Patrick's

1.5K 84 36
                                    

Why can't they just understand me? Na ganito talaga ako at dito ako masaya. Naiinis na ako. Sawa na akong patunayan ang sarili ko sa kanila. Sawa na ako sa ganito. Hindi ko na kaya.

My mom called last night. Tinatanong ang tungkol sa nabalitaan niya.

Nakarating sa kanila ang tungkol sa naging boyfriend ko. Ofcourse galit na galit si Mama dahil sa ginawa ko. Tanggap niya naman ako. I mean, tinanggap niya ako pero ang malaman niyang nakipagrelasyon ako sa lalaki ay hindi niya na daw tanggap. Ibang usapan na daw.

My family know my sexual preference but they can't accept it. Only my little sister is happy for me. Masaya pa siya dahil may dalawa na nga siyang kuya, may kalahating ate pa. I just can't understand why my parents especially my father can't accept me. Ano ngayon kung ang isang sundalong kagaya niya ay may anak na isang bakla? What's wrong with that?

Hindi ko talaga siya maintindihan.

Nakapabilog kaming magkakaibigan sa loob ng room habang naglalaro ng charades. Wala kaming propesor ngayon kaya naman naisipan naming maglaro. They are all staring at me habang pinag-iisipan nila kung anong klaseng dare ang ibibigay nila sa akin.

Ako na naman ang talo. Ewan ko nga ba kasi at sumali pa ako e alam ko naman na wala na naman sa katinuan ang utak ko. Ako ang sinisisi ngayon ng mga lalaki kung bakit kami natalo ngayon. Its a game between boys and girls. Ewan ko nga ba at nasa boys ako napabilang. I'm a girl! Ang daya talaga ng mundo at panlalaking anyo pa ang ibinigay sa akin.

"Patrick, napansin ko lang na hindi ka na masyadong umiinom." Sabi ni Marco habang nakapangalumbaba at nakatingin sa akin. Nagsang-ayunan naman ang mga kalaro ko.

"Nakamove on ka na ba kay ex?" Napakunot ang noo ko sa tanong nila.

Ako? Makakamove on kay Marvin? Mukhang hindi na mangyayari iyon. Pinagtaasan ko sila ng kilay.

"Alam niyo guys, isipin niyo na lang ang dare niyo sa akin kaysa usisain ang feelings ko." Sa sinabi kong iyon ay biglang nagliwanag ang mga mukha nila. Sabay-sabay silang nagkatinginan pagkatapos ay nakangising tumingin sa akin. Lalong napataas ang kilay ko.

"What?!"

"Alam na namin ang dare mo. Just relax there. Kailangang pulido ang plano."

"Ano bang klaseng dare 'yan? Bakit may plano?"

"Siyempre para walang makakatakas na impormasyon. Kailangan mong sagutin lahat ng tanong namin a? At baka hindi matapos ng isang araw lang 'yun. 'Cause you need to answer honestly. Para din ito sayo."

Naguguluhan man sa kanilang balak ay sumang-ayon na lang ako. Alam ko naman na hindi nila ako ipapahamak. I know them for years at malaki ang tiwala ko sa kanila. They never betrayed me. Bahala sila sa gusto nila.

Kinabukasan ay pumasok ako at nakita si Chinita na nakaupo sa sahig ng hallway. May hawak siyang ukulele at nakangiti niya itong pinagmamasdan. Tinawag ko siya, tumingin siya sa akin pero nakatulalang nakangiti sa akin. Nag-squat ako para makapantay ko siya. Kinurot ko ang pisngi niya 'tsaka siya bumalik sa kanyang katinuan.

"Uy Patrick Starfish! Nandiyan ka pala." She said smiling. Napairap ako.

"Psh. Nagde-daydream ka na naman. Kanino 'yang hawak mo?" Sinungitan ko siya pero mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Malaki ang sapak sa utak ng babaeng ito. The more you na sungitan mo siya, the more na ikasisiya niya.

"Sus wag ka nang magselos, ikaw lang naman dine-daydream ko." Napakunot ang noo ko. Here she go again.

"Haha. Kay jake magpapaturo ako."

"Sinong jake? 'Yung ex ni dette dette?" Tumango siya bilang sagot. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng pagkairita.

Bakit ba ang lawak lawak ng ngiti ng babaeng 'to? Nakakainis.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon