Chapter 2

670 16 2
                                    

Dedicated to my babies tridamaymay IvySimon

✿♡ TRIDA ♡✿

"Damay mo kami, Trids!" pahabol ni Matthew pero hindi na lang ako kumibo.

Naramdaman ko naman ang pagtayo ni Ivy sa upuan niya at saka ako nilapitan. "Ano'ng maitutulong ko?"

"Pabalat at pahiwa 'yong sibuyas at bawang." Inabot ko sa kaniya ang kutsilyo pero nagulat siya at napaatras dahil naitutok ko pala sa kaniya 'yon. "Sorry," sabi ko, 'tsaka ko inayos ang pag-abot. Akala niya siguro sasaksakin ko siya.

Sinimulan ko nang i-prepare ang ibang kailangan ko sa pagluluto ng adobo. Habang ang apat na lalaki, nasa dining table, nagbabardagulan at naghihintay na naman ng ayudang ulam galing sa 'kin.

"Trida, bakit pinaiyak mo 'yang bago mong roommate?" tanong ni Matthew. Nilingon ko si Ivy at nakita kong tumutulo nga ang luha niya—habang naghihiwa ng sibuyas. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigil ko na lang muna dahil bigla akong naawa. Mukhang first time niyang magbalat ng sibuyas, halatang hindi sanay.

☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚

Magkasama kami ni Ivy na kumakain. 'Yong apat naman ay nasa kabilang table. Binigyan ko na sila ng ulam dahil napadami na rin naman ang niluto ko. Isa pa, may ambag dito ang bestfriend ko—si Zee. Sa kaniya kasi galing ang pera na ipinamili ko. I mean, hiniram ko sa kaniya.

"Sarap talaga ng luto mo, Trida. P'wede ka na mag-asawa!" Nag-angat ng tingin si Matthew at nag-thumbs up pa sa 'kin.

"Kung mag-aasawa ako para lang maging tagaluto, 'di bale na lang. Baka lasunin ko pa s'ya!" Umirap ako sabay subo sa pagkain na nasa kutsara. Kunwari namang nasamid si Haze dahil sa sinabi ko. Binaling ko ang tingin ko kay Ivy dahil napansin kong sumisinghot-singhot pa rin siya dahil sa pag-iyak niya kanina sa sibuyas. "Grabe naman 'yang mata mo. Sibuyas pa lang 'yan pero umiiyak ka na? Pa'no pa kaya kapag nagka-jowa ka tapos nag-break kayo?"

Hindi siya sumagot kaya si Haze ang bumanat. "Ibig sabihin, umiyak ka no'ng nag-break tayo?" he teased.

Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. "Oo naman. Tears of joy!" I said mockingly.

Medyo natawa 'yong mga kasama niya habang nakikinig sa 'min. Pero agad siyang bumawi. "Para namang hindi ka nag-I love you at I miss you sa 'kin no'n tuwing magkausap tayo sa hating-gabi."

"Kailan 'yon? 'Di ko maalala," palusot ko.

"'Yon ang mga panahon na mahal na mahal mo 'ko. Na pati sa panaginip mo, ako 'yong nakikita mo," he said, giving me a playful smirked.

"Ah. Kaya pala madalas akong bangungutin noon!" I shot back.

"Bangungot? E, hindi ka nga no'n nakakatulog hangga't hindi mo 'ko nakakausap!" He laughed.

"Bakit? Ikaw rin naman, ah!" Nagsimula nang kumulo ang dugo ko. "Hindi ka rin nakakatulog no'n hanggat hindi ko sinasagot ang tawag mo!"

"Kaya nga buti na lang break na tayo. At least ngayon nakakatulog na 'ko nang maayos at mahimbing." Ngumisi ulit siya na lalo kong ikinainis.

"Ay wow! Shoutout naman sa'yo no'ng sinabi mong ikamamatay mo kapag nawala ako! Ano na? Matagal pa ba? Kapeng-kape na 'ko!" ganti ko sa kaniya. Hindi nakasagot si Haze. 'Yong apat naman ay halatang nagpipigil ng tawa. Narinig ko rin si Ivy na natawa nang mahina kaya nilingon ko siya. "Oh, marunong ka pa lang tumawa?"

"Baka kainin mo 'yang mga sinasabi mo at magsisi ka kapag wala ka nang nakitang tulad ko?" balik ni Haze sa 'kin kaya muli ko siyang binalingan.

"Kung wala na 'kong makikitang tulad mo . . . THANKS, GOD! I'M RELIEVED!"

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon