✿♡ TRIDA ♡✿
KUMAKAIN kami ng almusal sa kusina, katabi ko si Ivy habang nasa kabilang mesa naman ang limang unggoy at kumakain din. Para silang ngayon lang nagkita-kita dahil sa ingay at tawanan. Nakagayak na si Kierzyuwi, Haze at Kayden. Samantalang si Matthew at Zee ay white t-shirt at pajamas ang gayakan. Ang alam ko kasi ay alas nuebe rin ang pasok nila ngayon tulad namin ni Ivy.
"Ano, Trida? Napag-isipan n'yo na ba?" Sumulyap sa amin si Kayden.
"Hindi pa," tipid kong sagot sabay higop sa tinimpla kong hot choco.
"Pag-isipan n'yo na para magsimula na tayo bukas," baling ni Matthew sa 'min habang nakangisi.
Kanina kasi nang bumaba ako sa kusina para magluto ay naabutan ko ang best friend ko na si Zee. Schedule niya ngayon para magluto ng almusal nila at medyo nagkainitan kami dahil 'yong piniprito kong itlog, nabuhusan niya ng powdered choco kaya gumanti ako at nilagyan ko ng ketchup ang niluluto niyang champorado. At noong maabutan kami ni Kayden at Yuwi na nag-aaway, nakaisip ng idea si Kayden.
Dapat daw ay isa na lang ang magluluto every morning at magbubunutan kami ng magiging schedule. Tapos sa grocery naman ay sharing na lang din kami. Mas tipid nga naman kung iisipin. Kaso hindi ako pumayag, dahil sa kanilang lima, si Haze lang ang medyo may talent sa pagluluto, kung minsan nga ay nagiging negro pa kaya hindi ako sure kung kaya ko ba na ipagkatiwala sa kanila ang pagkain ko sa araw-araw.
"Tipid pa sa oras 'yon. Imbes na magluluto ka araw-araw, may gagawa na no'n para sa'yo," pangungumbinsi ulit ni Kayden.
Bumaling naman ako kay Ivy para tanungin siya. "Ano sa tingin mo?" Hindi siya nakatingin sa 'kin at mukhang malalim ang iniisip. Nakatulala siya habang nakasubo sa bibig ang kutsara. Kanina pa siya ganiyan. "Hoy, Ivy!" Siniko ko siya nang bahagya kaya nasungalngal niya ang sarili.
"Aray!" reklamo niya nang alisin niya ang kutsarang nasa bibig. "Bakit ba?" baling niya sa 'kin.
"Ano ba'ng iniisip mo? Kanina ka pa lutang d'yan, kaaga-aga." Binalik ko ang tingin sa plato ko at nagsimula na ulit kumain.
"Alam mo, Trida? Mukhang tama si Ate Mildred," halos pabulong niyang sabi. "May magnanakaw rito sa dorm." Seryoso ang pagkakasabi niya kaya nilingon ko siya at pinagmasdan. "Kagabi kasi bumaba ako sa laundry area, magsasampay sana ako. Kaso, may nakita akong tao ro'n. Mukhang 'yon ang sinasabi ni Ate Mildred na tirador ng panty at bra—" Natigilan siya sa pagsasalita nang biglang nasamid na si Kierzyuwi. Pero hindi namin ito pinansin at itinuloy ang pakikinig sa kaniya.
"Oh, tapos?" tanong ko pa. Ilang beses na rin kasi akong nawalan ng panty at bra sa laundry area. Minsan t-shirt at shorts pa nga.
"Tapos nakita ko s'yang umakyat sa hagdan kaya hinabol ko s'ya. Pero hindi ko s'ya inabutan. Sayang."
"Maglaba ka ulit sa dis-oras ng gabi. Baka sakaling mahuli mo na s'ya sa susunod," biro ko naman na naging dahilan para irapan at ngusuan niya ako.
☆゚.*・。゚
Pagkatapos namin kumain, naupo kami nang paikot sa mesa para magbunutan ng schedule sa pagluluto. Pumayag na rin ako dahil naririndi na ako sa pangungulit nila. Isa pa, sang-ayon na rin naman si Ivy sa kanila kaya no choice na ako.
"Ladies first." Inilapit sa amin ni Matthew ang food container kung saan nakalagay ang mga maliliit na papel na pinagsulatan ng mga araw—monday to sunday. Bumunot na kami ni Ivy pagkatapos ay isa-isa na rin silang bumunot ng sa kanila.
"Wednesday ako." Si Ivy habang nakatingin sa hawak niyang papel. Binuklat ko naman ang sa 'kin at dahan-dahang sinilip. Weekend, please!
Bigla akong napangiti nang tumambad sa 'kin ang nakasulat doon. Inilapag ko sa mesa ang papel na hawak ko habang nakangisi. "Saturday!"
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Teen FictionIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...