TRIDA MONTANA
Nakauwi na kami ni Haze sa dorm at naipaliwanag na rin niya kina Ate Mildred ang nangyari pati ang text message na kaniyang na-recieved mula sa totoong killer na si Migz, ex-boyfriend ni Racquel.
Kaya lang...nakatulala ako sa kwarto namin ni Ivy. Ina-analyze kong mabuti sa isip ko ang nangyari.
Inamin ni Migz sa text message na siya ang pumatay kay Racquel pagkatapos ay inilagay daw niya ang kutsilyong ginamit niya sa kwarto namin ni Ivy. After that, agad siyang tumakas sa dorm.
Pero sa pagkakatanda ko, bago kami umakyat sa rooftop noong gabing 'yon, wala ng mga estudyante sa dorm. Dahil usually ay weekend umuuwi ang mga estudyante. May iba nga na friday pa lang ng hapon ay umuuwi na sa kani-kanilang bayan pagkatapos ng klase. So, paano nangyari na siya ang pumatay kay Racquel?
Pabagsak akong humiga sa kama at bumuntong-hininga habang nakatitig sa kisame. Bakit gano'n? Bakit hindi pa rin ako mapanatag? Feeling ko may mali sa nangyari pero hindi ko ma-sure kung paano o ano.
Tumagilid ako ng higa at humarap sa kama ni Ivy. Nasaan kaya siya? Kinuha ko ang cell phone ko para tawagan siya. Nagri-ring naman ang phone niya pero hindi siya sumasagot.
Pssh. Ba't ko ba s'ya kasi tinatawagan? S'ya nga 'tong nang-iwan sa 'kin sa kulungan!
"Ugrh!" Inis kong ibinaba ang cell phone ko sa gilid ng unan ko at saka ako bumangon at dumiretso sa banyo para mag-shower.
Amoy silver swan na yata ko dahil inabot na ako nang magdamag sa kulungan nang hindi naliligo. Ew!
☆゚.*・。゚
Na-miss ko ang tubig kaya inabot ako ng halos kalahating oras sa pag-sho-shower. Pagkatapos kong maligo at magbihis, ibinalot ko muna sa towel ang buhok ko sabay upo sa kama para i-check kung may response na ba si Ivy sa tawag ko kanina. At nakita kong may text siya.
"Umuwi muna 'ko sa 'min.
May kailangan lang
kaming asikasuhin ni
daddy."
"K," tipid kong reply sa kaniya.
"Nga pala, nag-text sa 'kin
si Matthew na nakalaya
ka na rin. Mabuti naman.
Sorry kung naiwan kita
sa kulungan nu'ng lumabas
ako. Pag-uwi ko d'yan saka
tayo mag-usap."
"K," lang ulit ang naging reply ko sa kaniya dahil hanggang ngayon naiinis pa rin ako kapag naaalala kong nakalaya siya at naiwan akong mag-isa sa kulungan.
Ibinaba ko na ang cell phone ko para maghanap ng suklay. Pero bigla akong natigilan at napaisip.
"Bakit kasama n'ya si Mr. Morris nu'ng lumaya s'ya?" I started to walk back and forth, biting my nails in confusion.
BINABASA MO ANG
Finding Supremo (Undergoing Editing)
Roman pour AdolescentsIvy moved to a different city and a new school. She wants only a quiet, anonymous life but she became friends with the popular and outgoing Trida. They became really close together with the five good-looking male students who lives in the dorm as we...