Chapter 23. Reason

189 7 5
                                    

IVY's POV

"Supermarket na ba agad tayo o kain muna?" tanong sa akin ni Matthew habang nagda-drive siya. "Hindi ka ba nagugutom?" Sinulyapan pa niya ako.

"Hind—"

*Stomach growling*

"Your stomach says otherwise." Natawa siya nang mahina habang nakatuon ang tingin sa harap. Bakit ba naman kasi ngayon pa tumunog ang tiyan ko! Paladesisyon din, e! "Kain muna tayo, baka pagalitan pa 'ko ni Trida 'pag ginutom kita."

Ilang sandali pa ay huminto kami sa McDo. Matapos niyang i-park ang kaniyang sasakyan ay sabay na kaming lumabas at humakbang patungo sa loob.

Siya ang nag-order habang ako naman ay naghihintay sa mesa, malapit lamang sa glass wall. Ngunit sa kaniya ako nakatingin, pinagmamasdan ko ang kaguwapuhan niya na pati ang crew ay hindi iyon maikakaila dahil napakalapad din ng ngiti nito kay Matthew at tila nilalandi pa ng tingin.

Pero sabi ni Trida flirt daw 'tong si Matthew. Hindi kaya nilalandi n'ya lang ako at wala naman talaga s'yang balak na jowain ako?

Napailing ako, kasunod ang aking pagyuko dahil tumunog ang cell phone kong nakapatong sa mesa, sa tapat ko.

"Baby, kailan ka uuwi? Kailangan ka namin makausap ng dad mo." Napatitig ako sa screen nang mabasa ang text ni mommy.

"About what, 'my?" I replied after a moment of thinking.

"About the real reason why your dad sent you there temporarily." Kumunot ang noo ko habang nag-iisip. Real reason?

"Hey!" Matthew clicked his finger in front of my face, making me look up at him. Naibaba na pala niya ang tray sa mesa namin nang hindi ko man lang namalayan. "Bakit ka tulala d'yan? 'Wag mo na 'ko isipin, nandito lang naman ako sa harap mo." Ngumiti siya nang malapad sabay upo sa katapat na upuan. Ngunit tila bigla akong nawala sa mood dahil tumatakbo pa rin sa isip ko ang text ni mommy. Bigla rin akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.

"Thank you," I said quietly nang ilapag niya sa harap ko ang para sa akin.

Ngunit hindi pa man kami nakakapagsimulang kumain ay muli na namang tumunog ang cell phone ko. Nakababa iyon sa mesa, sa gilid ko. At kahit hindi ko damputin ay nabasa ko pa rin sa screen ang text na pumasok.

Galing pa rin kay mommy. "We need to talk as soon as possible. Make time for us, baby."

"Si Trida ba 'yan?" Nag-angat ako ng tingin kay Matthew dahil sa tanong niya. "Sabihin mo 'wag s'yang mag-alala. Safe ka sa 'kin." Sabay ngiti.

"Hindi," tipid kong sagot at saka ko pinindot ang power button para mamatay ang screen.

"E, sino?"

"Si mommy."

"Ah, si tita pala." Ngumiti ulit siya habang nakatingin sa akin. "Ikumusta mo 'ko. Sabihin mo kinakamusta s'ya ng future son-in-law n'ya."

Wala ako sa mood kiligin ngayon kaya inismiran ko lamang siya. "Psh. Pauuwiin ako no'n nang 'di oras pag gano'n ang sinabi ko."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon