Ikaapatnapu't dalawang Hakbang

1.6K 93 63
                                    

Ikaapatnapu't dalawang Hakbang

Feelings

Kinabukasan ay pumasok ako sa klase ng late. Nagsisimula na ang pagtuturo ng aming guro. Bumati lang ako ng magandang umaga at nagdiretso sa pagpasok. Naghanap ako ng mauupuan pero wala ng bakante. Lumabas akong muli upang maghanap sa ibang room.

Kasunod lang na room ay walang klase at gayundin ay maraming bakanteng upuan. Kumuha ako ng isa ngunit aangatin ko pa lang sana ito ay may humigit na nito sa akin.

"What the f--!" Sisigawan ko na sana ang walanghiyang umaagaw sa upuan ko ay bigla akong natulala. Si kuya Patrick. Nakangising nakatingin sa akin habang hawak ang upuang sana ay bubuhatin ko.

"Good Morning, Chinita!" Ngiting-ngiting bati niya. Binuhat niya ang upuang hawak at naunang lumbas ng pinto.

Wala akong nagawa kundi ang mapatunganga. Ang daming upuan pero yung hawak ko pa mismo ang kinuha niya. Anong trip na naman ito Patrick?!

"What are you waiting for? Late ka na sa klase diba? Ito na ang upuan mo mahal na prinsesa." Nabwiset ako sa ngisi niya.

Kung pinagtitripan na naman ako ng walanghiyang 'to, hindi ako magdadalawang isip na ihambalos sa mukha niya ang mga upuan dito.

Lumabas ako sa room ng nakasimangot. Sinusundan ang baklang may dala ng upuan ko. Hinatid niya ito sa classroom dahilan para magsitinginan ang lahat ng kaklase ko maging ang aming propesor.

Walang ekspresyon ko silang tinignan at umupo sa silya matapos ilapag ni kuya Patrick.

"Ano 'yun, Chi? Bati na kayo?" Siko sa akin ni Mae Ann. Sinimangutan ko siya.

"Hindi."

"Sungit naman nito! Ikaw na nga hinatiran ng upuan e. Hindi ka man lang nagpasalamat." Hindi ako kumibo.

Alam kong naging bastos ang pakikitungo ko kay kuya Patrick gayong pinagmagandahang loob na ako ng tao. Ang problema kasi ay naiinis ako sa kanya. Lahat sa kanya ay kinaiinisan ko kaya ayaw kong makita siya hangga't maaari.

I don't want to see him pero bwiset nga naman ang pagkakataon at pinagtagpo na naman ang landas naming dalawa.

"Saan ka pupunta, Chinita?" Nagtaka ako sa biglaang pagpigil sa akin ni Harold palabas ng classroom. Lunch time na at ewan ko ba sa baklang ito kung bakit niya tinatanong kung saan ako pupunta.

"Baka sa canteen? Nagugutom ako e." Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Naglalakad na ako palabas ng muli na namang may kamay na humawak sa braso ko. Nilingon ko ito at inasahang si Harold ulit iyon pero si Patrick na naman ang nasa harapan ko.

Napasimangot ako.

"Ano?" Nagtaas ako ng kilay. May sumilay na naman na ngisi sa kanyang labi.

Ang sarap bangasan ang nguso nito para hindi na siya makangisi ng ganyan. Naiinis ako pero siya mukhang nasisiyahan pa! Punyeto talaga.

"Ang cute mong magtaray." Ngingisi-ngisi niyang turan.

"Punyeta. Kung wala kang magawang matino, lubayan mo ko, nagugutom ako o? Tumutunog na ang tiyan ko!" Nagmartsa ako palayo sa kanya.

Umaliwalas ang mukha ko ng hindi niya na ako sinundan. Ngunit papaliko pa lang ako papunta sa canteen ay may pumigil na naman sa akin.

"Hindi diyan, Chi. Doon tayo sa Korean Restaurant!"

Hindi ako makaniwala sa baklang 'to. Hanggang ngayon ay nasa likod pala siya? Kanina niya pa ako sinusundan?

"Mag-isa ka. Magsi-sisig ako." Tinalikuran ko siya. Pero hindi pa ako nakakalayo ay hinila niya ang braso ko at inilapit sa kanyang katawan. Dahan-dahan niya akong kinarga sa kanyang balikat, ang aking mukha ay nasa likod habang ang paa ko naman ay nasa kanyang harap. Nagpumiglas ako ngunit ako lang ang nagmukhang tanga sa kasisigaw. Pinagtitinginan kami ng mga tao.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon