Chapter 20. Stalking

221 8 1
                                    

TRIDA's POV

Pagdating namin sa dorm ni Yuwi ay naabutan naming nanonood si Ivy sa sala, katapat ng lobby. Nang maagaw namin ang kaniyang atensyon ay agad siyang tumayo.

"Oh, bakit kayo ang magkasama? Hindi ka ba pinuntahan ni Haze?" tanong niya. Ngunit hindi pa man ako nakakasagot ay narinig namin ang pagbukas ng gate at ang pagsulpot ni Haze sa bandang likuran namin. Kararating lamang nito. "Saan ka galing, Haze? Hindi mo ba pinuntahan si Trida?" usisa ni Ivy sa kaniya, ngunit hindi ito kumibo at agad kaming nilagpasan, papunta sa taas. "Problema no'n?"

Nakatanaw kaming tatlo sa kaniya habang paakyat ito sa hagdan. Ilang sandali pa ay sumunod na rin na umakyat si Yuwi kaya naman niyaya ko na rin si Ivy sa aming kwarto, sa third floor.

"Bakit sinabi mo pa kay Haze 'yung text ko sa'yo?" I asked, noong nasa kwarto na kami pareho.

"Wala kasi akong maisip na p'wedeng hingan ng tulong para puntahan ka. Alam mo naman ang nangyari sa 'kin. Hindi pa 'ko masyadong makalakad." Sinulyapan niya ako nang makaupo siya sa gilid ng sariling kama. "Teka? Ibig sabihin, pinuntahan ka nga ni Haze? Kung gano'n, bakit kayo ni Kierz ang magkasama?"

Ibinagsak ko muna ang aking katawan sa kama at saka ako lumingon sa kaniya. "Trip ko lang." Sabay tawa.

"Haze also went to see you, but why did you come with me and not with him?"

"Gusto kong malaman n'ya kung ano'ng pakiramdam nang maiwan. I know it wasn't as painful as I felt before, but somehow I wanted him to know how it felt like and how embarrassing it feels to be left alone by someone who has become so important in your life."

THIRD PERSON'S POV

Umakyat si Haze sa rooftop at naglabas ng sigarilyo sa bulsa. Sinundan naman siya ni Kierzyuwi at agad nitong kinuha sa bibig niya ang sigarilyo na dapat ay sisindihan na niya.

"Kung gusto mo'ng humaba ang buhay mo, tigilan mo 'yan." Tinapakan pa ni Kierz at sigarilyo matapos niya itong ibagsak sa paanan.

"Aish..." Haze was slightly annoyed pero hindi na lamang ito kumibo at tumanaw na lamang sa malayo.

"Ano ba'ng ginawa mo kay Trida? Bakit masyado yata ang galit sa'yo?" tanong nito sa kaniya, parehong nakasuksok ang kanilang mga kamay sa bulsa ng suot na pants.

Saglit namang natahimik si Haze bago sumagot. "Why? Do you like her?"

"No, but...if you would allow me to, why not?" Bumaling si Haze sa kaniya dahil sa sinabi niya. At gano'n din si Kierzyuwi, tiningnan niya rin ito nang mata sa mata bago muling magsalita. "I know you still have feelings for her, you can't fool me. And if possible, don't use Ivy just to make her jealous. Pareho silang babae, Haze. Hindi lang halata minsan."

Bahagya namang natawa si Haze sa narinig, ngunit agad ding sumeryoso. "If you like her, be a man and tell her. 'Wag kang gumaya sa 'kin na naging duwag pagkatapos ko s'yang masaktan."

"I want to do that, but I can't. I no longer have a chance para maghanap o magkagusto sa iba, because there is someone waiting for me already." Yumuko si Kierzyuwi at bumuntong hininga.

"What do you mean?" may pagtatakang tanong ni Haze.

"It means...you shouldn't be jealous of me." Tinapik siya nito sa braso. "There's no reason for you to be jealous. Sige na. Una na 'ko sa loob."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon