Chapter 44. Suspicious Party

182 5 8
                                    

TRIDA POV

And without breaking our intense stare-off, he said, "You. I want you."

Natigilan ako sa sinabi niya. That wasn't what I was expecting, not in the least. Pero sinikap kong maging kalmado. Umayos ako sa pagkakaupo nang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.

You almost got me killed and now you're telling me you want me?

"Tch. Nevermind." Napairap ako at bahagyang ngumisi bago nag-iwas ng tingin. Kahit hindi niya sabihin sa akin ang pinaka-worst na ginawa niya, sa tingin ko ay alam ko na. "Pumunta 'ko rito para makapag-relax at mag-isip-isip. Pero parang mas lalo yata akong mai-stress." Tumayo na ako sa upuan ko. "Mauna na 'ko sa loob." Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at kusa na akong humakbang palayo.

Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako nang bigla akong may maalala, dahilan ng paghinto ko.

"You shouldn't have done that. Don't involved yourself in anything that will bring you harm."

At ang sinabi niya noong araw na naglalaro kami ng Two truths, One line. "Lie, marami kang kaibigan. Another lie, you don't have an older brother."

Dahan-dahan kong nilingon ang direksyon niya at naabutan ko siyang nakatingin din sa akin.

Bakit ganito ang pakiramdam ko sa kaniya? Bakit parang may alam siya na hindi ko alam? At kung sakaling mayro'n...ano 'yon?

"Gusto kitang maging ka-close. Okay lang ba?" sabo ko sabay ngiti sa kaniya.

"How close?" he asked after puting his beer down on the table.

Naglakad ako palapit sa kaniya. Inilapat ko ang dalawang palad ko sa mesa at saka ako yumuko para paglapitin ang mga mukha namin. "Gusto ko 'yung sobrang close," I said seductively.

Noong sinabi sa akin ni Ivy na siya si Supremo, natakot ako. Pero pagkatapos ng aksidente na halos ikamatay ko, nawala bigla ang takot ko sa kaniya. At isa lamang ang gusto kong mangyari ngayon. I wanted to be close with him.

"And why?" taka niyang tanong.

Because it's better to keep the enemy close so that I know what they're up to.

"Wala. Gusto ko lang makilala ka nang husto." Inalis ko na ang kamay ko sa mesa at saglit siyang nginitian bago ako tuluyang umalis.

IVY POV

Sabado ngayon pero hindi umuwi sina Kierzyuwi, Zee, Matthew at Kayden sa kani-kanilang bahay. Nagre-ready kasi sila ng mini party sa rooftop para sa paglabas ni Haze sa ospital.

Ang totoo ay kahapon pa ito nakalabas pero sa kanila muna siya pansamantalang umuwi at ngayon ang balik niya rito sa dorm kaya naman busy ang apat, pati ako, sa pag-aayos sa rooftop dahil doon sila magwawalwal. Ice-celebrate raw nila ang second life ni Haze at Trida.

"Malapit na raw si Haze," sabi ni Kayden habang hawak ang cell phone, binasa niya ang reply ni Haze.

Nasa kusina kami at inaayos ang sandamaknak na mga pagkain na ipina-deliver lang nila dahil wala naman gaanong may alam sa pagluluto sa amin.

"Tara na sa taas," aya naman ni Matthew.

Pumayag si Ate Mildred sa naisip nila Zee na mini party sa rooftop, pati rin ang dalawang receptionist sa 4th at 5th floor ay nakausap nila kaya malayang-malaya kaming makakaakyat doon ngayon.

"Si Trida?" usisa ni Zee sa akin. Paakyat na sana ako sa hagdan dahil tumutulong ako sa pagdadala ng mga pagkaing inorder nila.

"Nasa kwarto pa," sagot ko.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon