Chapter 53. Club Pt. 1

211 6 1
                                    

TRIDA MONTANA

"What kind of outfit you think will suit me?" tanong ko habang patuloy sa pag-iikot sa loob ng isang clothing shop. Si Zee naman ay nakabuntot sa akin.

"Kahit ano. But I hope it will be something simple." Nakikihawi-hawi na rin siya sa mga naka-hanger na damit para maghanap ng para sa kaniya.

"Anong something simple? Usually di ba eye-catching outfit ang mga sinusuot ng mga nagpupunta sa club?" litanya ko.

"No, that's not true." Lumipat siya sa section ng mga pangbabae at doon namili. Mukhang tutulungan na niya ako.

Nakakita naman ako ng black fitted skirt na leather at kinuha ko 'yon para ipakita sa kaniya. "Bagay ba sa 'kin 'to?" Ipinantay ko pa sa baywang ko para makita kung hanggang saan ko 'yon.

"No. Not that." Pinag-ekis niya ang kamay niya. "Ito na lang, oh." Sabay abot niya sa akin ng hawak niyang cotton long sleeves na kulay beige. "When I said simple, this is what I've been thinking about." Bahagya pa siyang ngumiti.

Kinuha ko 'yon at saka ako ngumuso. "Club 'yon, Zee. Who even wear something like this in club?" Binalik ko 'yon sa pinagkuhanan niya at saka ulit ako nag-ikot-ikot. "Maghanap ka na rin ng sa'yo para hindi tayo magtagal."

"Tutulungan na lang kitang mamili. May mga damit naman ako sa dorm," sagot niya sa 'kin at patuloy lang akong binuntunan.

"Kung tutulungan mo 'kong mamili, 'yung magmumukha naman sana 'kong matino. 'Yung makatarungan naman, please lang!" I said sarcastically and it made him laugh.

"Ito na lang, Trida." Lumingon ako sa kaniya para tingnan ang sinasabi niya. Pero sinamaan ko agad siya ng tingin nang makita ko ang vintage dress na nakasuot sa manequin.

"Ayoko n'yan! Para 'kong personal maid ng hari kapag sinuot ko 'yan!" 'Yung style kasi no'n parang may apron sa harap na may ruffles. Nag-ikot-ikot ulit ako nang marinig ko na naman siya.

"Ito, bagay sa'yo."

"Para 'kong tanga d'yan," komento ko sabay irap sa kaniya. Hinawi ko ang mga skirts na naka-hanger para mamili ng bagay sa akin.

"This one is cute. Ito na lang!" Narinig ko na naman siya. Lumingon ako para tingnan ang sinasabi niyang cute raw. Pero nalaglag ang mga balikat ko nang makita ko ang vintage dress na kulay white at may pair na trench coat na color maroon.

"Umayos ka, Zee. Malapit na kitang itakwil bilang best friend," nagpipigil kong banta sa kaniya.

"Bakit? Maganda kaya 'to. Kahit magkahiwalay pa tayo ng landas do'n hindi ka mababastos dito." He laughed. Tinalikuran ko na lang siya dahil wala naman siyang naitutulong sa akin sa paghahanap ko ng p'wede kong suotin. Tatlong miniskirt ang napilit ko, kaya top naman ang hahanapin ko para makapagsimula na 'kong magsukat. "Trida?" Narinig ko na namang tawag niya sa 'kin.

"Tigilan mo na 'ko, Zee," I said without looking at him. Alam kong wala na namang kuwenta ang ipapakita niya sa 'kin.

"Ang ganda nito, oh," he continued. Pero dahil narinig ko ang salitang maganda, napalingon agad ako sa tinuro niya.

"Gagawin mo ba 'kong tanga ro'n?!"

Nagpipigil siya ng tawa. "Kung ayaw mo nito, edi ito na lang."

"Para 'kong makikipagdigma sa club 'pag 'yan ang sinuot ko. Mag-isip ka naman!" Inirapan ko siya.

"Atleast walang lalapit sa'yo. 'Pag sinuot mo 'to, papalapit ka pa lang, umaatras na sila." Tumawa na naman siya.

"At saka ano ba 'yang chain na nakakabit sa belt? Daig ko pa may dalang kadena ng aso d'yan!" Napailing ako sabay talikod sa kaniya. Lahat ng suggestions niya, puro magmumukha akong tanga.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon