Chapter 42. The Accident

197 8 2
                                    

IVY POV

Pagkatapos namin bumili ng cell phone ay niyaya ako ni Matthew na kumain dahil hindi pa rin daw siya naglu-lunch.

Siya ang umorder ng pagkain namin kaya naiwan akong mag-isa sa table. At habang wala siya ay inabala ko muna ang sarili ko. Nilagyan ko ng sim card ang phone kong binili at saka ako agad nag-text kina mommy at daddy. Bagong sim din ang ginamit ko.

Nag-reply naman si daddy at tinatanong niya sa akin ang tungkol sa kwintas. Ngunit sinabi ko sa kaniya na hindi ko pa iyon nakikita. Kailangan ko munang malaman kung ano'ng mayroon sa kwintas na 'yon bago ko i-surrender.

***

"Ano pala'ng pangalan ng parents mo? May kapatid ka ba?" tanong ko kay Matthew habang kumakain kami sa isang restaurant na nasa loob lamang din ng isang sikat na mall.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin at biglang ngumiti. "Bakit parang bigla kang naging interesado sa 'kin?"

Ngumiti rin ako. Pabebe smile. "Interesado naman talaga ako sa'yo," I said flirtatiously.

Kailangan ma-fall sa akin 'tong si Matthew. Kapag nakuha ko na ang tiwala niya at naging open na siya sa akin, baka sakaling may malaman ako.

Pero kasi, crush ko naman na talaga siya. Kaya hindi ko rin maiwasan na magpa-cute.

Tumigil siya sa pagkain at ibinaba ang hawak niyang kutsara't tinidor. Tumitig siya sa akin at parang inaaral niya ang bawat anggulo ng mukha ko.

"I'm adopted," he said and my jaw dropped. Adopted? Seryoso ba siya? "Hindi ko alam kung may kapatid ako. P'wedeng meron, p'wede rin wala," he continued.

Ibig sabihin, ang sinabi niyang mommy niya na si Stella or Ella for short daw, hindi niya biological mother?

"Sorry. Hindi ko alam na—" He cut me off before I could finish my words.

"It's fine. Wala naman akong balak itago 'yon. Nanibago lang ako dahil sa lahat ng babaeng nakilala ko o naging chix ko, first time may magtanong sa 'kin ng tungkol sa magulang ko." Seryoso ang kaniyang mukha at mukhang hindi nga siya nagbibiro. Pero teka? Sa lahat ng nakilala niya o naging chix niya? Ano 'to? Parang ipinagyayabang niya pa na marami siyang naging babae. Leche! "Ikaw, sino'ng parents mo?" tanong niya sa akin. Ngunit bago pa man ako makasagot ay inunahan niya agad ako. "Ah. Natandaan ko na. Sinabi mo na nga pala sa 'kin."

"Alin ang sinabi ko?" Nagsalubong ang kilay ko.

"Pangalan ng parents mo." Kinuha niya ang drinks niya at humigop sa straw bago ulit tumingin sa akin. "Anne and Jacob Piñaflorida," he added.

Ibinaba ko rin ang kutsara't tinidor na hawak ko at saka ko siya pinagmasdan sa mga mata.

Wala akong natatandaan na sinabi ko sa kaniya 'yon. Ang naaalala ko lang na sinabi ko ay ang pangalan ni mommy noong galing kami sa bookstore. 'Yung Anne. Pero aside that, wala na akong ibang binanggit.

Hmm. Sino ka ba talaga Matthew? Kilala mo ba ako? Ano'ng alam mo?

"Don't look at me like that. Bumibilis ang tibok ng puso ko," he said, slowly lifting a spoonful of pasta in his mouth, eyeing me up and down in the process. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Nagsimula na lamang ulit akong kumain dahil hindi lang puso niya ang mabilis ang tibok, pati na rin ang sa akin. "Do you trust people easily?" tanong niya na naging dahilan ulit para tingnan ko siya.

"Bakit mo tinatanong?" I questioned back.

He leaned forward and motioned me to do the same. Noong mailapit ko na ang mukha ko ay saka siya bumulong sa akin.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon