Chapter 9

306 11 0
                                    

✿♡ IVY ♡✿

NAGDADALAWANG-ISIP ako kung gigisingin ko ba si Trida para sagutin niya ang tawag ng mommy niya o hindi. Pero naisip ko, huwag na lang. Mukhang malalim na kasi ang tulog niya kaya siguro hindi niya ramdam ang pag-vibrate ng phone niya.

Hindi ko na rin 'yon pinansin at inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagkuha ng mga hanger para makapagsampay na agad ako. Palabas na ulit sana ako sa kuwarto nang mag-vibrate ulit 'yon. Cell phone ni Trida. Lumapit ako para tiningnan ang screen at nakita ko na mommy pa rin niya ang tumatawag.

Tiningnan ko ang oras sa bandang itaas. 11:37 PM. Saglit akong natigilan at napaisip. Emergency kaya? Hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa isip ko at dinampot ko ang phone niya para sagutin 'yon. 

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko! Nag-aalala ako sa'yo!" Bumungad sa 'kin ang pagsigaw ng babae sa kabilang linya, ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito.

"Hello po. Tulog na po si Trida. Si Ivy po ito, roommate po n'ya," magalang at mahinahon kong sagot. 

Naramdaman kong saglit siyang natigilan bago magsalita ulit. "Gano'n ba? Kumusta si Trida? Mommy n'ya 'to. Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa kan'ya, na nawalan s'ya ng malay. Hindi s'ya sumasagot sa mga tawag ko kaya nag-aalala ako." Naging kalmado na siya, sa wakas.

"Okay na po s'ya ngayon. 'Wag na po kayong mag-alala."

"What's your name again?"

"Ivy po."

"Right, Ivy. P'wede ba akong humingi ng pabor sa'yo?"  Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano'ng pabor?

"Ano po 'yon?" 

"Ibigay mo sa 'kin ang number mo para matawagan kita kapag hindi ako sinasagot ni Trida. At gusto ko sanang i-update mo ako sa mga nangyayari sa kan'ya. I will pay you."

Saglit akong natahimik. Bakit ako ang kailangan mag-update sa kan'ya? Ah. Lumayas nga pala si Trida sa kanila. Kaya siguro hindi niya sinasagot ang tawag ng mommy niya.

"S-Sige po." Binanggit ko sa kaniya ang number ko bago ko patayin ang tawag. 'Tsaka ko ibinalik ang phone ni Trida sa tabi niya at tuluyan na akong lumabas para muling bumaba sa basement. Wala naman akong balak na sundin ang sinabi ng mommy niya na mag-report sa kaniya. Pumayag lang ako dahil nahihiya akong tumanggi. Pero ang totoo ayokong makialam sa problema ni Trida sa family niya lalo na at kailan lang kami nagkakilala.

Pagbaba ko sa basement, hindi pa humihinto ang washing machine kaya naman muli akong umalis matapos kong iwan ang mga dala kong hanger. Pumunta ako sa kusina para magtimpla muna ng kape, iwas antok. Pero palapit pa lang ako nang marinig ko ang pagbabardagulan nila Zee, Kayden, Haze at Matthew sa kusina. Gabi na pero 'yong pagtawa nila, pang-araw. Akala mo mga nakalunok ng megaphone.

Hindi muna ako dumiretso sa loob, tumayo lang ako sa gilid para pakinggan ang usapan nila. Akala ko babae lang ang marunong makipagmarites—pati rin pala ang mga lalaki. Ngayon lang kasi ako naka-encounter ng mga lalaking nagtsi-tsismisan tungkol sa kapwa nila lalaki. Ang pinag-uusapan nila ay 'yong mga kaklase nilang magsyota na masyado raw cheesy ang tawagan.

"Si Mae naman, baby pa ang tawag kay Rick, mukha namang damulag si g*go!" sabay tawa ni Matthew.

"Si Andrew at Nicka ang astig. Sugar ang h*yop! Sa tuwing maririnig ko para 'kong magkaka-diabetes!" Humalakhak rin si Zee.

"Si Erick nga WIT ang tawag sa syota! Muntik ko pang mapagkamalang bakla ang walang'ya. 'Walang Iwanan Tayo' pala ang ibig sabihin no'n! Lakas maka-jejemon!" Sinundan din 'yon ni Kayden nang malakas na pagtawa pati na rin ng tatlo.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon