Ikalabindalawang Hakbang

2K 145 28
                                    

Ikalabingdalawang Hakbang

Sign

Dumating na yung araw na kinatatakutan ko. Ngayon na ang huling araw na magkikita kaming dalawa para sa semestreng ito. Ngayon na kasi namin itatanghal ang matagal-tagal din naming pinagensayuhan. Ngayon na 'yung concert na pinakahihintay ng lahat.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot at manghihinayang. Masaya kasi sa wakas ay itatanghal na namin ang aming pinagpaguran at hindi na rin ulit kami magpupuyat ngunit naisip ko rin na nakakalungkot at nakakapanghinayang sapagkat ito na ang huling araw na masisilayan ko ang kanyang chinitong mga mata na hindi ko man lang nasabi ang aking nararamdaman.

Sayang kasi 'yung pagkakataon.

Ilang araw na rin akong naghihintay ng sign. Kahapon lang ay humiling ako sa madilim na kalangitan na nababalutan ng kumikinang na mga bituin na sana ay makita ko na ang sign na hinahanap ko.

Pansinin niya lang ako. Kahit may lumabas lang na kahit isang salita mula sa kanyang mga bibig basta ba ako ay kanyang kausapin 'yun lang ay ayos na ako.

Last practice na ito ngayon. Dress rehearsal actually dahil mamayang hapon ay itatanghal na namin ito.

Busy ang lahat at bawat isa ay may kanya-kanyang gawain. 'Yung iba ay nagbibihis, 'yung iba ay sumasayaw. May iba naman na gumagawa ng props at siya naman ay nakaupo sa isang monoblock chair na nakapwesto sa gitna. Bida-bida nga. Bida kid! Epal! Papampam!

Kada dadaan tuloy ako ay nadadaanan ko siya. Masyado kasing agaw pansin, alam niyo na. Dress rehearsal nga kaya panay ang palit namin ng damit. Siya ay nakatunganga lang dun at tatawa kapag gusto niya. Minsan nga akala ko ay baliw na. Yun naman pala ay nakahawak sa kanyang *tooot* kaya siya natatawa.

Oh?! Ano namang *tooot* ang nasa isip niyo? Nakahawak siya sa kanyang phone at baka nagtitwitter at ka-tweet niya na naman yung mga kaibigan niyang bakla.

Paano ko nalaman? Malamang curious din ako kaya naman alam ko ang mga ka-tweet niya. (Binibisita ko kasi lagi yung profile niya.) Sikreto lang yun a? Baka sabihin niyo stalker ako.

Tulad na lamang ngayon.

@octopus: It's my birth month. So my #MarchWish is something or someone that can make me happy and forget all the things happened in the past.

Ayan 'yung tweet niya. Nabasa ko lang. Hindi ko binisita 'yung profile niya.

Napatingin ako sa kanya pagkabasa ko nung tweet. So ibig sabihin ay hindi pa rin siya nakakamove on? O baka naman nagmo-move on na naman siya sa bago niyang ex?

Sinamaan ko siya ng tingin nang maisip ko iyon. 'Yan kasi e! Puro kalandian ang inaatupag kaya ngayon ay nasasaktan. Binigyan ka ng pagkakataon ng nanay mo na atupagin 'yang pag-aaral mo pero sinasayang mo lang kakalandi diyan sa manloloko mong ex.

Hindi ako bitter. I'm just saying the truth. Putspa kasi yang starfish na iyan. Hindi marunong madala! Tsk.

"Oh? Nakasimangot ka? Broken? Again and again?" Binatukan ko ang kakalapit lang na si Harold. Isa din itong pasakit sa buhay e! Ano ba naman 'tong mga baklang 'to! Mga sakit sa ulo.

"Peste ka! Bakit? Close na ba kayo ng crush mo na ex ng mahal ko?" Tinakpan niya ang bibig ko dahilan naman para magulat ako. Hindi ko kasi inexpect na tatakpan niya. Tinignan ko siya at nakita kong nakanguso ang labi niya.

Sinundan ko kung saan ang direksyon ng nguso niya at nakita kong nakatingin sa amin si kuya Patrick. Walang reaksyon ang kanyang mukha. Poker face habang hawak ang cap niya na nasa kanyang ulo.

Nahiya akong bigla. Nagpumiglas ako sa hawak ni Harold. Inayos ko ang sarili ko na alam ko ngayong namumula.

My ghad! Nakakahiya! Nakita ako ni kuya Pat na nasa ganoong kalagayan. Feeling ko wala na akong mukhang maihaharap.

Pero siyempre joke lang iyon. Kumapal na ang mukha ko at wala na sa akin ang mga ganoong sitwasyon.

"Bakit? Baka marinig niya?!" Nilakasan ko talaga sa salitang niya. Nais kong iparinig talaga kay kuya Pat. 'Yun ay kung may PAKE siya.

"Ito! Ang ingay nitong stalker na 'to!" Mukha na siyang nagagalit. Natawa ako. Pikon ang isang ito.

"Nako! Ito naman hindi na mabiro." Tinatawanan ko siya habang nagpipigil siya ng tawa. Kunyari pang galit at pinipigilan ang pagtawa. Sus! Hindi niya naman kayang magalit sa akin.

Tumayo siyang bigla sa kanyang pagkakaupo at nagwalk-out. Hindi pa man siya nakakalayo sa akin ay sinigawan ko na siya.

"Bakla! Bakla! Bakla! Bakla!!" Nakapikit pa ako nu'n habang sinisigaw ko iyon. Pinipigilan ko kasi ang tawa ko.

At nang dumilat na ako ay nagulat ako ng halos lahat lalo na ang mga bakla sa kwartong ito ay nakatingin sa akin. Pinipigilan ko na huwag ibuhos ang buong tawa pero wala na akong nagawa kundi ang ilabas ang tawang kanina ko pa pinipigilan. Kaysa naman kasi na sa pwet ko lumabas iyon, baka bumaho pa. De-aircon pa man din ang kwartong ito.

"Sorry po. Sorry. Si Harold po 'yung tinatawag ko." Panay ang sabi ko ng paumanhin sa mga baklang tumingin sa akin. Hindi ko alam kung na-offend ko ba sila o ano pero laking tawa ko talaga ng isa si kuya Patrick sa tumingin ng sumigaw ako ng bakla! Laughtrip!

Best day ever!

Tapos na ang dress rehearsal namin kaya naman binalik ko na ulit sa normal ang itsura ko. And when I say normal, 'yung suot ko kaninang maong shorts and white v-neck shirt ang tinutukoy ko with matching nerdy glasses. Wala kasi akong mai-ipit sa buhok ko ngayon kaya 'yung nerdy glass ko sa study table ang napagdiskitahan ko.

Nililinisan ko ang salamin ng nerdy glass ko habang naglalakad pabalik sa pwesto ko kung nasaan ang mga bag namin. Since nasa gitna nga ang chinitong bakla ay nagkasalubong ang mga mata namin pero iniwas ko din naman agad. Hindi ko kasi kaya ng matagal. Baka madapa ako. Pffft~!

Bago pa man ako makalagpas sa kanya ay tinawag niya ako. Hindi sa pangalan ko pero alam kong ako iyon.

Nilingon ko siya gamit lamang ang ulo ko. Hindi ko siya nginitian o sinimangutan. 'Yung normal lang na expression ko. Which is mukhang mataray.

"Peram ako niyan." Sabi niya sa akin sa normal na tono ng kanyang boses na may halong kayumihan. Sayang! Ang ganda ng boses niya. Ang manly pero may kembot e! Tsk.

Inabot ko naman sa kanya agad ang nerdy glass at nilayasan siya. Tahimik akong umupo sa pwesto ko. Nilagay ang bag sa binti at yumuko. Nagbilang ng tatlo, sabay paimpit ng tili at ngiti ang inilabas ko sa bag ko.

SHEMMAAAYYY!! KYAAAAHHH!! He talked to me! Putspa! He talked to me!

Para akong tanga na nagpipigil ng ngiti sa nakatagong mukha sa bag ko. Hindi ko kasi mailabas ng maayos ang nararamdaman ko. Kung open lang ba akong tao edi sana ay nasa harap niya pa lang ako ay nagkekendeng na ako at nagtititili dahil kinausap niya ako.

TAE TALAGA! KINAUSAP NIYA AKO!!

Chi, kinausap ka niya. Diba 'yun na yung sign?

YUNG SIGN!! OO NGA! 'YUNG SIGN!

Nagmadali akong lumabas sa AVR at dumiretso sa lugar kung saan kita ang kalangitan. Kahit hindi gabi ngayon at wala akong makitang star ay para akong timang na nginitian ang langit sabay bulong ng thank you ng maraming maraming beses!

Peste kasi! Ang lakas lakas ko kasi sa star na pinaghilingan ko kagabi. Tinupad niya agad. Walang keme-keme ayan agad!

"Ang ganda talaga nito o? Bakit ka ngiting-ngiti?" Nilingon ko ang lalaking nakangiti sa gilid ko at binigyan din siya ng isang matamis na ngiti.

"Wala. Masaya lang ako ngayon."

Getting the Beki's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon