Chapter 21. The Plan

196 11 5
                                    

THIRD PERSON POV

Palihim pa ring nakasilip si Ivy at Trida sa maliit na butas upang tingnan ang kaganapan sa loob ng abandonado at lumang karenderya kung saan naroon sina Meghan at Danica, ang co-officer ni Trida na kinuha ng dawalang lalaki.

Nakatali ang kamay ng mga ito sa kanilang likuran. May tali rin na panyo ang kanilang mga bibig kaya naman hindi nila magawang sumigaw o umiyak nang malakas.

"Ano'ng gagawin natin sa kanila?" tanong ng isang lalaki sa kasama. Mga tauhaan sila ni Vincent at sila ang inutusan nito para dukutin ang dalawa sapagkat alam na rin ng mga ito ang tungkol sa natatagaong yaman sa dormitoryo.

"Sandali. Hinihintay ko pa kung ano'ng sasabihin ni sir," sagot nito habang nakatutok sa tainga ang kaniyang cell phone at hinihintay na sumagot si Vincent. "Hello, sir. Ano ba'ng plano rito sa dalawa?" Matagal siyang tumahimik at seryosong nakikinig sa kausap. Makalipas ang ilang sandali ay ibinaba na nito ang cell phone at humarap sa dalawang estudyanteng kanina pa takot na takot at basang-basa ang mga mata sa luha dahil sa pag-iyak. "Tumahimik kayo. Hindi namin kayo sasaktan. Pero kailangan namin kayong makausap bago namin kayo pakawalan." Saglit itong tumigil. "Makinig kayong mabuti. Kalimutan n'yo na kung ano man ang nalalaman n'yo tungkol sa ginto. Totoo man 'yon o hindi, wala kayong dapat pagsabihan. Naiintindihan n'yo ba 'ko?"

Sunud-sunod na pagtango naman ang isinagot ng dalawa. Ngunit hindi pa rin nawawala sa kanila ang takot at panginginig.

Bumaling ang lalaki sa isang kasama nito at sinabing kalagin na ang tali ng mga ito.

Nang tuluyan na silang makalagan ay muli silang hinarap ng lalaking may kausap kanina. Maging ang mobile screen nito ay iniharap sa kanila. Una kay Danica.

"Pamilya mo 'to di ba?" pangungumpirma ng lalaki at agad namang tumango si Danica nang makita ang family picture nila. Sunod na bumaling ang lalaki kay Meghan at ipinakita rin dito ang isang family picture. "Magulang at mga kapatid mo 'to?"

"Opo..." kinakabahang sagot ni Meghan, nanginginig pa ang kaniyang boses sa takot.

"Alam namin kung saan kayo nakatira, kung sino ang mga magulang n'yo at kung saan sila nagtatrabaho. Kapag hindi kayo sumunod, pasensyahan tayo, ha?" Walang kibong tumango ang dalawa. Hindi na nila magawa pang magsalita dahil inuunahan sila ng takot lalo na at may hawak na baril ang mga ito. "Sige na. Ayusin n'yo na ang sarili n'yo bago namin kayo palabasin."

Agad na hinagod ni Meghan ang kaniyang buhok na bahagyang dumikit sa kaniyang mga pisngi dahil sa luha. Si Danica naman ay pinagpag ang kaniyang uniform na bahagyang nadumihan.

"Natatandaan n'yo ba lahat ng bilin sa inyo?" tanong ng isang lalaking nagtanggal sa kanilang tali kanina.

"O-Opo," sabay na sagot ng dalawa.

"Nakasalalay ang kaligtasan ng pamilya n'yo sa kung paano kayo tutupad sa mga sinabi ko. Naiintindihan n'yo?"

***

Naramdaman ni Trida ang mahigpit na pagkapit ni Ivy sa kaniyang braso dahil sa takot.

Nakalabas na ang dalawang estudyante, pero nakasilip pa rin sila sa loob dahil naroon pa ang dalawang lalaki at tahimik na nag-uusap.

"'Di ba ang utos sa atin ni boss, patayin natin sila? Bakit biglang nagbago?" takang tanong ng isang lalaki sa kasama.

"Nag-text daw si Supremo sa kan'ya. Kausapin na lang daw muna at siguruhin na susunod. 'Tsaka na lang daw natin sila balikan kapag hindi tumupad sa usapan."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon