Chapter 41. Controlled

136 5 1
                                    

IVY POV

Tapos na ang last period pero wala pa rin si Trida. Magpapasama pa naman sana ako sa kaniya para bumili ng bagong cell phone. Hindi na kasi gumana ang phone ko matapos 'yon ibalibag ni daddy.

Nasaan na kaya siya? Hindi man lang niya sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Pati rin noong nakaraan na umalis siya—kahit kinukulit ko siya ay hindi niya rin ipinaalam sa akin.

'Huwag niyang sabihin na may ginagawa siyang hindi ko alam? Tch.'

Naglalakad ako palabas sa gate ng school nang biglang may umakbay sa akin, dahilan para mapatigil ako. At nang ibinaling ko ang aking tingin sa kaniya, nakangiti pa siya sa akin.

"Matthew?"

"Bakit mag-isa ka? Hindi mo kasama si Trida?" tanong niya, nakaakbay pa rin. Inalis ko bigla ang kamay niya sa balikat ko bago ako sumagot.

"May pinuntahan siya."

"Saan naman?"

"Hindi ko alam." Nagsimula na ulit akong maglakad at sumunod naman siya.

"Bakit nga pala hindi ka nagre-reply sa 'kin?"

"Nasira kasi 'yung cell phone ko. Hindi pa 'ko nakakabili."

"Kaya pala. Gusto mo samahan kitang bumili?" Huminto ako sa paglalakad at muling napalingon sa kaniya.

Tutal ay wala naman si Trida, why not, 'di ba? Pagkakataon na rin 'to para ma-interview ko siya tungkol sa buhay niya. Baka sakaling may makuha akong importanteng impormasyon tungkol sa kaniya.

"Sure!" I smiled.

TRIDA POV

"Ano ba, Haze?! Baka naman p'wede mong bilisan! Masyado na s'yang malayo!!" I've been complaining since earlier about how slow he drives. Unti-unti na kasing nawawala sa paningin namin ang kotseng sinakyan ng lalaking nagpalit ng envelope sa akin.

"Baka maaksidente kasi tayo. Alam mo namang iniingatan kita!" maagap niyang sagot.

"Iniingatan? Tch. Tigilan mo 'ko sa kakornihan mo! Bilisan mo na lang mag-drive!"

"Hindi mo ba nakikita na maraming sasakyan? Delikado!" baling niya sa akin saglit.

"Ako na ang magda-drive! Huminto ka!"

"Tumigil ka. I won't let you. Wala kang lisensya. Kapag nahuli tayo, problema pa."

Naka-focus ang tingin ko sa harap at tinatanaw ko pa rin ang kotse na malayo na ang distansya sa amin. Hindi siya p'wedeng mawala sa paningin ko! Kailangan ko 'yung envelope!

Bumaling ako kay Haze. "BILISAN MO! PALIPARIN MO 'YUNG SASAKYAN!!!"

"Ano'ng tingin mo sa sasakyan ko, may pakpak?!" Sumulyap muli siya saglit sa akin bago ibalik ang tingin niya sa harap. Mukhang naiirita na rin siya sa kamamadali ko.

"Kailangan kong mahabol 'yung lalaking nakasakay ro'n! Itataya ko 'yung buhay ko, mahabol lang 'yon! Kaya bilisan mong mag-drive! Nanggigigil na 'ko sayo!!"

"Ano ba'ng kailangan mo sa lalaking 'yon? Bakit mo hinahabol 'yung hindi mo naman kilala?" taka niyang tanong.

"He took my f*cking envelope!"

"Bibilhan na lang kita. Ilang envelope ba ang gusto mo?" biro niya pa.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Haze! Kailangan ko 'yung envelope na kinuha n'ya sa 'kin! Importante 'yon!" Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko sa galit at pagkataranta. Dumagdag pa 'tong driver ko na ang hirap pasunurin!

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon