IVY PIÑAFLORIDA
BANG!
Kumabog ang dibdib ko dulot ng narinig kong putok ng baril mula sa loob ng VIP room kung saan ako nanggaling.
Sa sobrang nerbyos ko, hindi ko na tinangka pang katukin muli ang pinto. Napaatras ako kasunod ang mabilis kong paghakbang palayo roon kahit na halos magkandarapa ako dahil sa dilim ng paligid.
Binuksan ko ang clutch bag ko at kinapa sa loob ang phone ko. Nang makuha ko 'yon, binuksan ko agad ang flashlight at mas binilisan ko na ang paghakbang palayo.
Halos patakbo ang ginawa ko kaya nang pababa na ako sa hagdan, nagkamali ako ng tapak sa baitang kaya, dahilan para bumagsak ako at gumulong pababa.
"Aaww~" Hinilot ko ang tuhod kong naunang tumama sa matigas na semento. Sobrang sakit.
Bumaling ako sa cell phone ko na isang dipa ang layo sa akin dahil nabitawan ko 'yon. Nakailaw pa rin ang flashlight pero nakabaligtad 'yon at sa sahig nakatama ang liwanag kaya wala akong masyadong maaninag sa paligid.
Sinubukan kong tumayo kahit na ramdam ko na parang naipitan ako ng ugat sa paa, idagdag pa ang galos na tinamo ko sa tuhod nang tumama 'yon sa semento. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko pero hindi ko na magawang magmadali katulad kanina.
Dinampot ko ang phone ko at pinilit kong hilahin ang sarili ko palayo kahit na ika-ika ang naging paglakad ko. Nagsimula na rin akong nerbyusin kasabay ng pag-iinit ng mga mata ko.
Hindi ko alam kung sino ang lalaking nagtakip ng mata ko sa loob ng VIP room kanina. Hindi ko rin alam kung sino ang binaril at kung sino ang bumaril sa kanilang dalawa. Pero natatakot ako.
Paano kung ako na ang isunod? Paano kung habulin ako ng isa sa kanila? Yung nagpaputok ng baril.
May baril din naman ako na pang-self defense, pero hindi ko 'yon p'wedeng asahan lalo na at wala akong experience. Baka sarili ko pa ang mabaril ko. Sa ngayon, kailangan ko munang humingi ng tulong. Pero kanino?
Bigla kong naalala si Trida kaya hinanap ko ang pangalan niya sa contacts ko habang pinipilit ko pa rin ilakad ang mga paa ko.
Hindi ko sinabi sa kaniya na narito ako. Pero ngayong kailangan ko ng tulong, saka ko siya tatawagan? Feel ko ang selfish ko.
Ita-tap ko pa lang sana ang call button nang biglang may magtakip FOR THE NTH TIME sa bibig ko kasabay ng paghila nito sa akin kung saan.
"Ssssh!" saway nito sa akin nang tangkain kong sumigaw kahit tutop niya ang bibig ko gamit ang palad niya. Pinipilit ko rin alisin ang kamay niya kahit nanghihina na ako. "Sssh. You're safe with me."
Oras na marinig ko ang pagbulong niyang 'yon at makilala ang boses niya, natigilan ako. And hearing his voice made me feel secured.
Unti-unti niyang niluwagan ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at sinamantala ko 'yon para umikot paharap sa kaniya. Tinunok ko ang flashlight ng cell phone ko sa mukha niya para masiguro kung siya nga ba si Matthew.
Nasilaw siya sa liwanag kaya kinublihan niya ang kaniyang mata gamit ang palad niya. Pero nakilala ko pa rin siya.
"Matthew?" Ibinaba ko na ang phone ko nang masiguro kong siya nga ang Matthew na kilala ko.
"Ssssh. 'Wag ka munang maingay," mahina niyang saway sa akin at saglit pang iginala ang paningin sa madilim na paligid upang makiramdam.
"Bakit?" taka kong tanong nang ibalik niya sa akin ang tingin.
"May narinig akong putok ng baril kanina kaya kailangan natin mag-ingat." Magsasalita sana ulit ako ngunit naudlot 'yon nang sumindi ang mga ilaw. At doon ko na-realized na nasa restroom kami kung saan din ako unang hinila ni Zee.
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Roman pour AdolescentsIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...