ang pinto at lumapit sa malaking painting na nakasabit sa wall, malapit sa bintana. Binuksan ko 'yon na parang isang pintuan dahil natatakpan no'n ang built in vault ko na ako lamang ang nakakaalam.

Ini-enter ko ang passcode para buksan 'yon at saka ko kinuha ang itim na box kung saan nakalagay ang kwintas na binigay sa akin ni lolo noon. Binuksan ko rin ang box at tiningnan ang kwintas.

Ano'ng mayro'n dito at gusto nilang makuha?

TRIDA POV

Gabi na akong nakauwi sa dorm galing kina Tito Jovanne. Dumiretso ako sa taas, papunta sa kwarto namin, ngunit pagbukas ko sa pinto ay hindi ko naabutan si Ivy roon.

Nasaan 'yon?

Inilapag ko ang bag ko sa kama at saka ako bumaba ulit sa lobby para tanungin si Ate Mildred, nanonood ito ng tv. "Ate Mildred, umalis ba si Ivy?"

"Oo. Pero hindi ko alam kung saan s'ya nagpunta. Nagmamadali s'ya kanina," baling niya sa akin.

Saan kaya siya nagpunta? Pabalik na sana ako sa taas nang biglang dumating si Zee, mukhang kararating lang din.

"Hi, bestu!" Ngumiti siya at kumaway pa sa akin.

"Hindi ka ba umuwi ngayon?" tanong ko nang magkatapat na kami. Huminto kasi siya sa harap ko.

"Hindi. Nagwalwal lang ako sa labas." Halata nga dahil nakasuot lang siya ng pangbahay. "Una na 'ko sa taas. Makaligo na. Amoy araw na 'ko."

"Ligo well." Tinawanan ko siya nang bahagya bago ako tumungo sa kusina para sana uminom ng tubig. Ngunit natigilan ako nang may marinig akong nag-uusap sa loob-hindi pa man ako tuluyang nakakapasok. Mahina lang ang kanilang mga boses pero dinig na dinig ko 'yon.

"Alam mo bang dito sa dorm natin nakatago ang sinasabi nilang ginto?"

"Totoo ba? Saan?"

"Hindi ko pa alam kaya ang mabuti pa tulungan mo 'kong maghanap at 'wag na 'wag mong ipapaalam kahit kanino."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon