Ikadalawampu't limang Hakbang
Alagaan
Kanina pa ako nakatitig sa cellphone ko. Hindi ko alam kung saan ako hihingi ng sorry sa kanya kung may nagawa man akong kasalanan. Hindi ko alam kung sa social media o personal.
Kapag kasi personal ay baka hindi niya ako pansinin katulad ng pag-snob niya sa akin noong mga nakaraang araw. Kapag naman sa twitter o facebook ay mukhang madali pero natatakot din akong ma-snob. Mas madali para sa kanya na huwag pansinin ang mensahe ko dahil hindi naman ako nakaharap.
Kahit saan naman pala, pwede niya akong hindi pansinin. Bumuntong hininga na lang ako. Pero mas maigi na rin ang personal. Siguro...
Nasa kama ako ngayon kasama sila Nanette sa boarding house. Napatingin sila sa akin dahil sa malalim na buntong hiningang iyon.
"Problema mo, Chi?" Tanong ni Giselle habang nakatapat na naman sa kanyang laptop. Palagi na lang siyang ganyan. I think she's writing something. Her story, I guess.
Muli akong bumuntong hininga. "Paano ba mag-sorry?" Tanong kong wala sa sarili.
"Seriously, Chi? Tinatanong mo kami niyan?" Tumango ako.
"Sino ba yang hihingan mo ng tawad?" Tanong ni Nanette habang inuubos ang fries na niluto ko kanina.
"Basta. Sagutin niyo na lang kasi." Pagsusungit ko. Inagaw ko kay Nanette ang plato ng fries. Na-stress akong bigla.
"E, 'di sabihin mo yung kasalanan mo at ihingi ng tawad iyon. Ang simple, Chi e, pinoproblema mo!" Biglang sabat ni Mae Ann sa usapan. Akala ko ay may sarili siyang mundo sa librong hawak niya.
"E paano kung hindi mo alam ang kasalanan mo?" Tanong ko ulit.
Binatukan akong bigla ni Nanette.
"Magsosorry ka e hindi mo naman pala alam ang kasalanan mo." Inagaw niya sa akin ang plato ng fries.
"E hindi niya ako pinapansin e, kaya magso-sorry ako." Napakamot ako sa likod ng tenga ko. Miski ako ay nagugulahan sa mga tanong ko.
"A, alam ko na kung kanino ka magso-sorry. Kay kuya Pat 'di ba?" Sabi ni Giselle. Pinatay niya na ang laptop niya at nakikuha na rin sa kinakain namin.
Tumango ako bilang sagot. Nakatanggap na naman ako ng batok. Pero hindi na kay Nanette, kay Mae Ann naman at libro ni Marcelo ang ginamit niya.
"Para saan naman 'yon?" Iritableng tanong ko.
Walang napuntahan ang usapan namin. Nagkagulo lang kami sa kama ko at nagrambulan. Naghampasan ng unan at naligo sa ketsup. This is what I like having them as my friends. Hindi nila sineseryoso ang mga problema ko. Note the sarcasm. I really like them as my friend.
Maga-alas dies na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Ang mga kasama ko ay mahimbing na ang tulog samantalang ako ay mulat na mulat pa. Hindi pa rin ako nakakapag-sorry.
Binuksan ko ang twitter ko. Nagtipa ako ng tweet at at pinost. Maya-maya lang din ay nakita ko na nagpost din si kuya Pat.
Gising pa pala siya.
Ginamit ko na ang oportunidad na ito para magparinig sa kanya. Muli akong nagtipa para ipost.
Paano ako magso-sorry kung hindi ko alam ang kasalanan ko?
Maya-maya lang din ay nakatanggap ako ng notification. May nagreply sa tweet ko. Pero hindi si kuya Pat. Isa sa mga kaklase ko.
Bakit ka naman kasi magso-sorry? Baliw ka talaga, Chi.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
Literatura FemininaGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...