Chapter 29. Hide & Seek

242 15 4
                                    

TRIDA POV

Linggo ng hapon na ngunit wala pa rin si Ivy. May plano pa kayang bumalik sa dorm 'yon?

Ang sabi niya kasi sa text message niya kaninang umaga ay bago raw humapon, narito na siya. Ngunit malapit na magdilim ay hindi pa rin siya dumarating.

Hindi kaya naipahamak na s'ya ng katangahan n'ya?

"Ate Mildred, wala pa si Ivy?" tanong ko pagbaba ko sa lobby. Naabutan ko siya roon, nanonood pa rin ng tv. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong bumaba dahil lang sa kahihintay sa bruhang 'yon.

"Wala pa." Saglit niya lang akong nilingon at muling ibinalik ang tingin sa screen.

Bumuntong-hininga ako at pabalik na sana ulit sa itaas nang marinig ko ang pagbukas ng gate. Napahinto tuloy ako sa unang baitang ng hagdan.

Baka si Ivy na 'to.

Ngunit ang malapad kong ngiti ay biglang naglaho nang ibang tao ang sumulpot. Si Kierzyuwi. Sa kanilang lima ay siya pa lang yata ang unang dumating.

Huminto siya noong nasa tapat ko na siya at saka niya ako tiningnan sa mga mata. At ngayon ko lamang din napansin na medyo mahaba at malago pala ang kaniyang pilikmata. Lalo siyang gumuwapo.

"Bakit?" taka kong tanong.

"Move away," he said with his eyes cold as ice that can actually freeze a lava. Okay. I'm gonna take back what I said. G'wapo nga, red flag naman ang ugali.

Napairap akong lumihis para bigyan siya ng daan. "Hayan na po kamahalan!" Umakyat na rin ako at halos nauuna lang siya sa akin ng ilang hakbang. Pero bigla akong may naalala kaya tinawag ko siya. "Yuwi." Ngunit hindi siya huminto. "Saang laundry shop mo ba dinala 'yung damit namin ni Ivy? Bakit hanggang ngayon hindi pa binabalik?"

Natigilan siya at lumingon sa akin. "Hindi n'yo pa ba kinukuha?"

Umiling ako. "Hindi pa. 'Di ba sila dapat ang magde-deliver no'n dito?"

"They don't deliver. You need to pick it up yourself."

"Kaya naman pala magdadalawang linggo na kaming naghihintay. Akala ko pinag-interesan mo na," I laughed a little. "Saan mo ba dinala? Pupuntahan ko ngayon."

"Sa—" he pause, hesitating to tell me.

"Saan?" tanong ko ulit, waiting for his response.

"Pupunta ka mag-isa?" Kumunot ang noo niya.

"Oo. Wala pa si Ivy, eh."

"Hintayin mo na para may kasama ka. Baka maligaw ka pa."

"Baka mamayang gabi pa 'yon umuwi. Kailangan ko na ngayon. Hindi natuyo 'yung iba kong uniforms. Wala akong isusuot bukas." I pouted.

Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa akin na parang nag-iisip. "Hintayin mo 'kong bumaba." Pagkasabi niya no'n ay tinalikuran na niya ako at tuluyang umakyat sa hagdan.

I furrowed my eyebrows at his words. Hintayin? What does it mean?

Bumuntong hininga ako at umakyat na rin muna sa kwarto para magpalit. Kinuha ko rin ang cell phone at wallet ko.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon