Chapter 22. Ivy & Matthew

232 10 6
                                    

IVY POV

Nakahiga ako sa kama habang abala sa pagbabasa ng mga notes na ipinahiram sa akin ni Trida dahil mayroon kaming quiz bukas.

Isang linggo na rin ang lumipas ngunit hindi pa ako pumapayag sa ideya niya na hanapin daw namin si Supremo. Nakakatakot kaya. Paano kung mapahamak na naman kami?

Nabaling ang aking tingin sa cell phone kong nasa gilid ko lamang dahil tumunog iyon. May nag-text.

Nang damputin ko, number lamang ang nag-appear sa screen. Ngunit alam kong hindi iyon kay Haze dahil nai-save ko naman na ang kaniyang number.

"Ivy, may ginagawa ka?" Agad nagsalubong ang kilay ko nang mabasa ang text na pumasok sa akin.

Nag-isip pa ako kung magre-reply ako o hindi. Ngunit dahil binanggit niya ang pangalan ko, naisip kong kilala niya ako.

"Hu u?" I replied.

"Ang nag-iisang g'wapo sa dorm."

"Sino? Si Matthew lang naman alam kong g'wapo sa dorm, e."

"Ako nga. Hahaha!" Napabalikwas ako ng bangon nang mabasa ang reply niya.

Shuta! Shuta! Si Matthew? Omg! Hindi nga? Seryoso? Anak ng pitong kalabaw! My heart! Omg!

Agad akong umayos sa pagkaka-upo with poise, at saka ko ulit tiningnan ang screen ng phone ko. Hindi muna ako magre-reply para kunwari ay busy ako. Syempre, kailangan kong magpakipot.

Pagkatapos ng .001 second ay ni-reply-an ko na siya agad. "Si Matthew ka ba?" Kara-karaka na at baka magbago pa ang kaniyang isip. Sayang din.

"Oo. Kung hindi ba, hindi mo 'ko rereplyan?" Lalong lumapad ang ngiti ko. Yiiiiiie! Potek! Kinikilig kepyas ko!

"Ano'ng kailangan mo?" I replied. Be like Haze! Be like Haze! Sabihin mo AKO! PLEASE! UTANG NA LOOB, MATTHEW!

Hindi ko inalis ang aking tingin sa screen at hinintay siyang mag-reply.

"Ikaw…"

At gaya ng ipinapanalangin ko, ganoon nga ang reply niya kaya hindi ko napigilan ang aking sarili at masayang bumaba sa kama habang nagtatalon sa tuwa.

"WAAAAAAAAH!!! TRIDA, I'M GETTING MARRIED NA!" Sa sobrang kilig ko, napaka-exaggerated ko na. Getting married agad? 'Di pa nga nanliligaw!

"Ginagawa mo?" Bumaling sa akin si Trida pagkatanggal niya sa nakakabit na earphone sa kaniyang tainga. Naistorbo ko yata siya. Nagsusulat kasi siya habang nag-so-soundtrip.

"Wala. Wala. Sige, tuloy mo na 'yan, para sa ekonimiya." Nakangiti akong bumalik sa bed ko at saka ko ulit tiningnan ang text ni Matthew. Ngunit biglang nagsalubong ang mga kilay ko dahil may kasunod pa pala ang reply niya sa akin kanina.

"Ikaw…"

"Yung isang nabunot na makakasama ko sa supermarket, 'di ba?" Nawala bigla ang ngiti sa labi ko nang maalala iyon.

Oo nga pala. Pagkatapos kasi namin mag-share-share ng budget ay nagbunutan kami kung sino ang mag-go-grocery. Si Matthew at ako ang nabunot kaya kami ang mananagot doon.

Haaaay. Alala ko pa naman kung ano na. Pero okay lang, at least makakasama ko pa rin s'ya. Yiiiiie! Lande!

Ni-reply-an ko na ulit siya, ngunit hindi na ganoon kalapad ang ngiti ko. "Kailan ba tayo pupunta? Ngayon na ba?"

"Oo sana, kung 'di ka busy."

"Sige. Wait. Gayak lang ako."

"Wag ka na magpaganda, ha? Baka marami pang tumingin sa'yo. Ayokong mapaaway. Haha." Para na naman akong tanga na biglang napangiti sa reply niya.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon