Chapter 4

604 21 4
                                    

✿♡ TRIDA ♡✿

ISANG LINGGO na ang nakalipas simula noong dumating si Kierzyuwi Yanzon sa dorm. Bagong lipat siya at sa eskwelahan din namin siya nag-aaral. Base sa narinig ko, kaklase siya ni Haze at Kayden dahil business din ang kurso niya. Nakikita ko na rin siyang kasa-kasama nila Haze kapag kumakain sila sa kusina. Medyo tahimik ito pero mukhang kasundo naman niya 'yong apat na kolokoy. Sila Haze, Kayden, Matthew at Zee.

"Trida, samahan mo nga ako sa cr. Naiihi na 'ko." Napukaw ang atensyon ko nang tawagin ako ni Ivy. "Halika na, dali!"

"Apurado ka naman! Taeng-tae ka ba?!"

"Hindi. Ihing-ihi na 'ko!" Tumayo ako sa upuan ko at sabay kaming lumabas sa classroom. Pumunta kami sa restroom na nasa floor lang din namin. Pagpasok ni Ivy sa cubicle, pumasok na rin ako sa kabila. Saktong pag-upo ko, may narinig akong pumasok sa loob ng cr at kasabay no'n ang pagsara ng pintuan. Hindi pintuan ng cubicle, kun'di pinto mismo ng restroom.

"Sa tingin mo ba totoo 'yong usap-usapan na may ginto sa dorm na 'yon?" halos pabulong na sabi ng isang babae na hindi ko kilala ang boses.

"Hindi ko rin alam. Pero sa tingin ko totoo," sagot naman ng kasama niya. Ginto?

"Lipat kaya tayo ro'n tapos hanapin natin?" Alam kong nasa loob pa rin ng cubicle si Ivy dahil hindi ko pa naririnig ang pagbukas ng pintuan niya pati ang pag-flush.

"Ano ka ba naman? Hindi naman ako gano'n kaatat yumanan, 'no! Tara na nga umuwi na tayo. Makapag-empake na!" Bahagya pa silang nagtawanan bago lumabas sa restroom. 

Nang maramdaman kong nakalabas na sila nang tuluyan, binuksan ko na ang pintuan ng cubicle at halos magkasabay lang kami ni Ivy na lumabas. Nag-unahan kami sa pintuan para tingnan kung sino 'yong dalawang estudyante na narinig naming nag-uusap. Hindi pa sila masyadong nakakalayo kaya nakilala ko sila. Third year sila, tourism din at ka-building lang namin, pero hindi namin kaklase.

Nagkatinginan agad kami ni Ivy pero hindi kami nagsasalita. Naghawak kami ng kamay at tahimik na bumalik sa classroom. Ramdam ko ang pamamawis ng kamay namin pareho at panlalamig, pero wala isa man sa amin ang nagbubukas ng usapan tungkol sa narinig namin.

Habang tahimik na nagtuturo si ma'am sa harapan, naramdaman ko ang pag-vibrate ng cell phone sa bulsa ng palda ko. Kinuha ko 'yon at pasimpleng tsinek. Nakita kong may text sa akin si Ivy kaya palihim kong binasa. 

Ivy: "Narinig mo rin ba
'yong narinig ko kanina?"

Me: "Oo, narinig ko. 
Ano'ng akala mo sa 'kin?
Walang tainga?"

Ivy: "Sa tingin mo,
saang dorm 'yong
tinutukoy nilang
may ginto?"

Me: "Hindi ko alam."

Ivy: "Hindi kaya
sa dorm natin?"

Me: "Mukha bang may
ginto sa dorm natin? 
Agiw, marami." 

Ivy: "Dapat pala lu
mabas tayo kanina
habang nag-uusap
sila para natanong
natin kung saang
dorm ang sinasabi nila."

Me: "No thanks, Ivy!
I'm not interested. 
At saka hindi natin
alam kung totoo
'yon o hindi. Baka
mamaya tsismis lang
'yong nasagap nila."


Ivy: "What if totoo?"

Me: "Kung totoo 'yon,
edi mag-drop out
na tayo tapos mag-aral
tayo ng taekwondo,
karate, wrestling, judo,
ju jutsu, boksing,
muay thai, hapkido
arnis, sumo,
shaolin kung fu at
krav maga."

Finding Supremo (Undergoing Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon