Ikaapatnapu't siyam na Hakbang
Gusto ko
Sinusulit namin ni Patrick ang mga nalalabing araw para sa school year na ito. Isang buwan na lang. Magpapaalam na kami sa isa't isa.
Matapos ang event na nangyari noong nakaraan ay panay na ang pangungulit sa akin ni Patrick tungkol sa sinabi ko na agad ko namang binawi. Paulit-ulit niyang pinamumukha sa akin na patay na patay ako sa kanya. Iirapan ko lang siya kada ginagawa niya iyon at magwa-walk out tulad ng ginawa niya sa akin noong gabing iyon. And in the end, he'll say sorry at uulitin ulit ang ginawa niya. Paulit-ulit. Pero nakatatawang hindi ako naiinis.
From: Jake
Okay. I'm on my way.
Napabuntong hininga ako nang mabasa ang kanyang text. Ahma wants to meet him again. I really don't know what's with Jake that he easily got Ahma's interest. At iyon ang dahilan kung bakit hindi ko pa rin masabi kina Ahma na wala talagang mayroon at hindi na magkakaroon ng sa amin ni Jake.
At ngayon ko balak na kausapin din si Jake tungkol sa aming dalawa. I just hope that things will turn out well.
"Nasaan na si Jake, apo?" Since the day they met Jake's family, Ahma started to call me apo. Masarap sa pakiramdam, oo. Pero mabigat pa rin dahil alam kong nanggaling lamang sa maling akala ang lahat.
"On the way na raw po, Ahma." I gave her a slight smile.
"Mabuti naman. At kapag dumating na siya, sabihin mo'y magtungo sa garden at mag-uusap kaming dalawa."
"Opo."
From: Jake
Nasa labas na ako.
Dali-dali akong nagtungo sa labas at pinagbuksan siya ng gate. Balak kong kausapin muna siya bago siya papuntahin sa kung nasaan si Ahma. Gusto kong magpaliwanag muna kay Jake. Hindi ko alam kung tungkol saan ang sasabihin ni Ahma sa kanya.
"Jake..." Panimula ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Humugot muna ako ng malalim na hininga.
"Gusto kong itigil na natin to."
"Ha? Anong sinasabi mo?" Takang tanong niya.
"Ito. Itong panliligaw mo. Itong pagpunta mo rito sa bahay. Jake, sorry. Pero tama na." Napakagat ako sa labi ko. Bakas ang kalituhan at sakit sa kanyang mga mata ngunit mabilis din iyong nawala at napalitan ng blangkong ekspresyon.
"Si kuya Patrick?" Marahan akong tumango.
"Sabi na nga ba. Kaya ka naging mailap sa akin nitong mga nakaraan diba? Akala ko ba kinakalimutan mo na siya? Akala ko maayos na tayo?" Bakas ang pait sa kanyang boses at hindi ako sanay doon. Sanay ako sa masiyahin na si Jake at palaging nakangiti sa akin. Itong Jake na nasa aking harapan ay ibang-iba sa nakasanayan ko. Ito ay ang Jake na nasasaktan ko ngayon.
"Sorry. Matagal ko na talagang gustong sabihin sayo ito pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ginamit kita. Ginamit kita para makuha ang loob ng aking Ahma. Ayaw ko mang gamitin ka pero ayan na e. Naunahan mo na ako. Nakapagpakilala ka na sa daddy ko." Nahihiyang sabi ko. This is it. Naamin ko na rin sa kanya ang katotohanan.
Hindi siya kumibo. Wala na rin akong maidugtong sa mga sinabi ko. Tiningnan ko ang aking relo at ilang minuto na rin ang lumipas. Baka naiinip na si Ahma kahihintay.
"Okay. I understand. What do you want me to do then?" Nakakapanibago ang blangko niyang ekspresyon. Muli akong nag-iwas ng tingin.
"Itigil na ang panliligaw..." Hindi siya muling sumagot. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakatitig lamang siya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/27112745-288-k58917.jpg)
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
Romanzi rosa / ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...