Chapter 12 - Haze Revenge Failed

327 13 7
                                    

TRIDA'S POV

"Ano'ng hinahanap mo?" tanong ko kay Ivy paglabas ko sa banyo, nakabalot ng tuwalya ang katawan ko. Abot naman ang kalkal niya sa cabinet, parang may hinahanap. Nakabihis na siya ng uniform dahil mas nauna siyang naligo at gumayak kaysa sa akin.

"Pepper spray ko. Hindi ko kasi makita." Patuloy pa rin siya sa paghahanap, ultimo ilalim ng kama ko at kama niya ay sinilip rin.

"Aanhin mo naman ang pepper spray?" Nagsimula na akong gumayak habang busy pa rin siya sa finding pepper spray operation niya.

"Mahirap na kasi. Baka tayo na susunod na target. Kailangan ko ng weapon."

"Eng-eng ka rin, 'no? Ano'ng magagawa ng pepper spray mo kung baril ang gagamitin sa'yo? Baka hindi mo pa napipindot 'yan may tama ka na sa noo!" Mula sa repleksyon sa salamin, nakita ko siyang tumayo at inayos ang nakabukas niyang cabinet pati na rin ang mga damit niyang nagsablay-sablay dahil sa paghahalungkat niya. At base sa ekspresyon niya, mukhang hindi niya natagpuan ang sinasabi niyang pepper spray. Laglag ang balikat at nakatiwarik ang nguso—nakasimangot siya

"Mabuti na 'yong handa! At least umiisip ako ng paraan para iligtas ang sarili ko!" baling niya sa 'kin. "Eh, ikaw? Ano'ng baon mong armas para iligtas ang sarili mo kung sakali?"

"Ganda lang 'tsaka panalangin." Nag-hair flipped pa 'ko kaya naambunan siya ng basa pang buhok ko.

"Advance condolence," ganti naman niya sabay taas ng isang kilay. Zinipper ko 'yong palda ko 'tsaka ko kinuha 'yong bagay na nakapatong sa bed ko.

"At saka ito pala." Inumang ko sa harapan niya 'yong hawak kong flashlight. Medyo maliit lang 'yon at kulay itim. "Malupit 'to."

"Flashlight?" Pinagtawanan niya ako bigla. 'Yong tawa pa naman niya, nakakagago. "Ano'ng purpose n'yan? Tatanglawan mo 'yong mukha ng killer para magliwanag ang isip niya at hindi ka patayi— AY! T*TI NG KALABAW!" Ako naman ang tumawa sa kaniya nang magulat at mapaatras siya sa electric shock dahil sa pagpindot ko sa button na nasa flashlight ko. "Ano 'yon?" nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin.

"Kuryente." Ihinagis ko ulit 'yon sa bed ko bago ako magpatuloy sa pagbibihis. "Kaya 'wag mong minamaliit 'tong flashlight ko. May na sampolan na 'ko nito dati, isang buwang comatose!"

"Talaga?" Namilog ang mga mata niya, mukhang namangha sa sinabi ko. Napakainosente talaga niya. Siya 'yong tipo na mabilis mauto at utuin. Baka kapag binigyan 'to ng candy ng kidnapper—sumama agad.

"Oo. Gusto mo try ko sa'yo? Ako na ang bahala sa excuse letter mo kapag hindi ka nagising, with death certi— I mean, medical certificate." Umirap siya dahil sa sinabi ko sabay naupo sa kama niya. Dinampot niya ang kaniyang cell phone at binutingting muna 'yon habang hinihintay akong gumayak. "Subuk-subukan mo lang akong picturan habang nagbibihis, bubuntalin ko talaga nguso mo," banta ko sa kaniya. Baka kasi bigla niya akong kuhanan ng litrato lalo na't tinanggal ko na ang tuwalya sa katawan ko, tanging bra at panty na lang ang suot ko dahil hindi pa 'ko tapos mag-apply ng lotion.

"Asa ka naman! Aanhin ko picture mo? Buti sana kung may mapapala ako." Aba, aba, uma-attitute na ang ate mo girl!

HAZE'S POV

Maaga 'kong gumising dahil ako ang nakatoka sa pagluluto ng almusal para palamunin ang mga patay gutom kong kaibigan maliban sa mahal kong Trida. May dalawang estudyante akong naabutan sa kusina, taga second floor, babae at malalaman ang mga dibdib. 'Yon ata ang unang nabubusog sa kanila kapag kumakain sila.

"Hi," nakangiting bati sa 'kin ng isa. "Kain tayo."

"Sige lang. Makita ko lang kayong kumakain—nawawalan na 'ko nang gana." Agad kong iniba ang sasabihin ko nang marinig ko ang footsteps ni Trida na papasok sa kusina.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon