Chapter 16. Crush Back

308 9 3
                                    

TRIDA's POV

I was confused for a moment when I saw Kierzyuwi got out of the car and started walking towards us. Nakasuot siya ng simpleng white poloshirt, black jeans at white na converse shoes. Sobrang simple ng porma pero napaka-expensive ng itsura. Iba!

"Ano'ng nangyari?" tanong niya nang tuluyang makalapit sa amin. But instead of answering him, I just stared at his f*cking handsome flawless face. Siguro no'ng umulan ng kaguwapuhan, nagkape 'to ng isang drum kaya gising na gising siya no'ng panahon na 'yon at nakadipa pang tumatakbo sa labas para saluhin lahat ng biyaya.

"S-sino 'yon, Trida?" Nabaling ako kay Ivy. Muntik ko na siyang makalimutan dahil kay Yuwi. Sasagot pa lang sana 'ko sa kaniya nang maagaw ang atensyon namin sa tunog ng police car na palapit sa aming direksyon. Pero nilagpasan nila kami nang kaunti dahil sa tapat mismo ng dalawang lalaki na dumukot sa amin sila huminto.

"Get in," baling ni Kierzyuwi sa 'min at tinulungan akong alalayan si Ivy para makapasok sa sasakyan niya.

Nang maisara ko na ang pinto sa side ni Ivy, nag-angat ako ng tingin kay Yuwi. "Paano mo nalaman na narito kami?"

"Nakita ni Shane at Mikee ang pagdukot sa inyo kaya nai-report agad sa pulis. They checked the CCTV street cameras para masundan kayo," he stated using his beautiful deep voice.

***

Pagdating namin sa dorm ay agad kaming sinalubong nila ate Mildred, Shane, Mikee, Kayden, Zee at Matthew. Pati na rin ang receptionist ay halatang nag-alala sa amin.

"Thank goodness at okay kayo!" Sa itsura ni Ate Mildred ay daig pa niya ang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Hinagod niya rin kami ng tingin ni Ivy mula ulo hanggang paa bago siya bumaling kay Kierzyuwi na nasa bandang likuran namin. "Buti nahanap mo agad sila. Salamat."

"Nataranta ang buong dorm dahil sa nangyari sa inyo! Sa'n ba kasi kayo nagpupunta?" Si Matthew.

"Basta ako hindi nag-alala. Alam ko kasing mas malakas pa si Trida sa kalabaw. I-untog n'ya lang ang mga 'yon sa muscles n'ya, bubulagta agad! Mas nag-aalala pa nga ako sa noodles ko. Siguradong namamaga na 'yon ngayon sa kusina!" litanya ng magaling kong best friend, si Zee, na mukhang mas importante pa ang noodles niya kaysa sa buhay ko.

"Edi budburan mo ng mefenamic at amoxicilin kung namamaga! Simpleng bagay..." sabay irap ko sa kaniya bago siya natatawang humakbang pabalik sa kusina, kasunod na niya si Kayden pati na rin si Yuwi.

"Nasaktan ba kayo o nasugatan?" muling tanong ni Ate Mildred sa 'min.

"Ako po, hindi. Pero si Ivy..." bumaling ako sa katabi ko na kanina pa tahimik sa madilim niyang mundo, "bulag na po yata."

"Gagi!" Inangat niya ang isang kamay para hampasin ako. "Nasa'n ka ba!" inis pa nitong tanong nang hindi niya ako tamaan dahil nga nakapikit siya.

"Saka mo na 'ko hampasin kapag nakakakita ka na." Bumaling ako kay Ate Mildred, Matthew, Shane at Mikee, maging sa receptionist para magpaalam na paakyat sa floor namin. "Una na po kami sa taas."

At ang magaling na Ivy, nakuha pa'ng mamilosopo kahit walang nakikita. "Huwag mo 'ko idamay. Bata pa 'ko. Marami pa 'kong gustong gawin sa buhay. At saka, sure ka bang sa taas ka mapupunta?"

Natatawang lumapit sa kaniya si Matthew, hinawakan siya sa balikat para iharap sa direksyon ko. "Hayun si Trida. Si Ate Mildred ang kaharap mo."

"Ay, sorry po!" paumanhin niya na sinabayan pa nang bahagyang pagyuko. Pero sa 'kin siya nakaharap noong ginawa niya 'yon kaya muli siyang pinihit ni Matthew paharap kay Ate Mildred.

Napabuntong-hininga na lang ako bago nagdesisyong bumalik at akayin siya. Pati tuloy sila Ate Mildred at ang receptionist ay natatawa sa kaniya.

"Dapat maging mabait ka sa 'kin. Alalahanin mo, ako ang nagsisilbing mata mo. Isang tulak ko lang sa'yo rito sa hagdan, makikita mo na si San Pedro!" biro ko noong nasa hagdan na kami.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon