IVY's POV
Agad nagyaya si Trida sa bookstore pagkatapos ng huling klase namin. Bibili raw kami ng notebook na gagamitin namin sa pag-write down ng mga mahahalagang bagay na mapapansin namin sa lima. Kina Kierzyuwi, Haze, Matthew, Zee at Kayden.
Magkaiba kami ng direksyon. Nasa kabilang estante siya, nasa kabila naman ako.
"Uso pa ba 'yung diary na may passcode?" tanong ko habang binubuklat ang mga naka-display na diary sa shelf. Dati kasi akong mayroong gano'n, noong elementary pa ako. Ewan ko lang ngayon kung may nabibili pa rin.
"Tama!" she almost yelled at sinilip pa ako sa siwang ng estanteng nakapagitan sa amin. Agad siyang naglakad para umikot sa puwesto ko. "That's a good idea, Ivy. 'Yung may passcode ang kailangan natin. Halika, magtanong tayo." Hinigit niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa cashier. "Ate, may diary po ba kayo na may lock? 'Yung may code?" tanong niya sa dalawang babaeng nakapuwesto roon.
"Mayro'n po," sagot ng isang babae.
"Pabili po. Dalawa." Sabay dukot ng wallet niya sa bag.
"Okay po. Sandali lang." Umalis ang isang babae at may tinungo itong estante sa bandang sulok. Pagbalik niya ay dala na niya iyon. Dalawa. "Ito po." Agad naming tinanggap nang iabot niya sa amin.
"Wala po bang ibang kulay?" tanong ko naman. Kulay brown kasi pareho.
"Wala na po. Isang kulay lang ang available namin," tugon ng babaeng kumuha.
Bumaling naman sa akin si Trida. "H'wag ka na ngang choosy! Ayos na 'yan!"
Napasimangot na lamang ako. Ano pa nga ba'ng magagawa ko? Wala na akong choice. Pero mas okay sana kung kulay pink dahil 'yon ang paborito ko.
Inabot na namin sa cashier para bayaran, ngunit pareho kaming nagulat nang makita namin ang presyo na lumabas sa monitor.
"PO?! 1500?!" gulat na tanong ni Trida.
"1500 isa o dalawa na 'yon?" I asked to confirm.
"Each po," sagot ng cashier habang nakangiti nang bahagya.
Nagkatinginan kaming dalawa. Dismayado ang mukha niya.
"Ano? Bibilhin ba natin?" kunot-noo kong tanong.
"No. Maghanap na lang tayo ng iba. 'Yung mas mura." Sabay talikod sa akin at muling tumungo sa mga estante ng notebook.
Susunod na sana ako sa kaniya nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Matthew at Zee kaya lumingon ako sa pinanggalingan no'n.
Nakita kong papasok sila sa bookstore. Nagtatawanan pa. Nang madako ang tingin sa akin ni Matthew ay agad niya akong kinawayan.
Naglakad sila palapit sa akin. Kasama sila sa iimbestigahan namin pero bakit parang ang weird ng pakiramdam ko?
Hindi ako natatakot kay Matthew. Parang sinasabi ng instinct ko na wala akong dapat ipag-alala sa kaniya. O baka dahil crush ko lang siya?
"Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit hindi mo kasama si Trida?" tanong ni Matthew sa 'kin nang makalapit na sila.
Ngumiti naman ako nang bahagya. "Kasama ko. Hayun siya." Sabay turo sa direksyon nito na ngayon ay nag-iikot-ikot.
"Sandali lang," paalam ni Zee sa amin at saka niya nilapitan si Trida.
Si Matthew ang naiwan sa harap ko kaya siya ang tinanong ko. "Kayo? Ano'ng ginagawa n'yo rito?"
"Uh. Bibili lang kami ng materials para sa project namin," nakangiti niyang tugon. Nakakagaan talaga ng pakiramdam ang ngiti niya. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Ficção AdolescenteIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...