Ikadalawampu't walong Hakbang
Walk out
Ikatlong araw namin ngayon dito sa Bulacan. At sa ikatlong araw na ito ay iba na naman ang aming mapupuntahan.
Nag-aya si kuya Patrick na pumunta sa Angat river na malapit dito. Kaya pagkatapos naming mag-almusal ay dumiretso agad kami sa ilog para maligo.
Pagkarating namin doon ay umaagos ang malinaw na tubig. Doon nabanggit ni Giselle na ang batis pala na makikita sa kanilang likod bahay ay nakadaloy patungo rito.
Naligo kaming apat ng buong umaga at nang nagutom kami ay umuwi rin kami agad para doon kina Giselle magtanghalian.
Inihaw na tilapia ang ulam namin kaya naman nabusog ako ng sobra. Pagkatapos ay ang ginawang candy na sampalok naman ang ginawa naming panghimagas.
"Ang saya pala talaga dito 'no?" Sabi ko habang nagpapahinga kaming apat sa veranda ng bahay nila Giselle.
"Sus. Kunyari ka pa! Masaya ka lang kasi nandito si kuya Pat!" Kontra naman sa akin ni Mae Ann.
"Alam mo, ang bitter mo talaga kahit kailan!" Sagot ko naman.
"Hindi ako bitter no! Psh~" Umirap siya sa kawalan. Pinagtawanan na lang namin siya.
"Kuya Jim, bakit hindi natin sila dalhin doon sa peryahan malapit dito? Diba bukas 'yun mamayang gabi?" Biglang lumawak ang ngiti ko sa sinabi ni Giselle.
"Talaga? May peryahan dito tuwing gabi?" Tuwang-tuwang turan ko.
"Oo, Chi, bakit? Hindi ka pa nakakapunta?"
"Nakapunta naman na ako ng peryahan pero matagal na iyon. Nakalimutan ko na nga ang itsura ng peryahan e." Malungkot na sabi ko.
Naalala ko kasi 'yung pinakahuling araw na nakapunta ako ng perya. 'Yun ay nang nasa Pilipinas pa si Mama.
"Gusto niyong pumunta doon?" Tanong ni kuya Patrick.
"Aba syempre naman! Go kami diyan!"
Nagtungo nga kami sa peryahan kinagabihan. Malalim na rin ang gabi at tinaon namin sa ganitong oras dahil marami raw tao kapag ganito. Mas masaya kapag marami kang makikita dahil mae-enjoy mo.
Nasa entrance pa lang kami ng peryahan ay kitang-kita na ang matayog na ferris wheel na may makukulay na ilaw. Kita rin doon ang merry go round na nasa malapit lang at ang iba't ibang booths kagaya ng bingo at mga barilan.
Ito ang peryahan na matagal ko ng hindi nakikita. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa pagkabata.
Nagkahiwalay kami nila Giselle. Bali si kuya Patrick ang kasama ko ngayon. Marami ang tao kaya siksikan. Sa takot ko na mawala ay kumapit ako sa braso ni kuya Pat pero tinanggal niya ito at pinagsalikop ang aming mga palad.
Napatingin ako sa palad naming magkahawak.
"Baka mawala ka. Kailangang hawak kita. Tatanga-tanga ka pa naman." Sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.
Napangiti naman ako ng palihim.
Ako na nga itong tinatawag na tanga pero nasisiyahan pa. Kasalanan ko bang kiligin sa mga pinagsasabi niya?
Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa makarating kami sa kinaroroonan ng ferris wheel. Agad akong napatingin sa kanya kaya naman pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Bakit?" Tanong niya.
"Pwedeng sumakay tayo diyan?" Turan ko. Ginagamitan ko na siya ngayon ng abilidad ko sa pakikiusap. Sana lang ay tumalab sa kanya.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...