Chapter 50. Everyone Lies Pt. 3

209 8 4
                                    

TRIDA MONTANA

"Kumain ka na miss, oh. Kahapon mo pa hindi ginagalaw lahat ng pagkain na binibigay namin sa’yo," sermon sa ‘kin ng isang pulis. May inaabot siya sa akin na McDo na nasa take-out bag pero hindi ko ‘yon kinuha.

"Ayoko n’yan. Gusto ko BTS meal." Sabay irap dito.

"Mamayang tanghali na lang ‘yon. Kainin mo muna ‘to," pamimilit niya sa akin habang nasa loob pa rin ako ng selda at nakaupo malapit sa pintuan.

"Hindi ako kakain hangga’t hindi ako nakakalabas dito!"

"Magugutom ka kapag hindi ka kumain.”

"Wala akong pakialam," ganti ko sa kaniya. "Napaka-unfair n’yo!" Tumayo ako bigla at hinarap ang pulis na ‘yon. "Pa’nong nangyari na nakalaya si Ivy tapos ako napag-abutan na ng magdamag dito?!" Naghy-hysterical na naman ako habang niyugyog ang bakal na pintuan ng selda. "Bulok ‘yung sistema n’yo! Hindi kayo patas!" Sunud-sunod ang paghahabol ko ng hininga dahil sa galit. "Remember this, I'll sue each and everyone here if you've broken any rules while investigating! You arrested an innocent person!" Nanginginig ang kalamnan ko idagdag na rin siguro ang sama ng loob kong nakalaya si Ivy in just a blink of an eye! Samantalang ako, inabot na ng magdamag at gutom dito sa kulungan pero nganga pa rin.

"Wag mo nang ipilit ‘yung sa’yo. Kung gusto mong makalaya, bigyan mo kami ng matibay na ebidensya na hindi ikaw ang pumatay kay Racquel Asuncion. Ano? Meron ba?" Nagpamaywang pa siya habang hinihintay ang sagot ko. Pero hindi ako nakakibo. Natahimik ulit ako. Paano ako makakapagbigay ng ebidensya o kahit man lang ng alibi ko kung wala akong maalala nu’ng gabing ‘yon? "Kung ayaw mong kumain, wala akong magagawa..." Napakamot siya sa ulo sabay talikod sa akin.

Bumaba naman ang tingin ko doon sa McDo na hawak niya. Ipinatong niya ‘yon sa desk, sa tabi ng computer. Bigla akong natakam kasabay ng pag-aalburuto ng mga alaga ko sa tiyan.

Teka? Parang mali yata. Dapat pala kumain muna ‘ko bago ‘ko nag-hysterical. Sayang!

Bumaling sa akin ‘yung pulis at noong napansin niyang nakatingin ako sa McDo, bahagya niya akong tinawanan.

"Hindi na kita pipilitin kumain. Hihintayin kong ikaw ang manghingi ng pagkain," sabi niya sabay talikod ulit.

"Pakawalan n’yo ‘ko! Someone framed us! Bakit ba ayaw n’yong maniwala?!" Inis ko ulit na niyugyog ang bakal.

"Kailangan muna namin ng matibay na ebidensya," walang lingon-lingon niyang sagot sa ‘kin. "May ebidensya ka ba?" ulit niya nang tuluyang makabalik sa table niya, pero nakaharap na sa akin. Ilang segundo kaming naglabanan ng tingin bago may magsalita.

"Here's the proof." Pareho kaming napalingon sa taong kararating lamang. Haze? Hawak niya ang phone niya at nakataas ‘yon ka-level ng dibdib niya at nakaharap sa pulis.

"Sino ka?" tanong ng pulis sa kaniya.

"I'm her legal representative." He turned to me and gave me a wink. Ewan ko pero parang biglang lumakas ang loob ko at nagkaroon ako ng pag-asa ngayong narito na siya. "Here's the proof na hindi s’ya ang pumatay kay Asuncion." Inabot ni Haze ang cell phone niya sa pulis at tinitigan naman nito ang screen. "He killed his ex-girlfriend and framed an innocent person," he stated. Nagsalubong ang noo ko sa sinabi niya. He? Ex-girlfriend? Sino ‘yung he na tinutukoy niya? "You'll be able to tracked down his location using his cell phone number," Haze added at agad namang kumuha ng ballpen ang pulis at may isinulat sa maliit na papel pagkatapos ay iniabot na ulit nito ang phone kay Haze.

Tinawag ng pulis ang isang kasama niya at ibinigay rito ang maliit na papel na sinulatan niya. "Ipa-trace mo ‘tong number. Ngayon na."

"Since the real culprit confessed his sin, then Ms. Montana has every right to be released,” seryosong saad ni Haze nang muli siyang harapin ng pulis. Ilang sandali lang ay sa akin naman nito ibinaling ang tingin at bahagyang yumuko. Nagkunwari pa itong nag-'eherm' na parang napahiya bago lumapit sa selda. Sa wakas ay binuksan na niya ‘yon para makalabas ako.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon