Chapter 6

357 13 9
                                    

✿♡ TRIDA ♡✿

"Kapag pinatay n'yo ako, magsisisi kayo!" Haze exclaimed. Medyo naguguluhan na 'ko sa nangyayari. Nakakabobo talaga ang laro na 'to. Nakakaitim pa ng budhi dahil mapipilitan kang magsinungaling. I mean, sila pala. Hindi naman kasi ako nagsisinungaling dahil citizen talaga ako.

"Sa tingin ko hindi si Haze ang mafia," komento ko na naging dahilan para tingnan nila akong lahat na para bang may krimen akong ginawa. Hayan na naman sila!

"So, the mafia is trying to defend the other mafia!" Kierz said grinning at me. Pero hindi naman 'yon ang dahilan. Feeling ko lang talaga na hindi si Haze, dahil kung siya ang mafia, baka kanina pa rin niya ako pinatay.

"Iyon din ang hinala ko. Trida is a mafia and so Haze," dagdag ni kurimaw na Matthew.

"Hindi ako—"

"Trida tumingin ka sa 'kin," Ivy cut me off so I turned to her. "Mafia ka ba?" she asked seriously. Walang'ya!

"Wow, Ivy!" Natawa ako nang mapait dahil sa tanong niya. Para bang pinagdududahan n'ya ako dahil sa sinabi ni Matthew. Porque crush n'ya lang! "Hindi ako mafia, citizen ako. Ordinaryong tao lang ako. Maniwala ka sa 'kin!" I tried to convince her. "I have a reason why I think Haze is not a mafia."

"What's your reason?" Napabaling naman ako kay Yuwi dahil sa tanong niya.

"Kanina namatay ang pulis, 'di ba? At sabi ni Ate Mildred hindi nagtagumpay ang doktor na mailigtas s'ya. Meaning, sa limang natitira sa atin, may isang doktor at dalawang mafia. And I think Haze is the doctor kahit na sa totoong buhay ay hindi s'ya mukhang mapagkakatiwalaan." Bumaling ako kay Haze at inirapan siya, pero ginantihan niya ako nang matamis na ngiti. B'wisit!

"And what are you?" Kierzyuwi asked me again na lalong ikinakulo ng dugo ko.

"CITIZEN NGA AKO! BAKIT BA ANG KULIT MO!" I yelled in annoyance, 'tsaka nila ako pinagtawanan.

"Hoy, Trida! Laro lang 'to, bawal ma-highblood!" pang-aasar sa 'kin ni Matthew. Narinig ko rin ang pagtawa ni Kierzyuwi. First time ko yatang narinig ang tawa niya. Ang cute—no! Hindi!

Pati na rin sila Ate Mildred at ang grupo ng mga na-out ay natatawa na rin. Alam na kasi nila ang identity naming lahat kaya alam nila kung sino ang nagsisinungaling at sino ang hindi. Iyon nga lang ay hindi nila puwedeng sabihin 'yon sa amin.

"If you are a citizen, what do you do in life?" nangingiting tanong ni Yuwi. Bakit ba ako na naman ang pinag-iinitan nila?

"Tourism student ako–"

"Let's kill her. No doubt she's a mafia! After she killed all of us, I'm sure she will leave this country!" Kierzyuwi cut me off again and that made me lose my temper.

"HOY!" Inis akong napatayo sa upuan ko. I was about to attack him but thanks to Ivy who grabbed my arm and made me sat again.

"Sa tingin ko hindi si Trida ang mafia," komento ni Haze habang nakatingin sa 'kin. "Kasi kung mafia si Trida, malamang kanina pa 'ko patay!"

"Mafia ka rin ba?" biglang tanong ni Matthew sa kaniya.

Sasagot sana siya pero nagsalita na si Ate Mildred. "Oras na para magdesisyon."

"AMININ MO NA KASI NA MAFIA KA PARA HINDI NA KAMI MAHIRAPAN!" Inis ulit akong bumaling kay Yuwi. Kanina pa siya nakangisi, at ang napansin ko pa, lagi lang siyang kampante. Parang hindi siya kinakabahan na ma-out. So, may chance talaga na siya ang mafia.

"I really think both of them are mafia," seryoso niyang sagot sabay turo sa akin at kay Haze. "Definitely, mafias know each other, right? That's why they are trying to help and defend each other." Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko para paniwalaan nila 'ko.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon