Patrick's

1.7K 82 52
                                    

Ayos na rin na hindi kami nagpapansinan ngayon dahil sa tingin ko, habang lalo akong napapalapit sa kanya, ma lalo kong hindi nakikilala ang sarili ko.

Bago umalis sila Chi sa bahay nila Giselle ay nagkasagutan kami. Malamang ay ako na naman ang nauna dahil nabwiset ako pero ayos lang 'yon atleast wala siya ngayon sa tabi ko.

Makikipagbati naman ako sana sa kanya nu'n nung pasukan e. Ang problema, papasok pa lang ako sa room nila ay nakita ko na naman ang Jake na 'yun na nakadikit kay Chi. Masaya pa silang naghahampasan at nagaasaran na talagang nakakapaginit ng dugo ko.

Ewan ko nga ba at ang bilis kong mainis pagdating kay Jake pero kasalanan ko ba? Kaya nga ngayon ay lumalayo na ako kay Chi. Walang naidudulot na maganda sa sistema ko 'yun. Nakakaloka siya.

Mag-isa akong nagpunta sa mall para manood ng bagong movie. Hapon na no'n at tinaon kong wala akong makikita na kahit na sinong kakilala pero kung minamalas ka nga naman, 'yung pinakaayaw mo pang makita ang sasalubong sa iyo.

Umakyat ako sa hagdan papasok sa mall at sinara ang payong ko. Malakas ang ulan at unang nakita ko ay si Chi na malayo ang tingin sa kalangitan habang may dalang tatlong supot ng paper bag.

Tinignan ko muna siya nang nakakunot ang noo bago ko napagdesisyunan na tumuloy na sa loob. Tuluyan ko na nga sana siyang iiwan doon ng mahagip ng mata ko ang pagsugod niya sa ulan ng walang dalang payong.

Napaigting ang bagang ko. Talaga bang may lahing siraulo ang babaeng 'yon?

Nagmadali akong nanakbo dala-dala ang payong at isinilong sa kanya. Hindi pa naman siya gaanong nababasa at dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa akin.

Pinagalitan ko siya, and knowing Chinita Ann, nagalit din siya pabalik sa akin. Nagtalo pa kami doon hanggang sa napilit ko siyang sumama sa unit ko at doon magpatila ng ulan.

I gave all the things she needed to change her wet clothes. I also texted Giselle to inform her na nandito ang kaibigan niya. Ayos na ang lahat at iniwanan ko na siya sa sala pero nagulat ako ng sinundan niya pala ako sa kwarto.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked her raising my brows.

"Mag-usap nga tayo kuya Patrick." Isinarado niya ang pinto. Napakunot ang noo ko.

"We're already talking."

"Hindi. Gusto ko ay isantabi mo muna yang galit mo sa akin na hindi ko naman alam kung bakit. Gusto ko, sagutin mo lahat ng itatanong ko."

I faced her. "Go ahead. Ano iyong itatanong mo?"

"Bakit mo ako iniiwasan?"

"Hindi kita iniiwasan Chi. Imagination mo lang iyon."

Nainis ako sa tanong niya. Eto lang ba ang pag-uusapan naming dalawa? My god! Hindi niya ba alam ang sagot sa tanong niya? Hindi ba halata? Minsan ang sarap sabunutan ng babaeng ito sa sobrang kamanhidan.

"Imagination kuya Pat? Imagination ba iyong alam ko na hindi ka na namamansin at nagdadahilang busy kahit madalas na makita kita sa sulok sulok ng school na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya? Yun ba yun kuya Pat? Imagination lang ba 'yon?"

Natawa na ako sa pinagsasabi niya. Nagda-drama siya. She's over reacting! Kung totoo nga iyon at napapansin niya, sana alam niya na ang sagot. Self-explanatory na lang be. Hindi ka naman ata bobita.

"Tsk. You're overthinking Chi. Totoong busy ako pero hindi kita iniiwasan. Kabaliwan lang 'yan."

"Overthinking? Psh. Palagi ka na lang ganyan. You're always saying na busy ka. Hindi mo ako papansinin tapos magugulat na lang ako kinabukasan na tinutulungan mo na ako kapag nangangailangan ako. Katulad ngayon. Dumating ka na lang basta nung wala akong magawa dahil wala akong dalang payong." She paused.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon