Ikadalawampu't pitong Hakbang
Puso ni Bakla
Niyaya kami ng Papa ni Giselle na sumama sa kanila sa taniman. Tinuruan nila kami kung paano ang pagtanim ng mga gulay at kung kailan dapat ito tinatanim. Tinuruan din kami kung paano gumawa ng candy-ng sampalok.
Masaya kina Giselle. Kahit simple lang ang pamumuhay nila sa probinsya, hindi maitatangging magandang mamuhay roon. Hindi nga ako makapaniwala na mahigit kalahating araw ay hindi ako gumamit ng gadget at higit sa lahat, hindi ako nag-internet.
Nakakamiss din pala 'yung mga gawain na hindi kailangan ng makabagong teknolohiya.
Lumabas ako sa loob ng bahay matapos makipagkwentuhan sa amin ng mama at papa ni Giselle. Masarap silang kausap at ang galing nilang makitungo. Kasama nga namin kanina si Kuya Pat sa sala. At nalaman kong madalas pala siyang nandoon kina Giselle kapag umuuwi siya dito sa Bulacan.
Nalungkot akong bigla nang maalala ang buhay namin sa Maynila. 'Yung buhay ko na hindi kasama ang pamilya ko.
Si lola lang ang kasama ko sa bahay. Si Mama ay nagtatrabaho sa ibang bansa samantalang ang Papa ko naman ay hindi ko masyadong kilala. Ang alam ko lang ay half filipino lang si Papa. Nagkakilala daw sila ni Mama noong nagtatrabaho pa siya sa Hongkong noong dalaga siya.
Ngayon ko lang napagtanto ang kaibahan namin ni Giselle. Hindi sa kinukumpara ko ang sarili ko sa kanya. Naisip ko lang ang dahilan kung bakit iba ang pagkamasayahin niya, sa pagkamasayahin ko.
Masaya siya dahil nagmumula ito sa puso niya. Masaya siya dahil masaya ang pamilya niya. Samantalang ako, masaya ako dahil pinipilit ko. Masaya ako dahil gusto ko.
"Chi." Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. Si kuya Patrick. Pinagkunutan ko siya ng noo.
"Bakit na naman? Lapit-lapit ka ngayon sa akin samantalang nung may pasok ayaw mo kong pansinin."
"Sorry, okay? Naiirita kasi ako nun."
"So, gano'n? Kapag naiirita ka, dapat pati ako damay? Pag ako naiirita, hindi ka dapat damay? Pwes, naiirita ako ngayon. Hindi kita papansinin." Inirapan ko siya. Pero imbis na mainis siya ay tinawanan pa ako.
Tumabi siya sa akin sa inuupuan kong upuan na gawa sa kahoy sa labas ng kubo. Ginaya niya ang pwesto ko. Niyakap niya rin ang dalawang paa niya na nakapatong sa upuan.
"Umayos ka nga, Chi, hindi bagay sa'yo ang malditahan ako. 'Diba crush mo 'ko?" Bigla akong pinamulhan ng pisngi.
Punyeto talaga itong lalaking ito. I mean bakla! Kailangang sabihin sa akin yung matagal ko ng alam?
"Tse! Hindi porque crush kita, hindi na ako pwedeng mainis o magalit sa'yo. Anong feeling mo? Patay na patay ako sa'yo?"
"Bakit? Hindi 'ba?"
"KUYA PATRIIICCKK!!" Nahihiya ako sa pinagsasabi niya. Grabe 'to! Ang kapal ng mukha!
"Wag kang maingay, bakla! Lagot ka kay Tita." Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang palad niya habang tinatawanan ako.
Tinanggal ko ang palad niya sa bibig ko. "Pwes manahimik ka rin!" Pinandilatan ko siya ng mata.
Patuloy pa rin ang pagtawa niya habang ako naman ay tinititigan siya ng masama.
"I forgot to say thank you." Tumigil siya sa pagtawa pero bakas pa rin ang ngisi sa kanyang labi.
"Para saan?"
"Cause you took care of me. Buti na lang at ikaw ang pinatawag ni Sir Ben non."
"Oo nga pala, bakit nga ba ako? 'Di ba may boyfriend ka naman?"
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...