Ikaapatnapu't walong Hakbang

1.7K 78 3
                                    

Ikaapatnapu't walong Hakbang

Team Spongebob

Pagkarating na pagkarating ko sa room ay sinalubong ako ng pang-aasar at panunudyo ng mga kaibigan ko. Alam na kaagad nila ang nangyari. Hindi ko alam kung sinabi ba ni kuya Patrick sa kanila o sadyang mga stalker lang sila kaya sinundan nila kami kahapon.

"Kayo na ba?" Nagimbal ang mundo ko sa tanong ni Harold na ganoon.

Bigla akong napaisip. Hindi ko alam kung kami na ba. Walang pormal na pag-uusap tungkol doon. Basta sinabi niya lang mahal niya ako at wala nang kasunod.

Umiling na lang ako bilang sagot.

"HINDI?!" Sabay-sabay nilang sabi. Nagkibit balikat ako sa kanila.

Totoo naman. Hindi niya naman sinabi na kami na.

"Bakit hindi? 'Diba sinabi niya na sayo na mahal ka niya? Anong katangahan na naman ang ginawa mo Chi?" Hinampas ako ni Harold sa braso.

"Oo nga. Sinabi niya nga. Pero 'yun na yun."

"Hindi ka nag-i love you too?" Nanlalaking matang sabi ni Mae Ann.

"Hindi. Kailangan ba 'yun?"

"Ang tanga mo, Chi! Dapat nag-i love you ka rin! Edi sana kayo na!"

"Malay ko ba. 'Tsaka matagal naman na niyang alam na gusto ko siya diba? Hindi na kailangan."

"Tanga ka talaga, Chi. Akala ko pa naman may Spongebob Love team na." Nakasimangot na turan ni Nanette.

"Akala ko nga kayo na ni kuya e. Ang saya niya kaya nung kinuwento niya sa akin." Sabi naman ni Giselle.

"Pero okay na rin 'yun. Basta Team Spongebob kami forever!" Sigaw ni Harold at nag-apir pa sila sa isa't-isa.

Mga siraulo talaga ang mga kaibigan ko. But I'm lucky to have them. Sa saya at kalungkutan, palagi silang nandiyan sa tabi ko.

Sobrang saya ko kinaumagahan dahil papasok pa lamang ako sa aming unibersidad ay naabutan ko si kuya Patrick na naghihintay sa akin. Nakangiti niya akong sinalubong at ganoon din ang ginanti ko sa kanya.

Sabay kaming naglakad papasok hanggang sa makarating kami sa room.

Ang sarap sa feeling na kahit na hindi kayo nag-uusap na dalawa, ramdam niyo ang kasiyahan dahil alam niyong magkasama kayo. Magkatabi kayo.

"Spongebob..." Tumigil kami sa tapat ng pintuan ng classroom. Maaga pa naman at hindi pa nagsisimula ang klase pero ang mga mata ng mga kaklase ko ay nakatuon sa amin.

Nginitian ko siya pagkarinig ng pangalang kanyang tinawag sa akin.

"Pumasok ka na sa loob. Siguraduhin mo lang na hindi lalapit sa iyo 'yung Jake na 'yun. Baka hindi ako makapagpigil." Nagbabanta ang kanyang boses. Lalo akong napangiti.

"Oo na po. Sige na, pumasok ka na sa klase mo. May thesis ka pang tatapusin 'diba?" Tinulak ko siya papunta sa tapat ng room nila. Nakaharap siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Siguraduhin mo talaga, Chi."

"Oo na nga po, Patrick! Bye!" Nag-wave ako sa kanya ng goodbye pagkatulak ko sa kanya sa loob.

Sa payat ba naman niyang taglay ay imposibleng hindi ko siya kaya.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi bago ako tumalikod para pumasok sa room ko.

Papasok na sana ako sa loob ng hinigit ng kung sino ang braso ko. Saktong pagharap ko ay ang pagdampi ng kanyang labi sa noo ko. Nagulat ako.

"Kita tayo mamaya a? Ihahatid ulit kita." Pagkasabi niya no'n ay ang paglisan niya sa harap ko ng may nakasilay na ngiti sa aking labi.

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon