Chapter 40. The Envelope

153 6 3
                                    

IVY POV

4:00 am pa lang ay gising na ako. Mababaw lang ang naging tulog ko dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa nangyari noong minsang pababa ako sa basement—sa ginawang pagtakip ng panyo sa akin ni Kierzyuwi

Hindi ko rin maiwasang mapaisip ngayon. Kung si Kierzyuwi si Supremo—ano'ng kaugnayan niya kay Mr. David? Kilala ba niya ang magiging fiance ko?  Hindi ko pa alam ang sagot ngunit isa lang ang nasisiguro ko. Hindi niya poprotektahan ang nakatago rito sa dorm kung hindi siya related kay Mr. David.

Bumangon ako saglit para kuhanin sa cabinet ang maliit na box kung saan nakalagay ang kwintas na ibinigay sa akin ni lolo noon at saka ako muling naupo sa gilid ng kama habang pinagmamasdan 'yon.

Ano'ng meron dito? At sino ang lalaki na nagtali kina daddy at gustong kunin 'tong kwintas ko? Si Kierzyuwi ba? Kaya ko ba s'ya nasalubong noong pauwi ako sa amin? Pero bakit? Bakit n'ya gustong kunin 'to?

Itinabi kong muli ang box sa ilalim ng unan ko at saka na ako pumasok sa banyo para mag-shower. Monday kasi ngayon at may pasok kami.

Pagkatapos kong gumayak, naisipan kong isuot ang kwintas ko.

"Trida, gising na." Bahagya ko siyang tinapik sa braso para siya naman ang maligo. Agad naman siyang nagising at walang ganang bumangon. Saglit niya pang tiningnan ang oras sa phone niya bago ibaba ang mga paa sa kama. "Mauna na 'kong bumaba sa kusina, sumunod ka na lang," paalam ko sa kaniya.

Kinuha ko na ang bag ko at humakbang na ako palabas nang bigla niya akong tawagin.

"Ivy." Lumingon ako pabalik sa kaniya, ngunit hindi siya sa akin nakatingin kun'di sa kwintas na suot ko.

"Bakit?" tanong ko. Humakbang siya palapit sa akin at pinagmasdan ang pendant ng kwintas ko.

"Ito 'yung..." mahina niyang sabi, doon pa rin nakatutok ang kaniyang tingin.

"Alin?"

"Parang nakita ko na 'to dati." She looked up at me.

Seryoso ba siya? Paano niya 'to makikita samantalang ngayon ko lang 'to dinala rito at ngayon ko lang sinuot.

"Talaga? Eh, ngayon ko lang naman 'to sinuot. Baka nagkakamali ka lang?" Tumawa pa ako nang bahagya.

"Gano'n ba? Baka nga..." Napahawak siya sa batok niya at bahagyang itinagilid ang ulo na tila nag-iisip. "Baka nga kamukha lang." Sumulyap ulit siya sa kwintas ko bago tuluyang pumasok sa banyo.

***

Pagbaba ko sa kusina ay naabutan ko si Matthew na nagluluto. Siya nga pala ang sched ngayon.

Ngunit bago pa man siya makalingon sa akin ay dali-dali kong itinago ang kwintas, I mean pendant sa loob ng blouse ko, sa bandang dibdib, para hindi niya 'yon makita lalo na at pakiramdam ko ay hindi ko rin siya p'wedeng pagkatiwalaan.

"Bakit ang aga mong bumaba?" tanong niya nang makita niya ako.

"Maaga kong nagising," tipid kong sagot. Itinuloy niya ang pagluluto habang ako ay nakatingin lamang sa kaniya—pinagmamasdan siya habang nag-iisip.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon