Chapter 38. Trust

164 4 4
                                    

TRIDA POV

"Aray! Teka! Makahila ka naman!" reklamo ko. Pagkatapos kasi namin kumain ng almusal, niyaya agad ako ni Ivy sa taas. Halos kaladkarin niya pa nga ako papasok sa kwarto.

"Pulong muna tayo. Lock mo pinto, dali."

Wow. Ako na ngayon ang inuutusan niya. Nagtaka ako pero sinunod ko na lamang siya. Nang maisara ko 'yon at mai-lock ay agad akong umupo sa gilid ng bed ko at humarap sa kaniya.

"Bakit? Tungkol saan?" tanong ko habang naglalakad siya nang pabalik-balik at mukhang hindi mapakali, with matching kagat pa sa kuko. She looked so worried. "Maupo ka nga. Nahihilo 'ko sa'yo!" Bigla siyang tumigil at tiningnan ako. Bakas ang kaba sa kaniyang mukha.

"Alam ko na kung sino si Supremo," she said quietly, but enough for me to hear.

"Sino?"

Naupo siya sa tabi ko at nagsimula ng magkuwento. "Narinig mo 'yung sinabi ni Haze? Nakasalubong n'ya si Kierz paakyat sa hagdan bandang ala-una ng madaling araw. Pero bumaba s'ya ng alas dose papunta sa basement. Doon ko s'ya narinig na may kausap. Ibig sabihin, s'ya talaga si Supremo..."

Natahimik ako saglit sa sinabi niya, at the same time nagsimula na rin akong matakot at kabahan. Kinuha ko ang diary ko at binasa ko ulit ang naging observations ko sa kaniya simula noong nangyari ang killings.

Sa totoo lang, si Yuwi talaga ang pinakakaduda-duda sa kanilang lahat kaya hindi na ako magtataka sa sinasabi ngayon ni Ivy.

"May naging obserbasyon ka ba sa kan'ya?" tanong ko nang muli ko siyang tingnan.

IVY POV

"May naging obserbasyon ka ba sa kan'ya?" Tatango sana ako pero bigla akong napaisip.

Oo. Alam kong may isinulat akong isa. Noong nakasalubong ko siya sa lugar namin kahapon habang pauwi ako. Noong naabutan kong nakatali sina mommy at daddy.

Pero kung sasabihin ko sa kaniya ang bagay na 'yon ay baka magtaka siya. Sigurado akong magtatanong siya kung bakit nakatali sina mommy. At hindi ko p'wedeng sabihin sa kaniya ang tungkol sa family ko. Hindi niya p'wedeng malaman na konektado ako—kami sa bagay na nakatago rito sa dorm.

"Wala. 'Yung kagabi lang na bumaba s'ya sa basement," I lied. 'I'm sorry, Trida.' Bumuntong-hininga naman siya at nag-isip saglit habang nakayuko.

"Alam mo, Ivy? Sa kanilang lahat, si Yuwi ang pinakahinihiling ko na sana ay hindi s'ya 'yung hinahanap natin," pabulong niyang sabi. May bakas ng lungkot sa mukha niya. "Pero sa sitwasyon na 'to, walang exempted. Kaya kahit ayoko, sa tingin ko ay dapat nating pagtuunan ng pansin si Yuwi," dagdag niya.

"Natatakot ako, Trida..."

"Ako rin. Pero..." Saglit siyang tumigil. "Kung s'ya si Supremo, ibig sabihin, dahil din sa kan'ya kaya hindi tayo pinatay ng taong dumukot sa atin noon. Ayaw n'ya tayong mapahamak."

"Kahit na! The fact na s'ya si Supremo, parang hindi ko na kayang lumapit sa kan'ya!" Pinagkrus ko ang mga kamay ko sa harap, salubong ang kilay ko.

"Pero mas kailangan natin s'yang matyagan ngayon. Hindi p'wedeng ngayon pa tayo iiwas. Nandito na tayo, Ivy. Wala nang atrasan 'to."

Ako naman ang tumigil at saglit napaisip. Eh, kung barilin ko na lang kaya agad-agad si Kierzyuwi? Sa ulo. Para tapos na ang problema. Napailing ako. Tch. Hindi naman p'wede. At saka ayokong pumatay. I'm not like him.

Bumaling ulit ako kay Trida. "Humingi kaya tayo ng tulong sa iba? 'Yung kasama n'ya sa room na sa tingin mo p'wede nating pagkatiwalaan. Tulad ni Zee," suhestyon ko.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon