Chapter 7

338 9 2
                                    

✿♡ TRIDA ♡✿

"Ano? Hindi ba kayo matatapos d'yan?" natatawang tanong ni Haze sa 'min. Nagpipigil siya ng tawa dahil nanggigilid na ang luha ni Ivy.

"Okay. Kill me now. It doesn't matter to me anymore!" Pabagsak na isinandal ni Yuwi ang likod niya sa upuan. 

Seryoso? Bigla akong napaisip at pinagmasdan si Ivy. "Pa'no kung nagsasabi ng totoo si Yuwi at inosente pala talaga s'ya?" tanong ko sa kaniya. At hindi pa man siya sumasagot, nabuwisit na agad ako sa idea. "Wow! Kapag inosente s'ya, ibig sabihin ikaw ang mafia at pinapaikot mo lang kami?" Lalong nalukot ang mukha ni Ivy na akala mo ay inapi ko siya.

"Sumasakit na 'yong ulo ko, sa totoo lang!" inis niyang ganti sa 'kin. "Sige na. Ako na lang ang patayin n'yo para malaman natin kung sino talaga ang mafia sa inyong dalawa!" Sumandal siya sa sofa, tila nawalan ng ganang maglaro. "Pero 'pag pinatay n'yo ako at halimbawa man na si Kierzyuwi ang mafia sa inyong dalawa, ikaw mag-isa ang mag-grocery. Hindi kita sasamahan!" she warned.

Agad namang ngumisi sa 'kin si Yuwi. "Okay, let's kill her!" He was grabbing the opportunity dahil parang sumuko na si Ivy. "If she ends up being the mafia, I'll go with you instead and pay for everything." 

Uy, parang I like it yata.

"Gan'yan na ganyan talaga ang mga mafia. They will offer you something you can't resist para lang manalo sila!" Umirap si Ivy sa kaniya habang nakakrus ang mga braso sa dibdib.

Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sa totoo lang, mas lalo akong naguluhan. Hindi ko na tuloy sigurado kung sino ba sa kanila ang mafia.

"Pa'no kung ikaw pala ang mafia?" baling ko kay Ivy. Kailangan ko siyang subukan. Kailangan kong malaman kung may possibility ba na siya ang mafia o hindi.

"Kaya nga sabi ko patayin n'yo na lang ako, 'di ba? Para malaman na natin ang totoo." Pinag-aralan ko ang mukha niya at mukhang nagsasabi siya ng totoo. Hindi naman kasi siya papayag na mamatay kung siya ang mafia. Kaso gano'n din si Yuwi. Payag din siyang mamatay. "Malalaman mo lang na hindi ako mafia kapag pinatay n'yo na ako ngayon." 

Bigla akong nakunsensya at naawa sa kaniya. Pero mas naawa ako sa sarili ko habang iniisip na si Yuwi ang mafia at kapag pinatay namin si Ivy, ako na ang isusunod niya. Pero kung papatayin ko naman din si Yuwi at halimbawang si Ivy ang mafia, kawawa rin ako dahil shoulder ko ang grocery nilang lahat.

Panandalian akong yumuko at nag-isip bago magdesisyon. "Sige. Si Kierzyuwi na lang ang patayin natin. bahala na." Akala ko matutuwa si Ivy, pero sinimangutan pa rin niya ako.

"Hindi na. Ako na lang muna. Gusto ko na rin malaman kung sino ang mafia sa inyong dalawa kaya ako na lang ang patayin n'yo."

Kierzyuwi suddenly laughed at Ivy's statement. "Don't fall for her words," he said while looking at me. "She's trying to make you feel like she's innocent." Natawa pa siya nang bahagya.

Tumingin naman ako kay Ivy at sinabing, "Sige. Patayin na natin si Kierzyuwi, tutal duda na talaga ako sa kan'ya una pa lang. Ngiti pa lang siya, may something na!"

"Sabihin n'yo na kung sino'ng final na napili n'yo. Kanina pa kami naghihintay," reklamo ni Haze. Agad naman naming itinuro ni Ivy si Yuwi, at si Yuwi naman ay tinuro si Ivy. "Tang*na, goosebumps!" Humalakhak ulit si Haze at kinabog pa ang likod ni Matthew dahil sa sobrang galak. "Kierzyuwi got voted off. Say your final statement."

Tumingin si Kierzyuwi sa akin habang nakangisi. "Instead of the final statement, let me give you a piece of advice." Inilapit niya ang upuan niya para maging magkalapit kami. He leaned forward to face me at nailang ako dahil sobrang lapit niya sa 'kin. As in, malapit na yatang magdikit ang mga ilong namin. Amoy na amoy ko pa ang hiningi niyang malamig na parang lumaklak ng sandamakmak na mentos. "If someone had a suspicious smile, don't just go on the assumption that they are bad or lying to you. Be careful about who you ally with, because not everyone with an angelic smile is a good person. Sometimes they laugh like a devil." Inatras niya ang upuan at kaagad naman akong bumaling kay Ivy. Kung kailan naiboto na namin si Yuwi, saka ako nakaramdam ng pagsisisi dahil feeling ko nga ay inosente si Yuwi.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon