TRIDA's POV
Pagdating namin sa laundry shop, in-islide ni Yuwi ang pintuang salamin at nauna siyang pumasok sa loob.
"Narito ka pala pogi." Nakangiting lumingon sa amin ang babae na medyo may edad na. Namamalantsa siya sa isang gilid.
"Kukuhanin ko na po 'yung dinala ko rito nu'ng—" he turned to me, asking for help, "last week ba 'yon?" tanong niya. Tila naninigurado.
"Last week after the last," bulong ko rin. Iyon kasi ang pagkakatanda ko.
Bumaling ulit siya sa babae. "Last couple of weeks. I don't exactly remember."
"Pangalan?" tanong ng babaeng nakangiti nang todo sa kaniya.
"Trida Montana," he responded.
Tinigil muna nito ang ginagawa at hinanap ang pangalan ko roon sa log book nila. "Patingin na lang ng ID."
Yuwi turned to me again, tilting his head. Parang sinasabi niyang ibigay ko ang ID ko.
"Hindi ko dala. Bakit 'di mo sinabi na kailangan pa ng ID?" kunot-noo kong reklamo sa kaniya.
"I tried to ask you but you cut me off with your little drama of revenge," he shot back. Nganga. Napabuntong-hininga tuloy ako. Bakit ba kasi pinutol-putol ko siya noong sinusubukan niyang magtanong?
"Ikaw ang nagdala, 'di ba?" sabi ng babae, na hanggang ngayon ay sa kaniya pa rin nakatingin. "Dapat pangalan mo na lang nilagay mo rito sa log book para sa pick-up. Pero pirma mo 'to?" May itinuro ito sa logbook.
"Mmm." He nodded.
"Okay. Sige. ID mo na lang hiramin ko."
Agad niyang dinukot ang wallet sa bulsa at inilabas doon ang isang ID. Inabot niya 'yon sa babae. After i-check ng babae ang ID niya ay kaagad din nito iyon ibinalik.
Bumaling sa akin ang babae at sinabihan ako na pumunta sa desk para magbayad kaya sumunod ako agad.
Pagkatapos kong magbayad ay saka inabot sa akin ang mga damit namin ni Ivy. Nakaayos na 'yon sa cloth bag. Magkahiwalay. Kaya bale dalawang cloth bag ang dala ko.
"Salamat po." Malapad akong ngumiti rito, tuloy ay nagpaalam na. Sobra silang mabusisi. Sa laundry shop na pinupuntahan ko, hindi naman ganito kadiwara. "Wala ka bang balak tulungan ako?" baling ko kay Yuwi. Tahimik lang kasi siyang nakasunod sa 'kin habang naglalakad kami.
"Wala," sagot niya. Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya.
"Wala kang puso! Puro atay, baga at balumbalunan!" inis kong sabi.
Napatigil din siya at nilingon ako. "Kung wala akong puso, sa tingin mo ba may kasama ka ngayon dito?" ganti niya sa 'kin.
I sighed. Naglakad na ulit siya at sumunod naman ako kahit hirap na hirap akong bitbitin ang dalawang cloth bag. Marami-rami kasi ang pina-laundry namin.
Buwisit naman kasing Ivy! Ang tagal-tagal umuwi! Siya dapat ang kasama kong kukuha nito, e!
"Hintayin mo naman ako!" sigaw ko nang bahagya na niya akong maiwan dahil sa laki ng bawat hakbang niya. "Hindi mo na nga ako tinulungan, iniiwanan mo pa 'ko!" reklamo ko sabay simangot.
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Teen FictionIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...