IVY POV
Lumabas si Trida sa temporary cell kung saan kami nakakulong para makitawag. Habang mag-isa, nagsimula na rin akong mag-isip kung sino ang p’wede kong tawagan para hingan ng tulong.
Si mommy at daddy kaya? Kaso, paano nila akong tutulungan, eh, iba ang pangalan ng magulang ko na nakalagay sa birth certificate ko ngayon.
Baka may makakilala sa kanila kapag pinapunta ko sila rito at baka malaman ni Mr. David na ako ang bunsong anak nila mom—Pero teka?
Hindi si mommy at daddy ang kailangan kong hingan ng tulong ngayon, kun’di si Mr. David.
Ang sabi sa akin ni daddy noon, kapag ready na akong makipagkita sa apo ni Mr. David, sabihin ko lang daw sa attorney nila, at sasabihin ‘yon ng attorney kay Mr. David. Ngayon, kung sasabihin kong makikipagkita na ako sa apo niya, baka magawan nila ng paraan para makalabas ako rito.
'TAMA! I'm so f*cking smart talaga.' Lumapit ako sa pintuan ng selda at kinawayan ko si kuyang pulis na tahimik habang nagta-type sa computer. Akala ko iisnabin niya ang beauty ko. Mabuti na lang ay agad siyang lumapit.
"Kuya, p’wede bang makitawag?" Ngumiti ako sa kaniya nang bongga.
"Kanino?" tanong niya sa akin.
"Kay Lord." Tumaas nang bahagya ang isang kilay niya. "Joke lang. Sa abogado ko." Masyado namang seryoso ang isang ‘to.
"Mamaya ‘pag tapos na ‘yung kasama mo," sagot niya sa akin. Tinanaw ko si Trida at busy pa rin siya sa pakikipag-usap kaya tumango na lamang ako sa pulis.
Ilang sandali pa, natanaw ko na siyang pabalik kaya pinagbukan na rin ako at pinalabas sa selda. Nagkasalubong pa nga kami ni Trida at tinanong pa niya ako kung sino ang tatawagan ko, pero hindi ko muna binanggit sa kaniya.
Paglapit ko sa telepono, bago ko 'yon damputin ay bumaling muna ako sa pulis na nakabantay sa akin. Sobrang lapit niya. Baka marinig niya ang sasabihin ko.
"Kuya, p’wede layo ka nang kaunti?" Sumenyas pa ang kamay ko na parang itinataboy siya. "Hindi naman ako tatakas, promise! Ayoko lang may makarinig habang nakikipag-usap ako. Hindi ako sanay. I want privacy," paliwanag ko sa kaniya. Humakbang naman siya nang dalawang beses paatras para makalayo sa akin. Pero feeling ko maririnig niya pa rin ako. "Konti pa kuya." Humakbang ulit siya ng isa pa. “Usog ka pa nang konti. Ang tipid mo naman humakbang. Masyado ka pang malapit,” reklamo ko.
"Ayan, okay na?" Halatang medyo inis na ito sa pagiging demanding ko.
"Isang hakbang pa. Ay hindi. Dalawa pala. Dalawang hakbang pa—"
"Wag ka na ngang tumawag! Pumasok ka na lang ulit sa—"
"Kuya naman! ‘Di ka mabiro! Okay na! Wag ka na umatras. Okay na ‘yan!" Nag-thumbs up pa ako sa kaniya at ngumiti. Mahirap na, baka hindi pa ako makatawag nito. Siguro naman ay hindi na niya ako maririnig kaya dali-dali kong tinawagan ang number ni daddy. "Daddy?" bungad ko sa kaniya nang sumagot na siya. Pero mahina lang ang boses ko dahil baka marinig ako ng pulis na nakamatyag sa akin.
"Yes, my little potato?" Bigla kong naalala si Kayden dahil sa pagtawag niya sa akin ng little potato. 'Piccola patata.' Pero hindi naman ito ang dapat kong isipin ngayon. Si daddy talaga ang kailangan kong makausap.
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Fiksi RemajaIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...