Chapter 47. The Killer

177 4 2
                                    

IVY POV

Inihinto ako ni Atty. Morris sa harap ng gate ng dorm. "Ako ang co-contact sa'yo bukas kung saan kayo magkikita ni Supremo. Sa ngayon, 'wag ka na lang maingay. Wala kang pagsasabihan ng tungkol sa kan'ya."

Tumango ako pagkatapos ng sinabi niya at dali-dali na akong nagpaalam bago bumaba ng sasakyan.

Tinulak ko ang gate dahil naabutan ko naman 'yon na nakaawang nang bahagya. Dumaan ako sa lobby pero tahimik. Wala si Ate Mildred. Ang receptionist namang nakabantay, nakadukdok at mukhang nakatulog dahil hindi man lang niya namalayan ang pagdating ko.

Agad akong dumiretso sa taas. Saktong pag-akyat ko sa 3rd floor, may bumukas na pinto sa gawing kaliwa at lumabas doon si Precious. Napatingin siya sa akin at mukhang nagulat pa siya nang makita niya ako. Pareho kaming natigilan sa puwesto namin. Para siyang nakakita ng multo.

Agad siyang umatras at bumalik sa loob. Malakas niya ring sinara ang pintuan ng kwarto nila, na siya kong ipinagtaka. 'Bakit gano'n ang reaksyon niya?' Nagmadali akong humakbang para lumapit sa pinto niya at saka ako kumatok nang kumatok.

"Precious?" Hindi siya sumagot. "Precious? Buksan mo 'to. Mag-usap tayo!" Still, hindi pa rin niya ako pinagbuksan. "Precious!" Kinalampag ko ang pintuan at ilang sandali pa, narinig ko ang paggalaw ng doorknob. Kasunod na ang pagbukas niya roon pero bahagya lang nakaawang. Halatang ayaw niya akong papasaukin sa loob.

"A-Ano'ng pag...uusapan natin?" Bakas ang kaba sa boses niya. Natatakot ba siya sa 'kin dahil akala niya kami ni Trida ang killer ni Racquel?

"Buksan mo 'to para makapag-usap tayo nang maayos. May mga gusto akong itanong sa'yo tungkol sa nangyari nu'ng party sa rooftop." Nagtangka siyang isara muli ang pinto matapos ko 'yon sabihin pero naging maagap ako sa pagkilos. Gumamit ako ng pwersa para itulak 'yon. Nang makapasok ako nang tuluyan sa loob, umatras siya nang ilang hakbang palayo sa akin. "Wag kang matakot sa 'kin, Precious. Hindi ako masamang tao. Hindi kami ang pumatay kay Racquel."

"Alam ko." Natigilan ako sa naging sagot niya. At maging siya rin. Tila hindi niya gustong palabasin 'yon sa bibig niya pero nadulas siya dahil napatakip pa siya sa bibig.

"Alam mo?" mahina kong tanong sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay ko habang inaaral ang mukha niya. "Ano'ng alam mo?" Nag-iwas siya ng tingin sa akin at parang kinakabahan. Hindi parang, dahil kinakabahan talaga siya. May alam si Precious. Sigurado akong may alam siya sa nangyari na hindi namin alam. Sinara ko nang tuluyan ang pinto at ini-lock 'yon bago humakbang palapit sa kaniya. "Ano'ng alam mo, Precious? Sabihin mo sa 'kin." Hindi pa rin siya kumibo. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. "Sabihin mo sa 'kin!" This time ay hindi ko napigilang magtaas ng boses. Kung alam niyang hindi kami ang pumatay kay Racquel, bakit hinayaan niya kaming makulong? Bakit hindi siya kumibo noong inaresto kami ng pulis? "Sumagot ka, Precious! Sabihin mo sa 'kin kung ano'ng alam mo!" Malakas ang boses ko, pero may pagmamakaawa. Umiling siya nang sunud-sunod na lalong nagdulot sa akin ng inis. "Please...tulungan mo kami ni Trida. Sabihin mo sa 'kin kung ano'ng nalalaman mo." I tried to be calm para makuha ko ang loob niya. Baka lalo lang siyang hindi magsalita kung idadaan ko sa galit.

"Wala akong alam..." halos pabulong niyang sabi at pansin kong nanggigilid ang luha niya.

"Hindi. May alam ka. Kasasabi mo lang kanina na alam mong hindi kami ang pumatay. Sabihin mo sa 'kin kung ano'ng alam mo, 'wag kang matakot."

"Kung sasabihin ko ba sa'yo...maipapangako mo ang seguridad ko?" Seguridad? Saglit akong natigilan. So, kaya hindi siya kumibo noong inaresto kami ng pulis...dahil may kinatatakutan siya? "Kung hindi mo maipapangako na walang mangyayari sa 'kin...wala kang aasahan na impormasyon sa 'kin." Umatras siya at naupo sa gilid ng kama. Pero agad akong tumabi sa kaniya.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon