Ikatlong Hakbang

3.3K 187 48
                                    

Ikatlong Hakbang

Stalker

Ilang araw ko nang hindi nakikita si kuya Patrick simula ng araw na bumalik ang pagkagusto ko sa kanya. Nakakainis kasing dimples yan e! Nagpakita pa siya kaya ngayon ay hinahanap-hanap ko ang baklang iyon.

Kung sana hindi na lang iyon nagpakita, dapat tuluyan ko nang nakalimutang minsan akong nagkagusto sa kanya. Talaga nga ba?

Nagpunta kami sa room ng second year kanina at doon ay nakita ko ang master list nila. May meeting kasing ginanap kanina at gamit ang master list ay narinig ko ang buong pangalan ni kuya Patrick.

Patrick Jimin Abanero

Nagulat pa nga ako ng marinig ko iyon. Kapangalan niya pala ang bias ko sa BTS. Si Park Jimin. Hindi ko naman akalain na meant to be pala talaga kami. Kinilig ako sa naisip ko.

Agad akong nagbukas ng facebook account pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay para hanapin ang account niya. Mas napadali ang paghahanap ko nang hinanap ko sa friends ng isa pang second year na si kuya Els ang pangalan niya. In-add ko agad siya at tiningnan na rin ang kanyang profile.

Sobrang dami niyang followers at halos lahat ay KPOP fan. Ang mga posts niya din ay halos tungkol sa mga grupong iniidolo niya katulad ng Girl's Generation at EXO. Minsan niya pang nabanggit na fangirl siya. Talaga nga namang bakla.

Pinagpatuloy ko lang ang paghahalungkat hanggang sa nakakita ako ng mga lumang litrato niya. Kahit pala noong highschool pa siya ay ganoon na ang kanyang itsura. Chinito, maputi, payat pero mukha siyang totoy na totoy. Hindi halata sa kanyang mukha na magiging gano'n siya ngayon. Wala namang gaanong pagbabago sa litrato na ito kumpara sa ngayon pero makikita mo talaga na nagmature na ang kanyang itsura.

From a little Patrick into a handsome and manly prince.

I mean, a beautiful princess.

Nang magsawa ako ay tinigilan ko na rin ang pagtingin sa kanyang mga pictures. Baka masabihan pa ako ng stalker kahit hindi naman. I'm just curious you know? Wala naman sigurong masama sa ginagawa ko. 'Tsaka hindi ako mahilig tumambay sa mga social media sites. Feeling ko kasi kapag nahumaling ako ng todo, baka hindi ko na pakawalan pa. Ibang klase pa naman ako kung magmahal.

Ilang araw rin ang lumipas nang maisipan kong buksan muli ang account ko matapos kong magsearch ng assignments. Una kong pinuntahan ang notification ko, nagbabakasakali na in-accept niya na ang friend request ko. Nang hindi ko nakita ay agad akong nagtungo sa profile niya.

Sheyt. Hindi niya na nga in-accept ang friend request ko, in-ignore niya pa! Putspa naman 'tong baklang ito.

Sa sobrang inis ko ay halos ibato ko na ang tablet na gamit ko. Nakakainis! Bakit nakakaiyak?

'Yung iba pinaga-accept niya pero ako hindi? 'Yung ibang classmate ko ay friend niya na pero bakit di niya ako ma-accept? Ang unfair!

Bahala ka diyan kung ayaw mong i-accept ang friend request ko. Kung ayaw mo edi fine! Hindi ko ipipilit. Pero sana man lang in-accept mo diba? Nakakainis.

Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay second semester na. Sa mga araw na lumipas na iyon, hindi pa rin ako makapaniwala na nagkagusto ako sa isang bakla na tulad ni Kuya Patrick. To think na dahil sa dimples niya kaya bumalik ang pagkagusto ko sa kanya ha? Nakakairita pa dahil sa nakakabwiset na hindi niya pag-accept ng friend request ko.

Pero kahit gano'n, nakakareceive pa rin ako ng facebook status niya. Naka-automatic follow kasi kapag nag-add ka kaya naman alam ko pa rin kung ano ang ini-status niya. 'Yun nga lang, hindi lahat nakikita ko dahil minsan friends lang ang pwedeng makakita ng post niya dahilan ng pagkainis ko.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon