This will be the last chapter. Just wait for the WAKAS to be published.
Dedicated to MhayAnnGomez :) Love ya! 😊
(Play niyo yung music na nasa media section. Hehe. Song: Please say something eventhough it's a lie. W's ost. Hope you like it! ❤😊)
Ikalimampung Hakbang
Give you up
"Saan ka pupunta, apo? Jake will be here later." Nakakunot ang noo ni Ahma nang mahuli niya akong palabas ng bahay. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
Hindi ko alam kung bakit patuloy pa ring pumupunta si Jake dito kahit na nilinaw ko naman na sa kanya kung ano kami. At magkikita kami ngayon ni kuya Patrick. Bakasyon na kaya hindi na kami gaanong nakakapagkita. Malapit na rin ang graduation nila. Kaya kami magkikita ngayon ay para maibigay ko na sa kanya ang regalo ko.
"I know, Ahma. May pupuntahan lang ako sandali." Nakangiting sabi ko. Mas lalong nangunot ang kanyang noo.
"Promise, Ahma, sandali lang talaga ako. Isang oras. Siguro po bago dumating si Jake, nandito na ako." I crossed my fingers behind me. Sana payagan ako.
"Okay. Just be here before four o'clock." Nakangiti akong tumango at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Geez. Muntikan pa ako.
Hanggang ngayon ay wala pa rin silang alam tungkol sa amin ni Jake. Hindi pa rin ako handa para sabihin sa kanila ang totoo. I think it will take more time before I can have my guts. Iyong kay Jake nga ay tumagal pa dahil natatakot din ako. Sana lang talaga ay tuparin ni Jake ang pangako niyang hindi siya magsasalita.
Nakarating ako sa lugar ng pagkikitaan namin sa tamang oras ng napagkasunduan. Nilibot ko ang mata ko sa paligid pero wala pa rin si Patrick. Sinilip ko ang oras sa aking relo. Baka nadelay lang ng ilang minuto.
Nabungkal ko na yata ang lupang tinatapakan ko pero wala pa rin siya. Isang oras na rin ang nakalipas pero wala pa rin siya. Nasaan ka na ba, Pat?
Sinilip ko ang aking cellphone pero wala pa rin akong natatanggap na mensahe galing sa kanya. Nakailang text at chat na ako pero wala pa ring ni-isang reply. Sinubukan ko na ring tawagan siya pero walang sumasagot. Where the hell are you, Patrick Jimin Abanero?
Napaigtad ako nang makareceive ng text. Baka si Patrick na ito. Mabilis kong in-unlock ang aking phone.
From: Jake
Nasaan kayo? Nasa bahay niyo ako. Even Ahma is not here.
Napaiyak na ako nang makitang text ni Jake iyon. Patrick, nasaan ka na ba?
I focused on Jake's text. Ahma is not there too? Pero iniwan ko siya doon kanina sa loob ng bahay. And she wants me to be there exactly four o'clock.
Napatingin ako sa aking relo. Lagpas na ng alas kuwatro. Patay. Pero nasaan si Ahma kung gano'n?
To: Jake
Umalis ako. Pero si Ahma hindi ko alam kung saan nagpunta. Can you wait for a few more minutes? Baka parating na rin iyon.
Napabuntong hininga ako. Lagpas na sa oras na binigay ni Ahma ang pananatili ko rito pero wala pa rin si Patrick. Nag-aalala na ako. May nangyari ba?
Ahma's calling....
Agad akong kinabahan nang mabasa iyon. Patay na talaga.
"Hello, Ahma?" Halos pabulong kong sagot. Ayokong masigawan ngayon. Naiiyak pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...