Chapter 49. Everyone Lies Pt.2

203 4 4
                                    

IVY PIÑAFLORIDA

Hindi ko pa nga masyadong naa-absorbed mabuti ang sinabi sa akin ni Precious about kay Trida, ngayon naman dumagdag pa sa problema ko si Zee.

Napapikit ako at nanatiling nakayuko kahit namamanhid na ang mga binti ko. Tahimik lang ako at hinintay kong makaalis si Matthew. At nang sa wakas, after a century of waiting ay narinig ko na ang paghakbang niya palayo. Halos hindi na ako makatayo sa sobrang ngawit ng mga binti ko.

Dahan-dahan akong umalis sa rooftop at bumaba sa hagdan nang matantya kong tuluyan na siyang nakababa. Sinikap kong hindi makagawa ng kahit kaunting kaluskos.

Tahimik akong nakabalik sa kwarto at naabutan kong nakailaw ang phone ko. Chineck ko ‘yon. May nag-text sa akin na unregistered number pero alam ko na agad kung sino. Si Atty. Morris.

Sinend niya sa akin ang lugar at kung anong oras kami magkikita ni Supremo bukas.

☆゚.*・。゚

Kinabukasan. Lunes. Maaga akong gumising at gumayak, pero hindi ako sigurado kung tutuloy ba ako sa school knowing na nasa kulungan pa si Trida. Feeling ko tuloy ang selfish ko.

Pero hindi! Ilalabas ko naman kasi talaga siya ro’n, eh. Kaso, kailangan ko munang unahin si Supremo. ‘Pag hindi ako nakipagkita sa kanoya, baka ibalik ako ni Atty. Morris sa kulungan at 'yun ang ayokong mangyari.

Tiningnan ko ang oras sa cell phone ko. 7:15 am na at 7:30 ang pasok ko. Bumuntong-hininga ako bago ko sapilitang dinampot ang bag ko at saka ako lumabas sa kwarto. Sa ngayon papasok muna ako sa school. Mamayang gabi pa naman kami maghaharap ni Supremo.

Hindi pa alam nila Ate Mildred na nakalaya na ako kaya dadaan muna ako sa kaniya para ipaliwanag ang nangyari, na wala kaming kasalanan ni Trida at posibleng na set-up lang—pero bakit may dugo yung damit niya? Napailing ako. Bahala na. Basta naniniwala akong hindi niya ‘yon ginawa dahil hindi naman talaga niya ‘yon kayang gawin.'l

Pagtapat ko sa kusina, napansin kong tahimik kaya sumilip muna ako ro’n. Wala ‘yung lima. Pumasok na siguro. Sunod akong pumunta sa lobby para silipin si Ate Mildred pero hindi ko siya inabutan doon.

Napansin kong wala din ang receptionist sa front desk. Walang bantay. Nasaan kaya sila? Kung hahanapin ko pa sila sa buong dorm baka ma-late ako kaya dumiretso na lang ako sa labas. Mamaya ko na lang sila kakausapin pag-uwi ko after ng klase.

☆゚.*・。゚

Pagdating ko sa department, dumiretso agad ako classroom. Natahimik bigla ang mga kaklase ko nang makita nila akong papasok sa pinto. May ilan na nagsimulang magbulungan at ang iba naman hine-head-to-toe ako.

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa upuan ko. Kaso biglang nagtayuan ang mga kaklase kong nakaupo malapit sa akin at saka sila lumipat sa ibang upuan. Sa bandang likuran na tila may sakit akong nakakahawa at ayaw nilang mapalapit sa ‘kin.

"Ivy, totoo bang nakulong kayo ni Trida?" tanong ng isa kong kaklase na lalaki, si Jovince. Napalingon ako sa kanila at bigla akong kinabahan. Parang mali yata ang desisyon ko na pumasok muna. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa mga tingin nila sa akin. At hindi pa man ako sumasagot, nagsunud-sunod na ang pagbato nila ng mga tanong.

"Nakalaya ka na ba? Nasa’n si Trida?" —Trisha.

"Ang balita rito sa department natin, kayo raw ang pumatay sa dormmate n’yo, legit ba?" —Melissa.

"Bakit n’yo ginawa ‘yo—"

"Na-framed kami!" putol ko kay Michaela bago niya pa maituloy ang sasabihin niya. Naiinis na kasi ako.

"Framed? Eh, ‘di ba, sa kwarto n’yo nakita ‘yung kutsilyo na ginamit daw para saksakin ‘yung ka-dorm n’yo? Ano na ngang pangalan no’n? Ahh! Racquel?" Si Audrey.

"Ibig sabihin may kaklase tayong murderer?" —Cherry.

"Kayo rin ba ni Trida ang pumatay ro’n sa mga naunang estudyante pati na rin kay sir?" taas kilay na tanong ni Venice.

"Omg! Goosebumps!" sabay na sabi ni Audrey at Melissa. Nagsimula na rin magbulungan ang iba habang tinitingnan ako nang kakaiba.

Ngayon, kami na rin ni Trida ang pinagbibintangan sa pagkamatay ng mga estudyante na kung tutuusin ay kagagawan ni Supremo. Tumayo ako at humarap sa kanila.

"Wala kayong alam sa sitwasyon kaya ‘wag kayong manghusga base sa narinig o nalaman n’yo!" Pinilit kong maging matapang.

"Hangga’t hindi napapatunayan na inosente kayo, hindi magbabago ang tingin namin sa inyo bilang mamamatay tao." Si Rich naman ang umeksena.

"Excuse me?" baling ko sa kaniya. "As they say, someone is innocent until proven guilty." Inirapan ko pa siya.

"Di mo yata nage-gets, Ivy? Sa kwarto n’yo mismo nakuha ang ebidensya, kaya pa’no mo ‘yon maipapaliwanag? P’ano mo sasabihin na inosente kayo?" Tinaasan niya rin ako ng kilay.

My hands suddenly formed into a fist. Naiinis ako. Lintek!

Dahan-dahan akong humakbang at lumapit sa kaklase kong ‘yon, si Richlyn a.k.a Rich, samantalang mukha namang walang kaambag-ambag sa sarili niya kun’di ang huminga. Ayoko na lang mag-talk. Pero mukha siyang mabaho at hindi naliligo.

Tiningnan ko siya nang diretso nang makalapit ako sa kaniya. Kinuha ko ang cell phone na hawak ni Cherry dahil siya ang nakatayo malapit sa akin at saka ko shinoot ‘yon sa bag ni Rich. Nagulat sila sa ginawa ko, lalo na si Rich at ang may-ari ng phone.

"Let's say na wala kahit isa ang nakakita na inilagay ko ‘yung cell phone sa bag mo, and you're not aware of it. Tapos nakita ni Cherry na nasa’yo. Pa’no mo ipapaliwanag na hindi mo ‘yan ninakaw? Pa’no mo ipapaliwanag na inosente ka?" matigas kong sabi sa kaniya habang matalim ko rin siyang tinitingnan. Hindi siya nakakibo at biglang namula ang mukha niya sa inis. "Syempre, sasabihin mo na hindi mo ‘yan kinuha at may naglagay lang sa bag mo. Pero sa sitwasyon na ‘yon, ‘di ba parang ang hirap patunayan? Kasi wala namang nakakita. Hangga’t hindi mo nalalaman kung sino ang may gawa, mahihirapan kang mag-explain dahil walang maniniwala sa’yo. At magnanakaw ang magiging tingin sa’yo ng lahat kahit na inosente ka naman talaga. ‘Di ba ang hirap? Ang sakit." Napayuko siya at halos lahat sila hindi nakakibo. Isa-isa kong inilibot ang tingin ko sa kanila. "Kaya kung wala kayong sasabihing hindi maganda, pakibulsa na lang ‘yang mga bibig n’yo kaysa makadagdag pa kayo sa pinagdadaanan ng tao.” Tumalikod ako sa kanila at kinuha ko na ang bag ko sa upuan para lumabas ng room. Pero huminto akong muli sa tapat ni Rich nang madaanan ko siya. "Ano? Mamamatay tao? Kami? Psssh!" Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya tiningnan ko siya sa mata. "Kapag nahanap ko na ‘yung totoong killer, ISASAMPAL ko s’ya sa pagmumukha mo. Abangan mo..." In-emphized ko ang word na isasampal para ngayon pa lang maramdaman na niya. Sabay taas ng isang kilay at saka ko siya inirapan. Pagkasabi ko no’n, nag-walk out na agad ako. Ang kaso, may humila sa bag ko kaya natigilan ako sa paglakad. Hindi ako humarap kaya hindi ko alam kung sino ‘yon. Pero malamang si Rich. Baka magso-sorry. Well, kailangan kong panindigan ang pagiging matapang ko for today’s vidyow. "Tapos ngayon magso-sorry ka? Bitawan mo—" Umikot ako paharap sa kaniya pero natulala ako nang makita kong sumabit lang pala ang sling ng bag ko sa upuan.

Lahat sila halos nagpipigil ng tawa. Agad kong inalis ang bag ko sa pagkakasabit at tumakbo ako palabas. Potek! Nakakahiya! Barilin n’yo na lang ako, please!

Huminto ako sa paglalakad noong nasa labas na ako ng department. Nakaramdam bigla ako ng inis at galit kay Kierzyuwi. Dahil kasi sa kaniya kaya napagbibintangan kami ngayon.

Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa ng palda ko at binasa ko ulit ang text ni Atty. Morris.

Mikrokosmos Town.
Magic café. 7 pm.”

Dali-dali akong bumalik sa dorm at pumasok sa kwarto namin ni Trida. Agad kong kinuha ang itim na case na nakatago sa ilalim ng bed ko. Ipinatong ko ‘yon sa kama at binuksan.

Dahan-dahan kong kinuha ang isang baril sa loob ng case. Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ko ‘yon.

Mukhang kakailanganin ko ‘to.

Till next...
Don't forget to vote and leave a comment :)

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon