Chapter 35. Q & A

168 7 3
                                    

IVY POV

"Ano na? Sino ang tama sa 'min?" baling sa akin ni Trida. Pati silang lima ay nakatingin sa akin, hinihintay nilang sabihin ko kung sino ang mga nakahula ng hindi totoo sa sinabi ko.

I cleared my throat before answering. "Matthew at Trida," tipid kong sagot sabay yuko.

Iniiwasan kong mapatingin kay Matthew dahil may kakaiba sa pakiramdam ko. At hindi ko alam kung ano. Pero, oo. Tama naman siya. Lie ang pagsasabi ko ng younger sister dahil ako ang bunso sa amin ni ate.

"Yes!" Narinig kong sabi ni Trida at nakipag-high five pa ito kay Matthew bago siya nito ituro.

"Ikaw na Trida." Siya naman ngayon ang pinuntirya nito. Talagang uunahin nila kaming dalawa?

TRIDA POV

"I have an older brother. Marami rin akong kaibigan noon. Pero binully nila ako," litanya ko habang nakatingin sila sa akin.

"Sssp..." Yuwi tilted his head while looking at me intently. "Akala ko ba two truths and one lie? Why do they seem to be two lies and only one is true?" he said, confused.

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Teknik 'yon syempre! Gusto ko talagang ma-confused kayo kung alin ang hindi totoo sa sinabi ko."

Ang totoo lang sa sinabi ko ay 'yung older brother ko at pag-bully sa akin. Ang lie naman ay 'yung marami akong kaibigan. Dahil wala naman talaga. Hindi ako nagkaroon ng maraming kaibigan noon dahil nga sa mga issues ni daddy.

Nagtaas ng kamay si Ivy para maunang sumagot, pero pinigilan ko siya dahil alam kong alam niya kung ano ang lie sa mga 'yon.

"Sila muna." Sabay turo ko sa lima.

"Ako muna." Nagtaas ng kamay si Haze. "Lie, 'yung binully ka. Why would they bully you?" seryoso niyang sabi. Nakakunot pa ang kaniyang noo. And he was wrong. Sabagay, hindi ko nga pala nakuwento sa kaniya noon ang tungkol doon kaya hindi niya alam.

"Lie, marami kang kaibigan," sagot naman ni Zee. He's correct since kilala niya ako dahil siya ang naging tagapagtanggol ko noon.

"Lie, binully ka." Si Kayden. Wrong.

"Lie, marami kang kaibigan." Si Matthew. Correct.

Binaling ko ang tingin kay Yuwi at hinintay ko ang sagot niya. Ang kaso, bumaling siya kay Ivy at sumenyas na mauna itong sumagot. Agad naman itong sumunod sa kaniya.

"Lie, marami kang kaibigan," she said. Tama rin siya dahil naikuwento ko na sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin noon.

I turned to Yuwi and waited for his answer. Mataman niya pa nga akong tinitigan bago sumagot.

"Lie, marami kang kaibigan," seryoso niyang sabi. Tumango ako para sabihin na sana kung sinu-sino ang nakahula ng lie ngunit bigla ulit siyang nagsalita. "Another lie, you don't have an older brother." And that made me look at him again, confused about what he just said. Alam kong hindi lang ako ang nagtaka kun'di pati na rin ang iba.

A brief moment of silence.

"Hoy Kierz, may kapatid si Trida! Nasa Canada," dipensa ni Ivy na pumukaw sa atensyon nila.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon