Chapter 27. Contract Agreement

227 9 9
                                    

TRIDA's POV

Alas-otso ng umaga nang magising ako. Sabado kasi ngayon at walang pasok kaya hindi ko na kinailangan mag-alarm.

Nang bumangon ako sa kama ay wala na si Ivy sa kaniyang higaan na katapat lamang ng sa akin. Oo nga pala. Madaling araw siyang umalis.

Inabot ko ang aking cell phone na nasa tabi ng unan at tsinek ko iyon. Nakita kong may text siya. Si Ivy. Nagpaalam lang siya at sinabing hindi na niya ako ginising dahil masarap daw ang tulog ko. At potek! Nag-send pa talaga ng picture ko sa messenger na medyo nakanganga ako.

Nireplyan ko siya at sinabi kong pasalubungan niya ako fafah kapag umuwi na siya, 'yung macho-gwapito at hindi mukhang mabaho.

Napansin kong may text din sa akin si Haze kaya agad ko iyon binasa. "Ikaw sched ngayon, 'di ba? 'Wag ka na magluto. Umuwi kaming lima."

"Wow! Sana all! Sana all p'wedeng umuwi!" Inis kong ibinagsak ang cell phone ko sa kama at saka ako dumiretso sa banyo para maghilamos na at mag-toothbrush.

Ano kaya'ng gagawin ko ngayon?

Nang matapos ako ay agad na rin akong lumabas sa banyo. Nagpunas ng mukha at nag-apply na rin ng toner at sunscreen kahit na hindi naman ako lalabas. Gano'n talaga, e. Kailangan ko ng skin care. Hindi man ako iningatan ng taong minahal ako, at least maingatan ko man lang ang mukha ko. Dahil ito ang magiging puhunan ko para magkaroon ulit ng panibagong mangbabalewala sa akin. Char!

Sunod kong hinablot ang aking bag upang bisitahin kung may assignments ba kami. Ngunit ang mga lantang dahon ang bumungad sa akin na hanggang ngayon nga pala ay hindi ko pa naaalis.

May bato pa, jusko!

Ibinuhos ko ang lahat ng laman no'n para na rin linisin. Ngunit may napansin akong bulaklak. Lantang bulaklak.

"B'wisit talaga! Ginawa pang basurahan 'yung bag ko!" Dinampot ko lahat ng dahon at saka ko iyon itinapon sa trash bin.

Ang bulaklak naman ay naisipan kong ipit sa aking notebook bago ako tuluyang lumabas sa kwarto. Sa kusina ako tumungo upang maghanap ng malalapang. At dahil wala naman akong makakasamang kumain ay naisipan ko na lamang magbanli ng instant noodles.

Bitbit ko iyon nang pumunta ako sa lobby para na rin manood ng tv. Naupo ako sa couch with matching taas pa ng mga paa.

Kaboring pala kapag wala si Ivy rito sa dorm, pati na rin 'yung lima. Wala akong makausap.

"'Yan lang kinakain mo?" Lumapit sa akin si Ate Mildred at pinagmasdan ang nilalantakan kong spicy hot beef na cup noodles. 'Yung nakakatulo ng sipon sa anghang.

"Wala naman sila Ivy kaya hindi na 'ko nagluto." Bahagya pa akong tumawa. Bagets-bagets 'tong si Ate Mildred kaya hindi ako gumagamit ng po at opo sa kaniya. Madalang. Parang barkada nga lang ang turing niya sa aming lahat ng mga naka-dorm dito.

"Meron pa 'kong ulam at kanin sa kusin. Kapag nagutom ka, kumain ka lang. 'Wag ka magtiis d'yan sa cup noodles." Sasagot sana ako upang magpasalamat nang biglang tumunog ang doorbell kaya agad niya akong tinalikuran. Itinuon ko na lamang ulit ang aking tingin sa tv screen.

Maya-maya pa, nakita kong bumalik si Ate Mildred ngunit may kasama na siya. Isang lakaki. Saglit ko pa itong pinagmasdan habang hindi niya ako napapansin. And he looks familiar.

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon