Chapter 5

428 13 2
                                    

THIRD PERSON's POV

NASA sala na ang lahat, sa dorm. Si Kierzyuwi, Haze, Kayden, Matthew, Zee, Trida, Ivy at ang tatlo pang nursing students na sina Michaela, Shane at Mikee. Kakilala ito ni Trida kaya inaya niyang sumali para kahit papaano ay maragdagan sila.

Letter C shape ang style ng sofa sa sala kaya naman nagdagdag si Kayden at Haze ng monoblock para maging paikot ang ayos nila at maging magkaharap-harap. Magkakatabi ang mga babae at magkakatabi naman ang mga lalake. Para maging patas ang laro, nag-volunteer ang caretaker nilang si Mildred para magsilbing moderator o host nila dahil alam naman niya ang larong ito.

Nang maisulat na ni Mildred ang mga roles sa maliliit na papel ay ibinilot na niya 'yon at inilagay sa isang food container at saka paikot na pinabunot ang bawat isa.

"Tingnan n'yo na ang mga roles n'yo. Ingatan n'yong 'wag masilip ng mga katabi niyo," paalala nito sa kanila. 

Isa-isa naman nilang binuklat ang kaniya-kaniyang papel na hawak at pagkatapos ay nilukot nila iyon at itinago sa kanilang mga bulsa. Para naman malaman ni Mildred kung sino ang dalawang mafia, doktor at pulis ay sinimulan na niya ang laro.

First night phase. Dito ay matutulog ang mga players. Hindi literal na matutulog kun'di yuyuko lamang ang mga ito at pipikit.

"The night has come. Pumikit na kayo at matulog," utos ni Mildred sa mga ito. Agad namang yumuko ang lahat at pumikit. "Mafia, gising. Meet your fellow members." 

Two mafia raised their heads and looked at each other silently. Hindi naiwasang mapangisi ni Mildred nang sa wakas ay nakita na niya kung sino ang magsisilbing mafia sa laro. 

"Okay. Go back to sleep," utos niya sa dalawa. "Umaga na. Gumising ang lahat," anunsyo niya. 

Daytime phase. Nag-angat ng tingin ang lahat at unang tumama ang mata ni Trida sa nakangising si Kierzyuwi habang nakatingin din ito sa kaniya, tila mayroon ding pagdududa. 

"Sa tingin n'yo, sino ang kahina-hinala na mafia sa grupo?" tanong ni Mildred.

"Sa tingin ko si Kierz. Malakas ang pakiramdam ko. Sinabi ng bolang kristal sa 'kin!" walang pagdadalawang-isip na sabi ni Trida habang nakatitig kay Kierzyuwi.

"Para sa 'kin, si Shane or Michaela," giit naman ni Zee. "Nakita ko silang ngumiti kanina, pagdilat natin."

"Hindi ako mafia! Bakit? Masama bang ngumiti? Hindi ba p'wedeng kinikilig lang!" depensa agad ni Shane, dahilan para kantyawan siya ng mga kasama. "Sa tingin ko si Kayden ang mafia or si Haze," dagdag niya.

"Para sa 'kin ay si Matthew, Mikee at si Michaela. Letter M ang initial nila. So, puwedeng clue 'yon. M means mafia!" natatawang sabi ni Haze.

Dahilan naman para mapailing si Trida dahil sa walang kwentang naisip nito. "Kung 'yon ang basehan mo, ibig sabihin mafia rin si Ate Mildred?" 

Sabay natawa si Michaela at si Mildred, maging si Ivy.

"Sa tingin ko si Kayden at Zee ang mafia," ani Michaela habang tinitingan nang may pagdududa ang dalawa.

Umikot naman ang paningin ni Kierzyuwi sa mga kasama bago niya itinuon ang atensyon kay Trida. "It's Trida. Trust me," diretso niyang sabi habang nakatingin dito nang seryoso.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon