Chapter 13 - Supremo Heard You

402 11 0
                                    

TRIDA'S POV

Kahit natatakot, muli akong lumingon para tingnan kung sino ang sumusunod sa amin. Pero gaya kanina, wala na naman akong nakita.

Naglakad ulit kami habang palihim kong dinukot sa bulsa ko 'yong pangmalakasan kong flashlight na nakaka-comatose.

"Aheeerm!" Nagkunwari akong umubo at saka ko siniko nang bahagya si Ivy. "Nadala ko pala 'tong FLASHLIGHT KONG MAY PANGKURYENTE!" Nilakasan ko ang boses ko para marinig 'yon ng taong sumusunod sa 'min. "ALAM MO BA IVY, MAY KINURYENTE AKO DATI GAMIT 'TO, NA COMATOSE!" Agad naman na-gets ni Ivy ang ginagawa kong pagpaparinig kaya nakisabay na rin siya.

Inilabas niya sa bag niya 'yong isang water gun. "AKALAIN MO, DALA KO PALA 'TONG BARIL KO! BANG! BANG! BANG!" Halos pasigaw niyang sabi at inayos pa ang pagkakahawak doon na parang may babarilin.

Kulay itim ang water gun na hawak niya at hindi mahahalata na tubig ang laman no'n. 'Yong itsura rin kasi ay parang totoong baril pero plastik lang.

"Patingin nga ng bag mo." Sinilip ko ang bag niyang isinukbit niya sa harapan. "BAKIT MAY DALA KA RING ITAK D'YAN SA BAG MO?" Tumingin siya sa 'kin, salubong ang kilay, pero alam niyang biro ko lang 'yon para takutin kung sino man ang sumusunod sa 'min.

"Pang-self defense ko 'yan! MAY TINAGA NGA AKO DATI, BIYAK 'YONG BUNGO, EH!" Nagpigil ng tawa si Ivy at gano'n din ako dahil baka makahalata 'yong sumusunod sa amin na nagbabardagulan lang kaming dalawa.

"Ikaw ano'ng laman ng bag mo?" tanong naman niya at binuksan ang bag ko na nasa likuran ko habang dahan-dahan kaming naglalakad. "BUTI NA LANG MAY DALA KA RING MARTILYO!" Sa lahat ng p'wedeng sabihin martilyo pa ang naisip n'ya! B'wisit!

"Oo. Lagi ko talagang dala 'yan. MAY SUMUSUNOD KASI SA 'KIN DATI. HAYUN, PINUKPOK KO SA ULO, NO'NG DINALA SA OSPITAL, DEAD ON ARRIVAL!" Gusto kong matawa sa ginagawa namin pero alam kong hindi ito ang oras para tumawa dahil nasa panganib ang buhay namin.

"Sa tingin mo may sumusunod pa sa 'tin?" bulong ni Ivy nang maubusan na siya ng sasabihin. Lumingon naman ako sa likuran para tingnan.

"Mukhang wala na. Natakot yata sa 'tin." Ngumisi ako sabay tingin kay Ivy.

"Tara, takbo na tayo. 1...2...3!" Nakakapit siya sa braso ko kaya noong tumakbo siya, nahila niya rin ako. Muntik pa 'kong madapa dahil hindi ako ready.

***

Hinihingal kaming pumasok sa kwarto dahil sa pagtakbo namin. Nagkatinginan kami at sabay na humalakhak nang maalala namin 'yong mga pagpaparinig at pananakot namin sa sumusunod sa 'min kanina.

"Labas mo na 'yong itak mo, hasain mo," natatawa kong sabi sa kaniya.

"Labas mo rin martilyo mo, pukpok mo sa ulo mo." Tinawanan rin ako ng walanghiya. Pero ilang sandali lang at bigla siyang natahimik. "Pero sa totoo lang, hindi nakakatuwa 'yong nangyari." Sumeryoso ang mukha niya at naupo sa kama. "Pa'no kung sundan ulit tayo sa susunod?"

Napaisip naman din ako. "Oo nga. Hindi naman p'wedeng lagi tayong magpaparinig. Mukha tayong tanga."

"Kung magsumbong na kaya tayo sa pulis?"

"Magsusumbong tayo? Hindi mo ba napansin na walang lumalabas sa balita o issue tungkol sa nangyari sa dalawang nakita natin sa kalsada? Tapos 'yong dalawang tourism na namatay kahapon. Wala rin lumabas sa balita."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon