Chapter 48. Everyone Lies Pt.1

245 6 5
                                    

IVY PIÑAFLORIDA

Halos isang oras akong nakatulala at hindi kumikibo dahil hindi ako makapaniwala na si Trida ang pumatay kay Racquel. Pilit ko pa rin kinukumbinsi ang sarili ko na hindi ‘yon totoo at hindi niya ‘yon magagawa, pero...bakit may dugo ‘yung dress niya? Sinabi niya lang ba na wala siyang maalala para itago sa ‘kin ang nangyari?

Naisipan kong bumaba sa basement pag-alis ni Precious sa kwarto namin. Nabanggit niyang sa basement pinatay si Racquel kaya gusto kong tingnan ang lugar. Ngunit habang pababa ako sa hagdan, parang bigla akong natakot.

Tutuloy ba ‘ko o hindi? Pa’no kung multuhin ako ni Racquel dito tapos sisihin niya ‘ko na pinatay siya ng kaibigan ko? Kkrrrhhhh. Hindi naman siguro.

Bumaba ako nang tuluyan at dahan-dahang nilibot ang basement. Malinis na. Saan kaya pinatay si Racquel dito? I mean saang spot? At bakit dito sa basement?

Iginala ko ang paningin ko habang humahakbang palabas sa pinto kung saan may maliit na taniman ng mga gulay si Ate Mildred. Pumikit ako habang dinaramdam ko ang ihip ng hangin. Nagmumuni-muni.

Ano ba’ng pumasok sa isip ni Trida? Bakit niya pinatay si Racquel? Ano’ng dahilan niya?

Gusto ko siyang kausapin at piliting paaminin sa nangyari. Kapag umamin siya, kakausapin ko si daddy, baka sakaling matulungan namin siya. Pero kung ipipilit niyang hindi siya ang pumatay, paano? Paano ko siyang tutulungan kung may eyewitness. Si Precious.

I sighed. Bumaling na ulit sa pinto para bumalik sa loob. Ngunit isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang may mapansin akong cuff bracelet sa tapat ng halaman na malapit papasok sa pinto. Yumuko ako para damputin ‘yon.

Nakatayo ako habang pinagmamasdan ang men's cuff bracelet na pinulot ko at hindi ko maiwasang mapaisip. Pamilyar sa akin ‘to. Saan ko na nga ba ‘to nakita? I mean, sino ang nakita ko na may suot nito noong gabi na nasa rooftop kami?

Bumaling ako sa ibang direksyon para alalahanin. Sigurado akong nakita ko 'to noong gabing ‘yon, noong nasa rooftop kami. Pero ‘yun din ang oras na nalasing na kami ni Trida at naki-join sa table ng mga boys kaya hindi ko maalala kung sino sa kanilang lima ang nakita kong may suot nito.

Pero ang tanong...bakit ‘to napunta rito?

Ibinulsa ko ang bracelet na napulot ko at saka ako nagmadaling umakyat sa taas para puntahan si Precious. Sunud-sunod ang naging pagkatok ko sa pintuan ng kwarto niya. Nang buksan niya ‘yon, humakbang ako papasok at ako na mismo ang nag-lock ng pinto.

"May pinagsabihan ka na ba ng bagay na nalalaman mo?" tanong ko pagharap ko sa kaniya.

Umiling siya. "Ikaw pa lang."

"’Wag mo ‘yon sasabihin kahit kanino. Wala kang pagsasabihan."

"Bakit?" taka niyang tanong sa ‘kin. Inilabas ko naman ang cuff bracelet sa bulsa ko at ipinakita ko 'yon sa kaniya.

"Alam mo ba kung kanino ‘to?" Tiningnan niya ‘yon nang mabuti. Naningkit pa ang mga mata niya habang pinagmamasdan ‘yon.

"Kay..." Nag-iwas siya ng tingin sa akin at tumitig sa sahig. She's thinking too hard.

"Kanino ‘to?" I asked her again na may halong pamimilit.

Nag-angat ulit siya ng tingin sa bracelet at mahinang sinambit ang pangalan ng may-ari. "Kay Kierzyuwi."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon