Ikadalawampu't isang Hakbang
10th
Hindi niya nakuha ang korona. Top 6 lang ang kanyang nakuha at best in talent. Lumong-lumo kami dahil hindi nakuha ng aming kurso ang unang pwesto. Buong akala pa naman namin, kung hindi si kuya Patrick ang mananalo, iyong isa rin naming pambato dahil nahakot niya ang halos lahat ng award. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at taga-ibang kurso ang nanalo. Iyong ex ni kuya Patrick na iniyakan niya noon. Iyon ding kapangalan niya. Nakalulungkot pero iyon ang kinalabasan.
Nang tuluyan nang humupa ang usapan tungkol sa naganap na pageant, bumalik na rin sa normal ang lahat. Nakikita ko na palagi si kuya Patrick sa corridor tuwing may pareho kaming araw ng klase.
Noong mga unang araw ay naiilang akong bumati sa kanya. Bumalik na naman ako sa gawing hindi siya papansinin kahit na makasalubong sa daan. Bigla na naman akong tinamaan ng hiya. Tuwing maaalala ko kasi ang naging usapan namin noon sa chat ay nahihiya ako para sa aking sarili. Direkta ko na kasing inamin sa kanya na gusto ko siya hindi katulad noong nahuli niya lang ako na sinabi ang salitang iyon. At hindi rin katulad ng pabirong pagsabi sa kanya noong kumain kami sa unli pasta na restaurant.
Pero tuwing mauuna siyang ngumiti sa akin, wala na akong magagawa no'n kundi ang ibalik ang ngiting iyon sa kanya. Madalas pa ngang tuwing kasama ko ang aking mga kaibigan tuwing mangyayari iyon. Kaya ang ending, aasarin nila ako hanggang sa mapikon ako. Hindi pa rin sila nagbabago. Tuwang-tuwa pa rin sila na asarin ako kay kuya Patrick.
At totoo na talagang magkaibigan kami. At kinikilig ako tuwing lumalapit siya sa akin para kausapin ako. Nakakatuwa tuloy isipin na maaari kong matapos ang ginawa kong tasks.
Things to do inorder to get the beki's BROKEN heart
1. Make him notice you. ✔
2. Be friends with him. ✔
3. Always greet him everytime you see him. ✔
4. Make him feel that you are always beside him. ✔
5. Make extra ordinary things that can divert his mind from his broken heart.
6. Make sure that he will not get into a man to man relationship again.
7.
So number 1-4 are already done. Walang kakupas-kupas talaga! In just a few weeks, natapos ko na agad ang apat na steps. Hmmm.. Ang number 5 madali lang gawin. Pero kailangan kong mag-isip. 'Yung 6 ang problema. Paano ko siya pipigilan? Tapos 'yung number 7 wala pang laman. Wala pa kasi akong maisip. Sabaw pa ang utak ko.
"Huy, Chi! Ano 'yang ginagawa mo?" Nabigla ako sa nagsalita sa harapan ko. Mabilis kong sinara ang pink notebook na sinusulatan ko. Tsk! Muntikan niya nang mabasa.
"Kuya Pat, ano ba naman? Bakit bigla ka na lang sumusulpot diyan?" Galit ang naging tono ko. Nagulat ako sa kanya!
"O? Bakit galit na galit ka? Ano ba kasi 'yang nakasulat diyan sa notebook mo?" Sinubukan niyang kunin ang notebook ko pero iniwas ko iyon sa kanya.
"Wala! Ang kulit nito!" Umalis ako sa pwesto ko dala ang aking pink na notebook. Naiinis ako sa kanya! Badtrip!
Hindi porque crush ko siya ay hindi na ako magagalit sa kanya. Badtrip din pala maging kaibigan ang isang iyon 'no? Masyadong bida-bida, papampam at kulang sa pansin. Tsk! Ewan ko nga ba't dati ay gustong-gusto ko siyang maging kaibigan.
Pumunta ako sa restroom nang wala akong maisipan na pwedeng puntahan. Walang tao dito ngayon dahil class hours. Nilapag ko ang notebook ko sa ibabaw ng sink at pumasok sa cubicle.
BINABASA MO ANG
Getting the Beki's Heart
ChickLitGETTING THE BEKI'S HEART Completed chinieanne's storyline Allrights reserved 2015 HOPEFUL HEARTS SERIES #1 Gwapo. Matalino. Magaling sumayaw. Kpopper. Chinito. Matangkad. At higit sa lahat, MAHAL AKO. Si Chinita Ann Gutierrez ay isang kpop fan na mi...