Ikatatlongpu't siyam na Hakbang

1.7K 95 53
                                    

Ikatatlongpu't siyam na Hakbang

Girlfriend

Maaga akong pumunta kina Giselle upang sumabay sa pagpunta sa Bulacan. Ngayon ang unang araw ng semestral break namin at ngayon naming kailangan na bumyahe patungo sa Bulacan. Alam kong magiging matagal ang biyahe kaya naman naghanda ako. Nakakatawa mang isipin pero nagdala ako ng unan at pagkain para sa ilang oras na biyahe namin.

Hapon na nang makarating kami sa mismong bahay nila Giselle. Katulad ng una naming punta rito, sinalubong kami ng kanyang mama at tuwang-tuwa sa pag-unlak namin sa kahilingan niya. Hindi tulad noon, kasama na namin si Nanette at Harold.

Matapos naming makipagkumustahan sa Mama at Papa niya ay pinagpahinga na kami. Masyado nga namang mahaba ang biyahe kaya naman dumiretso na kami sa kwarto ni Giselle.

Naglalakad ako patungo sa pinto ng kwarto ni Giselle nang mahagip ng tingin ko ang pinto ng kwarto ni kuya Patrick noon. Nandiyan kaya siya ngayon?

Napailing ako sa naisip ko. Wala dapat na Patrick ngayon. Kahit ngayong araw lang, Chi. Manahimik ka muna saglit. Pagpahingahin mo naman ang puso mo kahit saglit lang. Napapagod din 'yan.

Dumiretso ako sa kama pagkarating ko. Pumasok si Nanette sa loob dala ang kanyang bagpack. Bumagsak din siya sa kama kagaya ko. Mabuti na lang at malambot ang hinihigaan namin kaya naging kumportable kami.

"Ayos ka lang, Chi?" Tanong ni Nanette. Nilingon ko siya at nakitang ang kanyang tingin ay nasa kisame.

"Oo naman. Nakahiga na ako sa malambot e." Sagot ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin.

"Hindi 'yun, Chi. Ang ibig kong sabihin, 'yung kay kuya Patrick. 'Diba naikwento mo 'yung nangyari rito noon?"

Napatango ako. Semestral break din no'n at dito sa lugar na ito. Pero hindi na tulad ng dati na magkaibigan kami. Ngayon ay para kaming bumalik sa pagiging stranger, 'yung mga panahong pinapangarap ko pa siya.

Gano'n pa rin naman e. Pinapangarap ko pa rin siya pero ibang sitwasyon na ngayon, nakaranas na ako ng heartache dahil sa kanya. Ang tanga ko lang at hanggang ngayon may feelings pa rin ako sa kanya.

"Alam kong mahirap kalimutan ang lahat. Katulad mo rin kami, Chi na umasa na magkakaroon ng kayo. Kasi hindi talaga namin in-expect na magiging magkaibigan kayo e. Pero dahil nagawa mo, umasa kami. 'Yun nga lang, hindi natin hawak ang isip ni kuya Patrick para magbago." I smiled bitterly. Totoo lahat ng sinabi niya.

Oo na. Umasa ako na atleast madagdagan pa ang closure na meron kami. Pero dahil sa kakaasa ko, ito ako ngayon, nasasaktan dahil sa katangahan ko.

Ewan ko nga ba kasi kung bakit ang bilis ng puso ko na ma-fall. Dun pa sa taong imposibleng mahulog din ang puso sa akin.

I'd experience so many heartaches. Lovelife man 'yan, family issue o kahit sa study. Pero iba ito ngayon e. I never expected na may mas sasakit pa pala kapag naubos 'yung paborito mong pagkain at wala ka nang pera na pambili no'n.

"Do you think, mas gagana kung sasagutin ko na lang si Jake?" Tanong ko nang wala sa sarili.

Hindi ko na alam ang sinasabi ko. Basta ang iniisip ko ay kung paano mawawala itong sakit na nararamdaman ko.

"Ikaw, Chi? Tatanungin kita, kapag ba naubos na 'yung paborito mong pagkain at ang natitira na lang ay 'yung pinaka-ayaw mo, kakain mo pa rin ba 'yun? Dahil lang sa gusto mo pang kumain?"

Medyo naguluhan ako sa tanong niya. Tinignan ko siya at nakitang nakapikit na.

Ibig niya bang sabihin, napipilitan lang akong gawin 'yun kay Jake dahil lang wala na akong pag-asa kay kuya Patrick? Gano'n ba 'yun?

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon