Chapter 19. Chocolates & Stone

256 10 8
                                    

IVY'S POV

Nasa sala ako ng dorm, abala sa panonood ng tv habang hinihintay na umuwi si Trida. Nag-text kasi ito sa akin na mayroon silang meeting sila sa auditorium. Ngunit hindi niya nabanggit sa akin kung ano'ng oras ang tapos.

"Hala? Ibalik mo! Nanonood 'yung tao!" reklamo ko. Paano ba naman ay biglang tumabi sa akin si Kierzyuwi, dinampot ang remote at saka inilipat ang channel sa basketball. E, wala naman akong kaalam-alam do'n!

"Umuwi na ba si Trida?" tanong nito sa akin ngunit hindi ako nakasagot dahil inagaw ko sa kaniya muli ang remote upang ibalik ang pinapanood kong drama.

Feel na feel ko pa ang background music habang umiiyak ang bida nang biglang nawala ang focus ko dahil sa pag-vibrate ng aking cell phone.

Trida Raawwrr ang nakarehistrong pangalan kaya agad ko iyon binasa.

"IVY! NARITO PA 'KO SA AUDITORIUM! HUHUHU. I'M SCARED! HINDI AKO MAKALABAS DITO! NAGTATAGO AKO SA LOOB NG RESTROOM! 'YUNG ISANG LALAKI KASI NA NAGSAKAY SA 'TIN SA VAN, NASA LABAS NG AUDITORIUM! BAKA AKO ANG HINIHINTAY N'YA, P*T@!!!"

Pati ako ay nakaramdam din ng kaba dahil sa text niya. Nasa panganib siya.

Naramdaman kong nakadungaw si Kierz sa screen ng aking cell phone. At bago ko pa man siya lingunin ay umiwas na ito ng tingin.

"Nabasa mo 'yung sinabi ni Trida?"

"Hindi. Malabo ang mata ko." Bigla siyang tumayo at tinalikuran ako.

"Saan ka pupunta?" Palabas kasi siya ng dorm.

"Will buy something outside," tipid nitong sagot at tuluyan nang tumungo palabas.

Ibinalik ko naman ang aking tingin sa mobile screen at binasa ko ulit ang message ni Trida. Gusto ko siyang puntahan at sunduin pero sa sitwasyon ko, mahihirapan akong gawin iyon agad dahil masakit pa rin ang balakang ko.

Kanino ko kaya s'ya ipasusundo?

Agad kong ni-copy paste ang text niya at isinend kay Haze para sa kaniya humingi ng tulong na mapuntahan ito.

Hinintay ko siyang mag-reply ngunit wala akong natanggap. Ilang sandali pa, nakarinig ako ng yabag ng paa na patakbong bumababa sa hagdan.

"Haze!" Tinawag ko siya pero nilagpasan niya lamang ako na tila walang narinig. "Pupuntahan n'ya kaya si Trida? Sana naman."

Binuksan ko ulit ang phone ko at nag-type ng message para kay Trida. "Papunta na si Haze d'yan. Hintayin mo s'ya. H'wag kang aalis d'yan mag-isa."

Iyon ang sinabi ko sa kaniya kahit na hindi naman ako sigurado kung doon nga ba ang direksyon ni Haze. Pero malakas naman ang kutob kong doon nga. Malakas din kasi ang pakiramdam ko na may feelings pa siya rito kaya hindi niya ito matitiis lalo na at nasa panganib.

THIRD PERSON'S POV

Matapos mabasa ni Kierzyuwi ang text ni Trida kay Ivy, ay agad itong lumabas sa dorm upang tunguhin ang kinaroroonan nito—sa auditorium.

Nakasuot pa ito ng uniporme at i.d, bag lamang niya ang naiwan sa dormitoryo kaya naman makapapasok pa siya sa university.

Nang makarating na sa auditorium ay wala naman itong napansin na taong kahina-hinala sa labas. Wala rin security na nakabantay sa exit.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon