Chapter 25. Before & After The Break Up

186 8 7
                                    

TRIDA'S POV

A year ago.
Two weeks before the break up.

Tahimik na umaagos ang luha sa aking mga mata habang nakahiga nang patagilid. Ang bigat ng nararamdaman ko.

Hindi ko kasi alam kung ano'ng problema namin ni Haze. Bigla siyang nagbago. Hindi na siya katulad ng dati at hindi ko alam kung bakit. Pagod na pagod na akong mag-isip at magtiis.

Kinuha ko ang cell phone ko sa gilid ng unan at saka ako nag-type ng message sa kaniya. Babe pa ang naka-save na pangalan niya sa akin dahil 'yon ang tawagan namin.

"May problema ba tayo, babe?" I texted him. Pinahid ko pa ang luha ko.

["Wala."]

"E, bakit ka gan'yan?"

["Bakit?"]

"Bakit bigla kang naging cold sa 'kin?"

["Sobrang busy ko lang kaya wala akong time minsan."]

"Ako rin naman busy. Pero I always made time for you. Bakit ikaw hindi mo magawa?"

["Sorry."]

"Sorry lang?"

["Ano pa ba'ng gusto mo?"]

"Usap tayo. Gusto kong ayusin natin 'to."

["Okay. Rooftop."]

***

Nauna akong dumating sa rooftop ng dorm kaya kinailangan ko pa siyang hintayin. May set na table and chairs naman dito kaya doon ako pumuwesto.

Halos limang minuto lamang ang lumipas nang marinig ko na ang paghakbang niya palapit sa akin.

"Ano'ng pag-uusapan natin?" tanong niya, kasabay ng kaniyang pag-upo sa katapat kong upuan. Bukod sa pagiging cold niya, pati ang pagtawag niya sa akin ng babe ay nawala na rin.

Hindi ako makakibo. Naghe-hesitate ako kung i-o-open ko ba sa kaniya ang nararamdaman ko. Na nasasaktan na ako sa pagiging cold at pangbabalewala niya sa akin nitong mga nakakaraang buwan.

"We agreed na kapag may problema, mag-uusap tayo. If we're hurting we'll tell each other para walang sasabog, 'di ba?" I started. Kinalmahan ko lang nang sa gano'n ay hindi bumuhos ang emosyon ko. Siya naman ay tahimik lang at nakikinig sa akin. "Paano kung sabihin ko sa'yo na matagal na 'kong nasasaktan sa ginagawa mo? Binabalewala mo na 'ko. Hindi ka na tulad ng dati."

Bumuntong-hininga siya bago sumagot. "Di ba nga sabi ko sa'yo busy lang ako? Hindi naman p'wede na sa bawat oras na gusto mo 'kong makausap, p'wede ako. Ang dami ko rin iniisip, Trida."

"Hindi naman 'yon ang issue rito. Naiintindihan ko naman kung busy ka, pero 'yung maging cold ka at halos balewalain mo na 'ko, 'yon ang hindi ko maintindihan. Para kasing hindi na tama, e. Parang may mali na. Pakiramdam ko may tinatago ka sa 'kin..." Pinilit kong tumahan kanina bago ako pumunta rito, ngunit ngayon, ramdam ko na naman ang pag-iinit ng aking mga mata.

"Wala akong tinatago sa'yo, babe. Alam mo 'yan." Tumayo siya sa kinauupuan at humakbang palapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko para alalayan akong tumayo at saka niya ako niyakap. "Sige na, tumahan ka na. 'Wag ka na umiyak." Dahil sa pag-amo niya sa akin ay lalong sumagana ang pag-agos ng luha ko. "Wala akong tinatago. Busy lang ako. Minsan pagod kaya nakakalimutan ko na mag-text o tumawag. But trust me...hindi kita niloloko. Mahal na mahal kita."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon